Share

Chapter 67

Pakiramdam ni Kelly ay kanina pa siya sinusulyapan ni Andy simula nang gumising siya. Hindi sa paraan na may pagnanasa kundi panunudyo. Pero kung lilingon naman siya ay nasa gulay na nililinis nito ang kaniyang atensyon. Ikiniling niya ang ulo at muling yumuko para hiwain ang sibuyas na gagamiyin niyang panggisa sa lulutin niyang adobo. Bigla kasi siyang nag-crave ng ganitong ulam kaya siya na ang nagpresentang magluto kahit na iginiit ni Sydney na ito ang magluluto ng agahan nila.

Nang muli niyang maramdaman ang tingin ni Andy ay mabilis niya itong tinignan. Nahuli niya itong nakamasid sa kaniya na may munting ngiti sa labi.

Pero bihla itong dumaing at napahawak sa ulo nang walang seremonyang itoktok ni Sydney ang spatula sa noo nito. Bumungisngis siya nang makitang namula ang noo nito.

"Ano ba ang tinitingin-tingin mo riyan at hindi iyang sayote ang balatan mo?" nakapamaywang na sita ni Sydney sa kasintahan.

Napahawak ito sa baba at tumingin muli sa kaniya particular na sa kaniyang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status