Share

Chapter 68

Hindi katulad ng iniisip nila nang makarating sila ng hospital. Ang kan'yang ama na sumalubong sa kanila sa may information desk ng hospital ay parang tumwnda ng ilang taon. Hagard ang hitsura nito at magulo ang buhok. Ang suot pa nito ay pambahay lang. Hindi ito katulad noon na naka-suit pa at nasuklay patalikod ang buhok. Ang nakikita nila ngayon ay isang lalaking parang dala ang lahat ng problema ng buong mundo. Puno ng stubbles ang mukha nito at halatang hindi natulog buong gabi.

Magkaganun pa man ay hindi siya nagpakita ng ano mang reaksyon. Sumunod pa rin sila ni Kelly sa kaniyang ama. Hindi rin umimik ang kan'yang ama na animo napakalalim ng iniisip at umabot na yata sa ibang planeta.

Huminto ang kan'yang ama sa labas ng ICU at humarap sa kanila.

"Ang sabi ng doctor ay post-cardiac arrest brain injury ang nangyari sa Lolo mo. Hindi natin alam kung kailan siya magigising, maybe days, weeks or months," sabi nito. "Aasa na lang tayo na mag-recover siya."

"He will recover," tipid
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status