BLURB Mataman ko lamang siyang pinagmamasdan mula rito, sa may ‘di kalayuan. Batid ko na kanina pa siya sa akin naghihintay. Halata ang labis na pagkainip na mababanaag sa kaniyang hapong mukha, ngunit sadyang hindi ko magawang maihakbang ang aking mga paa palapit sa kaniya… hindi ko pa kaya. Alam ko kasi na sa oras na gawin ko ang bagay na iyon ay ito na rin ang magiging simula nang tuluyan kong paglimot sa kaniya, na dapat sana ay matagal ko nang ginawa. –Cinderella *** SA edad na labing-anim, labis na nasaktan ang murang puso ni Cinderella nang malaman niya na ang lalaking lubos n’yang hinahangaan ay may napupusuan na palang iba. Dahil sa nangyari, isinumpa niya sa kaniyang sarili na hinding-hindi na siya muling iibig pa. Na si Miguel Balbuena lamang ang nag-iisa at natatanging lalaki na kakikiligan niya –wala ng iba! At para maisakatuparan ng dalagita ang bagay na iyon, napagpasyahan niya na baguhin ang sarili niyang katauhan– ang maging isang tomboy. Hanggang kailan mapaninindigan ni Syd ang pagtotomboy-tomboyan kung makasalamuha niya na ang lalaking katulad ng isang Juan Benedicto Antonio III? Juan Benedicto Antonio III, a 25-year-old future CEO of Antonio’s Corporation, one of the largest distributor of Agro-Chemicals, fertilizers and seeds in the Philippines. A certified womanizer at never pang nagseryoso sa isang babae. Ayaw niyang pinagsasabay ang business and pleasure kaya naman agad niyang sinisibak sa trabaho ang sinuman sa mga nagiging sekretarya niya na nagpapakita ng mga kakaibang motibo sa kaniya. Paano kung makasalamuha niya ang isang kakaibang sekretarya sa katauhan ni Syd Santos, isang lesbiyana at nang nagsabog ang Diyos ng lakas ng sex appeal sa mundo ay sinalo na nito lahat! May mamuo kayang love story sa pagitan ng dalawang nilalang na ito na parehong nakararanas ng Pogi Problem Syndrome?
View MoreSYD Nandito na kami sa labas at nakatayo sa tapat ng kotse ni Yuan. Sumulyap ako sa amin, upang alamin kung walang nakasilip sa kahit na isang miyembro ng pamilya ko. Nang masigurong wala nga, ibinalik kong muli ang matalim at nagbabaga kong tingin sa kaniya, sabay unday nang malakas na suntok sa kaniyang sikmura. “Argh! Babe! Ang sakit! What was that for?” gulat na reklamo niya, habang hinihimas ang bahaging sinuntok ko. “Talagang masasaktan ka sa’king, baliw ka!” sabay umbag ulit sa kaniya. Dito ko planong ituloy ang extension ng gigil ko sa kaniya. “Ouch! Nakadalawa ka na, ha!” Halatang iniinda na ni Yuan ang ginawa ko, dahil nakangiwi na ngayon ang mukha niya. “Akala mo nakalimutan ko na ‘yong ginawa mo, ha! Para ‘yan sa panghihipo mo sa’king, maniyak ka!” “Pero nasampal mo na ‘ko kanina, ‘di ba?! Tingnan mo nga ‘tong pisngi ko, oh, may bakat pa ng kamay mo,” nakangusong maktol niya. Aba’t nagawa pa talagang magpa-cute ng mokong. Akala niya naman, uubra ‘yon. “Kulang pa ‘y
SYDWALA naman akong balak na patagalin ang paghalik na gagawin ko sa kaniya. Ilang segundo lamang ang pinalipas ko at inilayo ko na rin agad ang mga labi ko, sa kaniya.Saka ko lang nasilayan ang hitsura ni Yuan, nang tuluyan ko nang nadistansiya ang sarili, sa kaniya. Nakatulala siya sa akin. Parang hindi makapaniwala sa nangyari.“You kissed me?” manghang saad niya. Uminit ang mukha ko sa pagkapahiya. Mali yata ang ginawa ko— maling-mali! Gusto ko mang pagalitan ang sarili, ngunit huli na— nagawa ko na. Hindi naman siguro big deal sa kaniya ‘yong ginawa ko. Ni hindi nga yata iyon matatawag na kiss, eh. Sinayad ko lang naman ‘tong nguso ko sa kaniya. Ano ba naman ‘yon, kumpara sa mga naranasan niya?Mula sa pagkakaumang ng bibig, unti-unting nabuo ang maganda niyang ngiting umabot na yata hanggang tainga.Alanganin kong ginantihan ang kaniyang ngiti. Iniyuko ko ang aking ulo sapagkat hindi ko matagalan ang mga tingin niya.Pero ang mas ikinaloka ko ay ang mga sumunod pang sinabi ni
