Share

Chapter 5

“Miss naman  relax na please. Oh eto na yung paddle at least natulungan kita .Ayan o nangangalahati na tayo sa layo. Yun lang naman ang point ko ang sungit mo naman sayang yang ganda mo Miss ano…. Ano nga ulit ang pangalan mo?”

“Tse! matagal ko ng alam yan, nananawa na nga ako sa gandang yan walang silbi. Nambola ka pa dyan ihulog kita eh” Sabi ni Athena na dahil sa buwisit ay binilisan ang pag sagwan kahit pa nga mangalay at nananakit  na ang braso niya. Tagaktak ang pawis ni Athena ng  makadaung sa kabilang pangpang.

May maingay na togtog siyang naririnig, baka may liga  ng basketball. Malapit kase ang court ng isla sa daungan kaya dinig niya.Kita rin sa kabilang pangpang kung saan sila galing kapag may ilaw dito tuwing  pyesta.

“Sir anong oras ka  babalik?”  Tanong ni Athena.

“Huh? hind ako sigurado miss eh” sagot ni Miguel Habang may iniisip.

“Naku Sir hindi ho tayo pwedeng magpagabi ha, bangka lang tayo. Malalim po ang tubig sa gabi  dahil nagsasalubong na ang tubig ilog at dagat”

Sabi ni Athena na biglang kinabahan. Bakit ng aba hindi niya naalalang magdala ng ilaw o kahit flash light. Wala rin siyang dalang jacket man lang. Eh tanghali naman kase kanina akala niya saglit lang ito kaya nga nagapahintay na. Inalalayan pa ni Athena ang lalaki sa pagsampa ng bangka upang makatalon sa pangpang. Medyo hirap kase ito dahil naka topsider leather shoes ito. Ngayon nga lang pala niya napagmasdan ang lalaki, nakapustura pala ito.

Bagamat nakapolo shirt lang ito na dark blue at cream slacks naman ang suot. Mukha itong Kapitan ng barangay na naimbitahan sa inagurasyon ng kapilya . Mga ganun ang datingan ng lalaki. Isang imahe ng lalaking suntok sa buwan para kay Athena.

Naglakad na  palayo si  Miguel mga nakakalimang hakbang na siya pero hind niya magawang humakbang ng ikaanim. Ewan niya pero paran ayaw niyang maghintay ang babae  sa bangka. Alam niya na matatagalan siya. Hindi biro ang mag judge ng isang patimpalak. Naimbetahan siya doon  bilang judge at panauhing pandangal na rin. Inilista siya ng kapita ng lugar nila na nagkataong kumaei naman ng kapitana sa isla Build na bestfriend ng lola niya.

Hindi niya masabing matatagalan siya kanina dahil baka bigla itong umatras pero sa experience niya sa paggiging judge inaabot ito ng gabi.

“Ahh Miss may Favor sana ako sayo” Sabi in Miguel na nangiisip pa rin ng paraan  kung paano sosolusyunan ang sitwasyun.

“Alam ko na yang sir sus wag kang magalala tumutupad ako sa usapan.Dito lang ako sir at hihintayin kita di kita tatakbuhan. Saka ano bang kinakatakot mo Sir eh ni singkong duling wala pa akong sinisingil” Sabi ni Athena.

“Ahh naku oo nga pala hindi pa nga pala kita nababayaran.Wait here take this” Sabi in Miguel sabay abot ng limang daan  kay Athena.

“Sobra ito Sir saka pwede namang mamaya na sir” Sabi ng dalaga na ibinalik ang pera sa lalaki pero ininsist nito at sinabing  mamaya na lang ang sukli.

“Aaah Miss yung pabor ko sana eh kung pwede mo sana ako ihatid sa itaas kase sa totoo lang first time ko mapunta dito. Medyo hindi ko kabisado. Ahh babayaran ko na lang ang  abala  Miss” Sabi ni  Muguel.

Napakamot  ito sa nasabi yun kase ang unang pumasok sa isip niya.Sana hindi makahalata ang babae.Saka na lang niya pagiisipan uli ang iba pang sasabihin kapag nakaakyat na ito mula sa pagpang. Aaakyat ka kase ng hagdan na mataas  na gawa sa semento bago mo marating ang Patag na bahagi ng Isla.

“Ulit ulit tayo sir? mali yan Sir, wag mong laging tinatawaran o penepresyuhan ang isang tao. Para aalalayan ka lang sa lugar na hindi mo kabisado kailangan may kabayaran agad?” Sabi ni Athena.

“Go sir maaasahan mo ako dyan  kabisado ko ang lugar na yan at take note sir , pakinggan mong maigi. Libre. Maliwanang Sir..Libre at ang tawag dun sir ay kawang  gawa tandan mo yang sir ha” sabi pa ni Athena at idiniin ang salitang libre.

“Talaga? sasamahan mo ako? Naku napakabait mo naman. Maganda na mabait pa” Sabi ni Miguel na natuwa dahil nakalusot ang mga moves niya sa babae.

“Naku ayan ka na naman sir nanaawa na ako sa salitang maganda, ibahin mo naman lahat ng tao yan na ang adjective sa akin e” Pabirong pagyayabang ni Athena.

“Eh Sir Saan ba ang punta mo? I mean alam ko dito nga eh ang ibig ko sabihin sino ba ang sadya mo? mamamanhikan ka ba?may s dadalawin  kaya?” Tanong ni Athena.

“Si ano ..si ano daw siya eh ahhh” Nangiisip si Miguel ng pangalan o dahilan para magtagal ang babae.

“Tulungan mo akong hanapin si Mang Delfin taga rito daw yun sa Isla Bulig eh” Sabi ni Miguel na naalala ang pangalan ng kanilang driver.

“Mang Delfin? Naku parang ngayon ko lang narinig yun ah. Sige Sir tara simulan nating magtanong sa Kapitan. Tiyak kilala nun lahat ng  tao dito” Sabi ni Athena.

Kinabahan naman si Miguel dahil makikilala siya ng Kapitan na  barkada ng lola niya at medyo madaldal pa naman. Kay halos hindi mapakali si Miguel ng magsimula ng umakyat ng hagdan ang babaeng  ewan niya pero hindi niya maalisan ng tingin.

Pagdating nila sa patag ay agad siyang inakay ng babae sa bahay ng kapitan ng lugar. Habang naglalakad ay nagiisip ng paraan si Miguel kong paano malulusutan ang kasinungalingan.

Bago pa man kumatok ang babae sa bakuran ng kapitana ay nakaisip na agad ng diskarte si Miguel.

"Ay miss ano..ano..ahh wait.Okay lang ba kung hintayin mo na lang ako dito sa labas ako na lang ang papasok at kakausap...Ahh kase medyo nahihiya akong mabuking na nagpasama pa eh Kalalaki kong tao eh" Yun ang naisip na palusot ni Miguel.

"Okay sir, kung okay lang dun na lang ako sa may tindahan maghihintay ha" Sabi ni Athena. Gusto sana niyang mainis sa lalaki dahil matapos siyang pakinabangan ay biglang nahiya pero inisip ng dalaga na baka may pride lang ito at siguro.

Maya maya ay lumabas din agad ito at hinanap siya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status