Share

KABANATA 18

Tuwang-tuwa si Lucy sa itsura ni Margaux nang mabungaran niya ito sa may hagdanan dahil gusto niyang uminom nang tubig kinaumagahan.

"Wala ka bang sapat na tulog kagabi Miss Margaux? At talaga nga namang kapansin-pansin iyang eyebags mo?"

Umismid lamang siya. Kagabi ang kauna-unahang pamamahinga niya sa kama na hindi man lamang dinalaw ng antok kahit isang oras nga man lang.

At si Declan ang dahilan niyon, hayop na lalaki!

"Napansin mo bang nakauwi si Declan at Mera kagabi?"

Huli na upang bawiin ng dalaga ang kanyang tanong ngunit hindi rin naman iyon nahalata ni Lucy bagkus ay umakto pa itong nag-iisip habang nakatabingi ang ulo at bahagyang tumirik ang mata nito.

"Hindi ko narinig ang kotse ni sir Declan kagabi na pumasok sa main entrance. Bubuksan rin naman kaagad iyon ni manong Lando dahil siya rin ang caretaker rito sa pamamahay maging ang asawa nito."

Napanguso si Margaux roon at iginilid ang tingin. "Sa Muchàs Grà
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status