Share

The Secretary's Mission
The Secretary's Mission
Author: akagi

Chapter 00: She Attempted

- THALIA'S P.O.V -

2 years ago...

Hindi... Hindi magagawa ni Cedric na lokohin ako... Hindi! Panaginip lang ito!

Sinubukan kong kumbinsihin ang sarili ko na hindi ako niloko ni Cedric, na hindi ako pinagpalit sa ibang babae ni Cedric. No, This is just a dream!

Tuluyan nang lumabas ang maiinit kong luha pababa sa aking pisngi, pinunasan ko ito gamit ang aking kamay. Pinipigilan kong umiyak dahil ayoko mawalan ng dignidad ang sarili ko.

Kasalukuyan akong pinapalibutan ng mga taong hindi ko kilala, nakatayo ako sa pinakadulong bahagi ng bato. Pinapakinggan ko ang mga mahihinang alon. Napatingin ako sa baba at nakita ko ang lalim na ilog ng capital.

Pupunasan ko na sana muli ang aking luha ng biglang naisip ko na hindi isang panaginip ang pangloloko ni Cedric sa 'kin.

Totoong iniwan ako ni Cedric... Without him... I believe I am useless. Better end this worthless life than suffer from it.

Mas lumapit ako sa kaduluhan ng bato. Tatalon ako, at walang makakapigil sa akin.

"'Wag mo itutuloy 'yan!"

"Masyado ka pang bata para mamaalam sa buhay!"

"Tatagan mo loob mo, binibini!"

Sigaw ng publiko sa 'kin,

I tried not to think about ending my life, but in the end, I still resorted to it.. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko sa buhay kung wala na si Cedric. Wala na akong pakiilam sa mundo kaya bakit ako biglang nagdalawang isip na tigilan ang masamang binabalak ko!?

"THALIA!" isang pamilyar na boses ng isang babaeng narinig ko sa giliran ng publikong nanood sa akin. E-Eloise?

"Papunta na si Steve kaya tigilan mo ang gagawin mo!" pamimigil ni Eloise.

Tinikom ko ang bibig ko at napaluhod sa bato, umiyak ako ng parang bata. Pinigil ko ang sarili ko ngunit lumabas na lahat ng iyak ko at hindi ko na ito matigilan.

Napunta sa isip ko si Steve, ang lalaking kaibigan ko simula pagkabata. Medyo nagalak ako ng nalaman kong nagaalala si Eloise at Steve kaso... hindi. 'Mas malakas si Cedric sa buhay ko kaysa sa kanila...

Tumayo ako muli at humarap sa ilog, binuka ko ang bibig ko at nagsalita,

"Eloise, pakisabi nalang kay Steve na salamat sa lahat. Pati na din sayo..." pilit kong ngiti. "N-No! Better stop at what you want to do, Thalia!" Eloise said, trying to convince me but unfortunately, it did nothing.

Hindi na ako nagdalawang isip pa at tuluyan kong inuhulog ang sarili ko sa tubig.

"THALIA KARINA!"

Yakap ng malamig na tubig ang sumalubong sa akin. Mabilis na bumalot ang lamig sa buong katawan ko. Randam kong mas lumalayo na ako lupa. Dear water, devour me.

"Sagipin niyo!"

"Hindi pa siya nakakarating ng lalim! Baka masagip pa na 'tin!"

"Move! May paparating!"

Nawawalan na ako ng hininga. I should give up and end this life. Dahang-dahan ko ng ipinikit ang mga mata ko. Pero hindi ito natuloy nang may nakita akong imahe ng isang tao na palangoy papunta sa akin.

Will it save me?

"No! Don't save me━". I tried to shout at it. But as soon as I opened my mouth, water indulged into it. I forgot that I am underwater. Tuluyan na akong nawalan ng malay dahil sa dami ng tubig na nalunok ko.

Please... don't save me...

But he still did... which made me still alive.

.

.

.

Then that's the time I realized I should change paths. I don't want to be the weak and naïve girl of the past. I want to gain independence and learn how to fight for myself.

I, Thalia Karina, will swear no man can make me cry. I will make men bow to me and let them suffer under my destructive wrath. I'm not mad, I'm just thirsty for vengeance.

All men can't resist temptation, and that temptation will be taken by me.

Get ready... womanizers.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status