Share

TSBM Chapter 3 - My Boy Bestfriend VS. My Ex-Boyfriend

Donna Point of View

"P-Po? Anong trabaho, bukod sa ginawa ko pong pagsasayaw kanina?" Napakunot ang noo ko.

Napailing siya at nainis. "Tignan mo 'to, e ano? Maganda lang e pero tatanga-tanga!" Sinara niya ang kanyang pamaypay at tinaasan ulit ako ng kilay. Ibinagsak ang pamaypay sa lamesa at tumayo. "Hoy, ikaw, hindi ba sinabi kona sa 'yo na p****k ang trabaho mo dito?! Kasama na 'yan sa trabaho mo. Pagkatapos mong gumiling sa maraming customers ay kailangan mo silang ientertain mo or better yet sumama sa kanila sa labas or magpa-vip! Sakto at kahit na buntis kapa at baguhan sa club ko ay bumenta ka! Maraming nagkakandarapa diyan sa katawan mo! Buti ka pa, e yung iba dito matagal na pero ikaw isang giling mo lang madami ka ng nabingwit na mga isda."

Napailing ako at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Padabog kong ibinaba sa mesa ang cheke. "Hindi ko 'yan matatanggap!"

Napakrus ang mga kamay ng bakla at mahinang napatawa. "Ikaw, napakaarte mo! Ikakakama ka lang naman." Pinasadahan ako nito ng kanyang tingin, diring-diri sa akin. "Nabuntis ka na nga e ng iba, tapos pinagdadamot mopa ang katawan mo?!"

Napasinghap ako at kumuyom ang kamao ko. Parang kabayong naghahabulan sa bilis ng kalabog ang puso ko sa pagkapoot ko sa kanya. Kung hindi lang dahil sa pagtulong niya sa akin ngayon ay baka mauna ko pa siyang mapatay.

"Is she ready?"

Napabaling ang mga mata ko ng may isang matandang lalaki ang biglang sumulpot sa likod ng bakla.

Humarap kaagad ang bakla at nagbigay galang sa kadadating na hapon na matandang lalaki. "Oh, Yes, Mr. Takuzawa. She's ready to be yours."

Nakangiti siyang nakatingin sa hapon at lumapit sa akin ng pasimple. Idinampi niya ang kanyang kamay sa aking braso. "Huwag ka ng maraming arte pa, at sumama ka na sa kanya ngayong gabi!" pagbulong niya sa akin. Pinandilatan ko siya ng mga titig ko at naramdaman ko ang pagbaon ng kuko niya sa laman ko.

Lumalabas na sa aking bibig ang hangin at umiiling-iling na ako. Pero hindi siya naaawa sa akin.

"Go and take her." Lumapit na ang matanda at inilagay ang kanyang mga kamay sa aking bewang.

"She so Beautiful." Hinaplos niya ang aking pisngi at pilit ko siyang tinutulak papalayo. Pero mas pilit lang s'yang dumidikit sa aking katawan. Inilagay niya ang kanyang magkabilaang kamay sa balikat ko at sapilitang pinapalakad papaalis sa bar na ito.

"Let go of her."

"Sino ka? Papaano ka nakapasok dito? Bawal ang ibang customers dito!" sigaw ng bakla sa bagong sulpot na lalaki.

Napaawang ang mga labi ko dahil sa kakisigan at napakagandang lalaki ng bagong dating.

" 'Teka... Ikaw 'yung lalaki kanina," bulong ko na sapat na rin para marinig nilang lahat. Siya 'yung lalaki kanina na kung makatingin sa akin ay wagas. Pero 'teka anong ginagawa niya dito? Sino ba siya? Pero parang pamilyar siya, e? Parang matagal na kaming nagkita at pakiramdan ko kilala ko na siya matagal na.

Napangisi ang lalaki nang tumingin sa akin.

Tan-ina!

Pagkairitableng napalunok ako at damang-dama ko ang pagdausdos ng kamay ng manyak na matandang ito paibaba sa puwetan ko.

Pinipigilan ko lang ang sarili ko at ayokong mag-cause ng gulo dito.

"And who is this guy?" pagtatakang tanong ng hapon sa bakla. Gumuhit sa kanya ang inggit dahil 'di hamak na maraming paligo ang kulang sa kanya at natatakot ito na makuha ako ng iba.

Aligagang lumakad papalapit ang bakla sa lalaki para pigilan sa gusto niyang gawin. "Sir! Bawal po kayo dito, pang vip lang po ito." Pinakalma niya ang hapon pagkatapos. "I will handle this, Mr. Takuzawa, you will bring the lady in you tonight, don't worry."

