Share

Chapter 66

Kinagabihan, pagkatapos na maligo ni Kelly ay naupo siya sa silya at gamit ang tuwalya ay pinunasan niya ang kaniyang buhok. Lumapit naman si Ryker sa kaniya at kinuha ang tuwalya. Nakangiting hinayaan niya ito na siyang magpunas sa kaniyang basang buhok. Pumikit pa siya para enjoy-in ang ginagawa nito. Hindi ito nag-initiate noon na gawin ito kaya kinikilig siya. Gusto niyang namnamin ang mga simpleng kilos ni Ryker katulad nito.

Maya-maya ay huminto ito kaya nagmulat siya ng mata. Nakita niyang binuksan nito ang drawer at kinuha ang hair dryer. Bumungisngis siya dahil nawala sa isip niya na iyon ang gamitin para patuyuin ang kaniyang buhok. Ang nasa isip niya ay naiwan ito sa mansion. Ang mga ibang gamit kasi nila ay naroon pa rin. Ang sabi ni Ryker ay saka na nila kunin iyon 'pag lumipat na sila sa isang bahay nito. Ang townhouse daw na 'to ay ibibigay na nito kay ate Sydney. Kahit na tumanggi ang dalaga ay iginiit ito ng kaniyang kasintahan at pinalipat pa rin sa pangalan nito ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status