Share

Chapter 34.3

"Kaya huwag ka na magselos ah, para kang bata talaga kapag nagkakaganoon ka. Hindi bagay sa 'yo lalo na kapag tahimik, parang hindi ikaw 'yon." Natawa naman kami pareho sa sinabi kong 'yon habang inaayos na namin ang gamit namin dahil bababa na kami sa bundok na ito at may iba na kaming agenda ngayong oras.

"Yes po," magalang na sambit niya at ngumuso pa siya. Kinurot ko naman ang pisngi niya dahil sa inasta niyang 'yon, iba talaga kapag face value. Ang guwapo na't cute pa. Napahawak naman agad siya sa pisngi niya at mahina niya namang 'yong ininda. Natawa naman ako dahil mahina siyang umaaray at ayaw niyang iparinig sa akin 'yon para hindi ako mag-alala.

Lumapit ako at tinignan ko ang pisnging kinurot ko at agad niya naman nilapit pa lalo ang pisngi niya para mahalikan ko siya sa pisngi. Nagulat ako kaya sinampal ko ang mukha niya. Natawa naman siya agad.

 

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status