"I will pay you one time big time. Akin lang ang babae." Pag-agaw ng bagong dating sa usapan.

Napataas ang kilay ng baklita. "Kahit triplehin mo pa, sir, hindi po talaga puwede. Kung gusto niyo ay pumili na lang po kayo ng ibang available sa labas, marami naman po, Mr. --- "

"Montenegro. I am Anthony Montenegro." Pagdugtong nito. Pati boses niya ay nakakabighani.

"Mr. Montenegro? Oh my god!" Napatutop sa bibig ang bakla. Para din akong nabuhusan ng malamig na tubig after kong marinig ang mga katagang lumabas sa bibig nito. Siya si Anthony Montenegro, ang isa sa pinakamayamang tao sa buong Pilipinas. Siya rin ang mortal na kalaban ng kumpanya ng Pamilya ko.

Sabi ko na nga ba kilala ko ang lalaking ito. Nagbalik na siya galing states.

"I'm sorry po, Mr. Montenegro hindi po kita nakilala kaagad." Halos lumuhod na ang bakla sa harap ng lalaki dahil sa labis na kahihiyan na natamo at ginawa niya sa isang Montenegro. Pero tila hindi tinanggap ni Anthony ang paghingi ng tawad nito base sa nababasa ko sa kanyang mukha.

Mas dumiin pa lalo ang paglunok ko at pagkayamot. Napasinghap ako at pasimpleng tinatanggal ang kamay ng hapon sa katawan ko.

BOOM! PACK! BLAG!

Napahandusay at napatilapon sa sahig ang matandang hapon. Agad naman na dumating ang mga body guards ng matanda at ang mga matong alaga ni Madam G. para awatin ang away. Nang makita ako ni Anthony na pinagsasamantalahan ng matanda ay umigting ang panga nito at lumabas ang ugat sa buong katawan niya. Nandilim ang paningin nitong sinalubong ng malakas na sapak ang matanda.

"Mr. Montenegro, tama na po!" umawat ang bakla sa dalawa. Halos nagdidiliryo na ang hapon at mamatay pero hindi umaawat sa pagbuhos ng nagbabadyang  galit si Anthony dahil sa pambabastos sa akin ng hapon.

Bata palang talaga ay napakaswerte ko na dito. Hindi pala swerte dahil puro gulo ang dala niya tuwing pinagtataggol ako. Alam niyang Lee ang apelyido ko at nagmula sa dugo at angkan ng mortal na kalaban ng pamilya niya, pero sa kabila ng lahat ay naging malapit kami sa isa't isa.

"Tama na ---" hindi pa tapos ang sasabihin ko nang lumapit ako sa kanya at awatin ito dahil natatakot din akong baka makapatay siya dahil sa akin. "Awat na Anthony!" Nang idala ko ang mga kamay ko sa magkabilaang balikat nito ay hindi ko inaasahan ang pagtabig niya sa akin na siyang ikinatilapon ko at malakas na naumpog sa dingding at nawalan ng malay.

****

"Gising na po siya, Mr. Montenegro."

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Hinang-hina ako.

"Ang baby ko!" paghiyaw ko dahil pakiramdam ko ay may masamang nangyari sa baby ko. Sinubukan ko agad na bumangon sa pagkakahiga habang hawak-hawak ang tiyan ko.

"A-Ang baby ko..."

"Your baby is okay, Donna. Don't move too much!" Naramdaman ko ang mainit na palad na humaplos sa likod ko. "Akala ko may nangyari nasa baby ko, buti safe pa ang baby ko." Mapait akong napangiti habang hinahagod ko ng mahina ang aking tiyan.

Umangat ako ng tingin sa lalaking nasa harapan ko ngayon. "A-Anthony..." tipid kong sabi. "Ikaw na bayan? Hindi ba ako nananaginip na bumalik ka na ulit?" Akala ko malaking panaginip lang ang lahat ng nangyari sa bar at ang pagdating ni Anthony.

"Oo, totoo ako." Gumuhit ang isang malaking linya sa kanyang mga labi. Hindi na ako nakapaghintay at agad siyang niyakap. "Grabe na-missed kita. Ang tagal-tagal mong nawala! Akala ko hindi ka na babalik. Akala ko hindi mo na ako babalikan."

