Share

11. 1

CLINT'S POV

"Dude. Ano meron? Bigla-bigla kang nag- aaya, ah." Tapik ni Cedrik sa balikat ko saka pumasok sa loob ng kotse ko. Bihis na bihis ang mokong.

"Nothing. Boring sa bahay, e. Tsaka, may pasok ngayon si Carlisle 'yung sister ko." Pinaandar ko 'yung kotse saka nagmaneho. Nagtataka naman 'yung mukha niya. I forgot, wala pala akong nakwento sa kan'ya na meron akong kapatid.

"May kapatid ka, dude? Why you didn't tell me na you have a sister here in Philippines." Nakapamewang pa siyang nakatingin sa'kin habang nakaupo at nagtataka.

"You look so interested, huh? Maybe, later you would fall for her kapag pinakita ko sa'yo picture niya." Natatawa kong sabi habang patuloy na nagmamaneho. Natawa naman siya saka napailing.

"No. No, dude. I already liked someone. I don't know who is she. But, when I saw here, dude grabe parang ako lang at siya ang nasa mundong 'to nung mga panahong 'yun na nagkatinginan kami. You know the slow mo? I think 'yun 'yung nangyari nung nakita ko ang babaeng 'yun." Nakangiting niyang sabi habang napapailing at natatawa. Halata mo talagang seryoso at tinamaan siya dun sa babae. The way ng pagke kwento niya parang ito na 'yung babaeng maganda na nakita niya sa tanang buhay niya dito sa mundo.

Ganito ba talaga kapag na inlove ka? 'Yung siya lang 'yung makikita mo sa paligid kahit madami namang tao.

Yes, na inlove din ako noon kay Alexa pero 'yung slow mo hindi ko naman naranasan sa kan'ya. Iba 'yung pagkagusto ko sa kan'ya at pag hinto ng mundo ko ng magustuhan ko s'ya.

Pero, itong sa kaibigan ko kakaiba, e. Sino kaya ang babaeng iniibig nito? Pansin kaya 'to? Minsan kasi he's stupid. Playboy din. But, when he fell inlove totoo 'yun at seryoso na.

Kelan kaya ulit ako maiinlove at 'yung tipong mags slow mo 'yung buong paligid ko kapag nakita ko siya?

"Hey. Do you want to see the picture of my sister?" natatawa kong sabi sa kan'ya. Napaharap naman kaaagad siya sa 'kin at tinaasan ako ng kilay. Minsan he looks gay kapag ganyan s'ya.

"Okay. Pero, walang malisya dude ha." Tumango lang ako at saka napangisi. "You already know naman na I liked someone na, ha?" Ngisi niya saka sumenyas na ipakita ko na 'yung picture.

I nodded again at kinuha 'yung picture ni Carlisle sa wallet ko. Hindi lang naman picture ni Carlisle ang nandun kundi pati family picture namin..

"O, ayan. Siya 'yung little sister ko. And, nasa 19 na siya ngayon. She's Carlisle Alexandra Monterial." Inabot ko sa kan'ya 'yung picture at ngingisi ngisi niyang kinuha 'yun. Tinignan ko 'yung reaksyon niya at nagtaka ako dahil parang kinabahan siya at literal na natulala sa picture na hawak niya.

Sandali kaming natahimik at nakagingin lang ako sa kan'ya. Pinagpapawisan na siya sa sobrang kaba niya at halos hindi na siya makatingin sa akin. Tutok na tutok pa rin siya sa picture ng kapatid ko.

Hindi ko maintindihan kung bakit nagka ganon siya kaya kinuha ko kaagad sa kan'ya 'yung picture.

"Akin na nga!" Hablot ko sa picture ng kapatid ko. "Ano tulala ka dyan? Bakit ba pinagpapawisan ka? Nakita mo lang ang picture ng kapatid ko, para ka nang nakakita ng multo dyan." Taas kilay kong sabi.

Hindi naman siya umimik kaya napailing na lang ako.

Tinigil ko ang kotse sa isang restaurant dito sa Pala-Pala sa, Dasma. Bar din siya.

"Hoy, bakit hindi ka umiimik diyan? Is there something wrong, dude? Kanina ka pa ah, since nung pinakita ko sa 'yo picture ng kapatid ko." Binatukan ko siya habang umiinom ng beer. Agad naman siyang napatingin sa akin habang gulat na gulat. And, wait? Bakit parang kinakabahan siya?

"W-wala, p-pre. Maiba ako. May problema ka ba at nag-aya ka pa dito." Inaalog niya 'yung beer na nasa baso at seryosong nakatingin sa akin.

