Share

xxix. All Yours

“What was that? Hindi niyo man lang ako kinunsulta? Basta na lang kayong nag-decide para sa future ko?" himutok ko at hindi makapaniwala na tiningnan ang magulang kong nakaupo sa kabilang bahagi ng lounge. Tapos na ang dinner kasama ng pamilyang Honovy, at agad na kinompronta ko sina; mommy at daddy dito sa study room ng mansion nang makauwi kami.

"I've already made my decision."

"Pero dad! Buhay ko ang pinag-uusapan natin dito. Hindi niyo mapasunod si Hyacinth sa kasal na ito kaya ngayon, ako ang gagawin niyong sacrificial lamb?" Nagpupuyos ako sa galit. Hindi ko nagawa na makapag-reklamo kanina dahil nasa harap namin ang pamilyang Honovy. Kung 'di lang dahil sa katiting na respeto ko sa kanila bilang magulang, baka nagwala na ako kanina at tinalikuran sila.

"Tilaine, huminahon ka anak—"

"No, mom. Paano ako hihinahun kung ganito ang ginagawa niyo sa 'kin?" Gusto kong umiyak. Gusto ko silang pagsalitaan ng masasakit na salita pero kahit ganun, may respeto pa rin ako sa kanila, magulang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status