Ilang taon na rin ang lumipas tandang-tanda ko pa nung mga high school kami. Halos hindi kami mapaghiwalay ni Anthony, kambal tuko kami nito. Tuwing napapatrouble siya o ako salo namin ang isa't isa. Pero isang araw bigla siyang nawala na parang bula, na hindi man lang nagpaalam sa akin na titira na siya sa Amerika at doon na magpapatuloy ng kanyang pag-aaral. Sabi ko pa nga sa sarili ko iniwan na niya ako at hindi na siya babalik, kaya 'wag na akong aasa pa na babalikan pa ako ng Best friend ko.

Kinuha niya ang kamay ko at ikunulong ito sa kanyang mga palad. Hindi niya pinakawalan ang mga mata ko. "I'm sorry kanina at hindi ako nakapagpigil at pati ikaw nasaktan ko."

Mahina akong napatawa at binawi ko ang mga kamay ko sa kanya. "Para kang sira! Ako nga itong dapat magpasalamat sa 'yo kasi dumating ka kanina at kung hindi ka dumating baka napahamak na ako sa kamay ng matandang hapon na iyon." Mabilis kong inilihis ang sarili ko sa kanya dahil grabe siya makatitig at punong-puno ng kadramahan ang mata nito.

"Asan na nga ba ang bag ko at kailangan ko ng magsuklay." Pagkukunwaring okay na ako. Sa totoo lang kasi, kahit masaya naman talaga ako dahil nagkita na kaming muli, nahihiya pa rin ako dito. Kasi ngayon, pagkatinititigan ko s'ya napakataas niya kung ikukumpara sa akin na hindi na nakapagtapos ng pag-aaral, naloko at nabuntis tapos naging patapun pa ang buhay at muntikan ng pagsamantalahan ng hapon. Tumatawa-tawa pa ako sa harap nito. Inilibot ko ang buong mata ko sa paligid, takte, nasa private room pa ako ng hospital dito pa talaga niya ako dinala?! "Ayun! Nakita ko na!" Kinapa ko ang stand side table sa gilid ng stretcher bed ko. Pagkakuha ko sa bag ko ay nabigla ako sa mabilis na pagyakap sa akin ni Anthony.

"Anthony...." mahinang bulong ko dito. Naipit ang mga kamay ko sa tapat ng kanyang batong-bakal na dibdib. "I can't breathe." Nabitawan ko na rin ang bag ko sa sobrang higpit nito sa pagkakayakap sa akin. Kumakapos na rin ang paghinga ko dahil sa pagkulong niya sa akin sa katawan niya.

Naramdaman ko ang mahinang paggalaw ng ulo nito sa balikat ko, at ang maiinit nitong hininga. "I'm sorry..."

"B-Bakit?" mahinang tugon ko sa kanya.

"I'm sorry. I'm really sorry, Donna, na iniwan kita."

"Donna!"

"Val!?"

Naitulak ko kaagad si Anthony nang nakita ko si Val pagbukas ng pinto. Galit na galit ito sa mga nasasaksihan niya sa harapan niya.

Biglang sumulpot ang isang babae sa likod nito at pumasok din sa kwarto ko. "Sweetie!? Anong ginagawa mo dito?!"

Halos mapabalikwas ako sa kama ng makita ang dalawa. Anong ginagawa ni Val at ni Lea dito?

Tumayo sa kama si Anthony at malokong nilapitan ang ex ko. "Mr. Huang. Nice meeting you again." Lumipat naman ang mga tingin nito sa kapatid ko. "You too, Lea."

Gumuhit ang pilit na ngiti sa labi ni Lea at pinasadahan ng tingin si Anthony habang nakapalupot ang mga kamay nito sa braso ni Val. "Oh! Mr. Montenegro bumalik ka na pala sa Pilipinas. I'm happy na makita kang muli." Peke na ang lahat-lahat sa kanya, maging ang pakikitungo at pakikiusap pa rin kay Anthony ay napaka-plastic pa rin.

Lumabas ang adams apple ni Val at kumuyom ang kamao. Napasinghap nalang ako at pinaglaruan ang mga daliri ko nang magtama ang mga mata namin ni Val. Hindi makapakali ang sarili ko ng magkita kaming muli at mukang gano'n rin siya sa akin. Nabasa ko sa kanya ang labis na pag-aalala, pero may halo at umaapaw ang selos at galit sa mga mata nito lalo na ng makita niya kaming dalawa ni Anthony na magkasama at magkayakap sa iisang kama. Napuno ng takot ang puso ko dahil hindi ko mabasa ang susunod na maaari niyang magawa lalo na kay Anthony. Pero bakit siya naparito kasama si Lea? At mukang nagmadali pa siyang pumunta dito at tignan ang kalagayan ko. Pero 'teka paano niya nalaman na nasa hospital ako?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status