SYD Destined to be mine, raw?! E’di wow! Nasobrahan naman yata sa kumpiyansa itong taong ‘to! Ni hindi nga siya sigurado kung mapapa-oo niya ‘ko, tapos, ganon na agad ang kakanain niya? “Ganyan ka ba talaga? Masyado kang advance mag-isip.” Tatawa-tawa pa ako habang sinasabi iyon sa kaniya. Samantalang siya, ni hindi man lang nagbago ang seryoso niyang mukha. Medyo nahiya tuloy ako, kaya’t nagbaba ako ng tingin. Hindi na lang din ako umimik pa. Inihilig ko ulit ang aking ulo sa malapad na dibdib ni Yuan. Muli kong naramdaman ang malalakas na tibok ng puso niya, gayun din ang mabibigat niyang paghinga. Napangiti na naman ako dahil doon. Ang sarap makulong sa kaniyang mga bisig. Iyong tipong ipinapadama ng mga ito ‘yong assurance na safe ako sa piling niya. Na wala ni sino man ang maaaring makapanakit at makaagaw sa’kin, sa kaniya. Ang natural na init na nagmula sa kaniyang katawan ay unti-unti nang nagbibigay sa akin ng kakaibang sensasyon— nakakadarang… nakakapanghina. Ngayon ko
SYDNakasuot siya ng black long-sleeve polo, na itinupi ng hanggang siko ang manggas, itim na pantalon at black leather shoes, na pwede na yatang manalamin dahil sa sobrang kintab ng mga ito.Sa likod niya ay isang bilog na mesa na nababalutan ng puting tela. Sa magkabilaan no’n ay mayroong dalawang gold steel na upuan, na tanging sa mga catering services ko lamang nakikita. Sa ibabaw naman at mayroong nakasinding dalawang kandila, isang bote ng mamahaling red wine, wine glasses, mga kulay gintong kubyertos at puting pinggan.Tumalikod siya. Pagkaharap niya ay may bitbit na siyang malaking bouquet ng puting Stargazer!Natulala ako. Gulat at sorpresa ang nararamdaman ko sa mga sumandaling ito.Ang bilis-bilis ngayon ng tibok ng puso ko!Humakbang na siya, palapit sa akin. Unti-unti nang rumerehistro sa ilong ko ang mabango niyang amoy. “Good evening, my princess. For you...” mabini niyang sambit. Inilahad niya ang hawak na bulaklak. Mas malaki at mas bongga ito, kumpara sa ibinigay niy
SYDAKO na lang ang naiwanang mag-isa rito sa loob ng opisina. Nasa alas tres pa lang ng hapon nang magpaalam si Yuan na aalis na. May ilang mahahalagang bagay pa raw kasi siyang aasikasuhin bago bumiyahe bukas patungong Thailand.Heto ako't parang tangang napapangiti, sa tuwing naaalala ang mga nangyari sa pagitan naming dalawa. Nai-imagine ko pa rin ang paninitig niya. Ang paghaplos niya sa aking baywang at ang mainit niyang hininga na siya na ring nagmistulang hangin na nalalanghap ko, habang magkalapit kami sa isa't isa. Lahat ng iyon ay paulit-ulit na bumabalik sa aking ala-ala. Hindi ko maintindihan at hindi ko rin maipaliwanag kung ano ba ang maitatawag dito. Pero dito ako sigurado— na walang pagsidlan ang nararamdamang saya ngayon ng puso ko.Umuwi na rin ako agad nong sumapit ang alas cinco ng hapon. Katulad ng inaasahan— Wednesday, Baclaran Day, kaya dobleng traffic ang sumalubong sa akin sa daan. Halos umabot din ng dalawa't kalahating oras ang biniyahe ko pauwi sa amin.H
