Share

Chapter 8 Mr. Sungit

SYD

BAKIT parang biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko? Teka, ngayon lang ba ako nakakita ng guwapo? Correction— kun’di nuknukan nang kaguguwapo!

Kalma ka lang, Cinderella Santos! Inhale… exhale…

Nang mapansin ng isang lalaki na nakamasid ako sa kanila ay mabilis kong inilipat ang tingin sa numero kung nasaang floor na kami. Biglang nag-init tuloy ang magkabilang pisngi ko. Baka isipin nito na kanina ko pa sila tinititigan.

Palangiti itong lalaki na nakapansin sa akin, samantalang ‘yong isang kasama niya naman ay mukhang ipinaglihi sa sama ng loob. Mas guwapo sana, kaso ang asim ng dating! Ni wala ngang reaksyong mababanaag sa awra nito, o baka poker face lang talaga siya? Kung sabagay, masusungit naman ang karamihan sa mga guwapo at mayayaman, kaya bakit pa ba ako magtataka?

Nang makarating sa 6th floor ay nauna nang lumabas ‘yong mukhang masungit. Naglakad ito na para bang siya ang may-ari ng building. Nakasunod lang sa likuran niya ‘yong lalaking palangiti. Suminghap ako nang mal
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status