Napabuntong hininga ako. "'Di ba, seaman kinuha ko? Next month, start na 'ko sa barko. Inshort, ayoko maiwan si Carlisle na mag isa doon sa bahay niya. I don't want my sister to be alone. Gusto ko may makakasama siya o titingin sa kan'ya kahit panandalian." Uminom muna ako ng beer bago tumingin ulit sa kan'ya. Sana, 'wag niya tanggihan ang hihilingin ko. "Can you do me a favor, dude?"

Natigilan siya. What's wrong with this guy? "A-ano ba 'yun, dude? Napalunok siya. Problema nito?

"Pwede bang ikaw muna ang bahala sa kapatid ko kapag umalis na ako? Please, dude. Ayoko siyang mag-isa, e. I know naman hindi mo 'ko matatanggihan." Hinawakan ko pa siya sa balikat at pinilit. Naalala ko kasi nung nasa bahay kami ni Carlisle at mga kaibigan niya.

Iniwan ko muna sila saka ako pumunta ng cr.

Paglabas ko naghugas ako ng kamay at kumuha ng pagkain sa ref para dalhin sa kanila in case na magutom sila at gustong kumain.

Naglalakad na ako papunta sa kinaroonab nila ng mapansin ko sa bintana na may nakatingin sa itaas ng bahay namin.

May kausap siya sa cellphone kaya nagtaka ako kung may kailangan ba siya o ano ang pakay niya. Pero, hindi ko nalang pinansin 'yun at pinasa walang bahala na lamang.

Ayoko siya mag isip ng kung ano ano, pero ayoko din siyang mapahawak kaya aalamin ko kung ano ang pakay ng tao na 'to sa amin, o sa kapa

Alam ko naman na hindi ako matatanggihan ni, Cedrik, e. He's my bestfriend, since highschool. At, siguro gulat siya dahil ganitong favor ang hinihingi ko sa kan'ya.

Ever since, hindi niya alam na may kapatid ako. Hindi naman ako pala kwento sa ibang tao tungkol sa buhay ko.

And, something weird dito sa inaasal ng kaibigan ko. Kanina sa kotse, ang saya saya niya pa habang nagke kwento tungkol sa babaeng nagugustuhan niya. Tapos nung nakita niya lang picture ng kapatid ko hindi na siya mapakali.

Problema niya? Tss. Nevermind, basta mapapayag ko siya ngayon. I really need his help.

"Dude. Ano na?" Tanong ko at inaalog pa din ang balikat niya. Tulala si gago, e. Nagulat siya kaya dahan dahan siyang tumango kahit bakas pa din sa mukha niya ang kaba. Pero, napangiti pa din ako.

"Yeah, sure. Ikaw pa? Anything, for you dude. Bestfriend mo ata ako." Nakangiti kaming parehas at pingdikit namin ang baso namin na may lamang beer saka namin 'to ininom.

Finally. Panatag na din ang loob ko dahil may mapagkakatiwalaan ako na isang tao para sa kapatid ko habang wala ako.

Anything, for her. Gagawin ko ang lahat para 'wag siyang mapahamak. Siya lang ang nag-iisang kapatid ko, kaya ganito ako ka over protective sa kanya. Hindi lang dahil kapatid ko siya, kundi babae siya at ayaw kong mababastos siya ng iba habang wala ako sa tabi niya.

Hindi lang inom ang ginawa namin ni Cedrik sa lugar na 'yun, kundi kumin na din at nag take out ng pagkain para kay, Carlisle. Alas kwatro na ng hapon at alam kong nasa bahay na siya. Kaya naisipan kong magdala ng pagkain para sa kan'ya.

Hindi alam ni Cedrik na idiniretso ko sa bahay. Nakatulog na nga, e. Ginising ko siya para sabihing andito na kami. Kusot kusot pa ang mata ng gago habang naglalakad papasok sa gate.

Pagpasok namin sumalubong kaagad si Carlisle sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Sweet. Ngunit, nawala 'yung sigla niya ng mapatingin sa likod ko at naka kunot na kaagad ang noo niya. Tinignan ko naman sa likod ko si Cedrik na pinagpapawisan na at napansin ko ang pag lunok, lunok niya. Kinakabahan pa.

Pabalik balik lang ang tingin ko sa kanilang dalawa dahil sa ganung inaasta nila sa isa't isa at harapan ko.

Is there something wrong?

Well, malalaman ko din 'yan.

Not now, but soon.

Basta, sa ngayon kapakanan muna ng kapatid ko ang iisipin ko.

__________________________________

__________________________________

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status