SYDNANDITO kaninang umaga si Yuan, pero hindi rin siya nag-stay ng matagal dahil may panibagong meeting na naman siyang a-attend-an ngayong araw. Imbes na ako, ang pinsan niyang si Sir Resty ang isinama niya roon. "Bakit malungkot ang beshy ko!?" Napaangat ang tingin ko sa nakangiting si Miss Roxy. "Mukhang ang lalim ng iniisip natin, ah?" dugtong niya.Grabe! Ganoon ba ako ka-focus sa ginagawa at ni hindi ko man lang napansin na nakapangalumbaba na pala siya ngayon sa harapan ko?Napakamot tuloy ako sa aking noo. "Hindi naman po, ma'am. Busy lang." Kahit na napipilitan ay sinubukan ko pa ring gantihan ang magandang ngiting iginawad niya sa akin. Umayos na ng tayo si Miss Roxanne. Sinundan ko siya nang tingin nang tumungo na s'ya sa office table ni Yuan at inilagay sa ibabaw no'n ang mga hawak na folders. "Payday na sa makalawa, bhe! Sama ka sa amin," masiglang aya niya, pagkabalik niya sa puwesto ko.Saglit ko siyang sinulyapan, pagkatapos ay ibinalik ko rin agad ang tingin sa s
SYD"Oh, napatawag ka?" bungad ko nang tanggapin ko ang video call request ni Yuan. "Kanina pa kita tinatawagan, bakit 'di mo sinasagot?" Nakakunot-noong tanong niya. Mukhang nakalagay sa tripod ang cellphone niya, dahil abala pa rin siya sa pag-aayos sa sarili habang nakikipag-usap sa akin. Nagsalubong pa lalo ang kaniyang kilay, nang mapansin ang background ng kinaroroonan ko. "Teka, wala ka sa inyo? Nasa court ka? 'Di ba't ang sabi ko, magpahinga ka? Ang tigas talaga ng ulo mo," sermon niya.Hindi ko mapigilang matawa sa naging reaksyon ni Yuan. Dinaig niya pa kasi ang papa ko kung makapanermon sa akin."G na g yarn?" pang-aasar ko. Tanging matalim na tingin lang ang iginanti niya."Mabuti at nakauwi ka kaagad?" Panlilihis ko na lang sa usapan. Bumuntong-hininga s'ya at iiling-iling na muling ipinagpatuloy ang ginagawa. "Dito ako dumiretso sa penthouse ko, sa AGC. Wala namang traffic kanina kaya nakarating ako agad.""Wow! May penthouse ka pala riyan? Bakit ngayon mo lang nasabi?
NASA alas nueve pa lang ngayon ng umaga. Magkakalahating oras pa lang, simula no'ng napilit ko na umalis si Yuan. Kung hindi ko pa ulit aksidenteng narinig ang pakikipag-usap n'ya sa cellphone ay hindi ko pa malalaman na may emergency meeting palang isi-net ang Board ngayong araw. Ayaw pa nga sana niyang um-attend dahil tinatamad daw siya, kaya ayon, nakatikim tuloy ng sermon sa akin. Maggagayak na nga rin sana ako kanina para makasama sa kaniya papuntang opisina, ngunit pinigilan niya ako. Si Miss Roxanne na lamang daw muna ang isasama niya ngayon sa meeting upang makapagpahinga raw ako. Nasa loob na siya ng kaniyang sasakyan at inuumpisahan nang buhayin ang makina nito. Ako naman ay nakatayo lang sa tapat ng nakabukas niyang bintana at hinihintay lang ang tuluyang pag-alis niya. "See you later, babe." Niyuko ko siya at kunot-noong tiningnan. Napahawak pa ang isa kong kamay sa bubungan ng sasakyan, matapos iyon sabihin ni Yuan. "See you later? Ibig sabihin, nandito ka na naman ma
Tuluyan nang naisarado ni Yuan ang pintuan ng banyo. Samantalang ako, heto, naiwanang nakatulala. Ni hindi ko magawang makakilos at tila natulos na sa aking kinatatayuan. Hindi makapaniwala kong hinawakan ang bahagi ng labi na pinangahasang halikan ng damuhong 'yon. Feeling ko ay nagmistulang whistling kettle ang ulo ko at kulang na lang ay umusok ang bunbunan ko dahil sa sobrang panggigigil ko sa kaniya. Nagpupuyos ngayon sa inis ang dibdib ko. Gusto ko siyang habulin para sapakin! Sumusobra na siya. Sino ba siya sa akala niya? Oo, amo ko siya— amo ko lang! Kaya dapat, matuto siyang lumugar. Hindi porket sinasakyan ko ang mga kalokohan niya ay magagawa niya na ang kahit na anong gustuhin niya sa akin. Wala siya ni katiting na karapatan na gawin iyon— wala! Nalamukos ko ang aking mukha at mararahas ang ginagawang paghinga. Muling nag-rewind sa ala-ala ko ang tarantadong lalaking nagnakaw ng first kiss ko dahil sa ginawang iyon ni Yuan. Sa sobrang sama nga ng loob ko noon, ilang ara
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.