Share

[SIMON] Part7.7: Chapter7

SA 'di kalayuan napangisi si Simon nang makita ang dating maangas na si Xavier, ngayon ay takot na takot. Napahigpit ang kanyang hawak sa kahoy na kanina lang niya napulot nang magtago siya sa halamanan. Mahaba, may parteng mataba at patulis sa dulo ang kahoy. Ilan saglit pa napagpasyahan niyang magpakita kung kaya't natigilan si Xavier nang makita siya. Nanlalaki ang mga mata nito sa gulat at tagaktak ang pawis nito.

"Walang makakarinig sa 'yo dito!" Panimulang sabi niya. "Mga ganitong hapon ay walang masyadong tao." Dugtong niya.

Pinaningkitan siya ng mga mata ni Xavier dahilan para lumawak lalo ang pagkakangisi niya rito. "Ikaw, Simon!" Gigil na banggit nito sa pangalan niya. "Anong ginawa mo sa 'kin at bakit nakatali ako!" Matapang nitong dugtong.

Sa ikalawang pagkakataon ay pinilit nitong pumiglas ngunit habang tumatagal ay mas lalo lang itong napapagod sa ginagawa nito.

"Simple, dahil dito." Tugon niya, sabay pakita niya ng papel kung saan doon nakaguhit si Xavier. Natigilan nam
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status