Share

xlviii. Beach House

Sa isang shipyard sa Navotas kami dumaong, ang sabi ni Gregory ay kaibigan niya ang may-ari ng nasabing shipyard. Mahigit apat na oras rin ang byahe namin sa dagat dahil medyo maalon. Thankfully, walang naging aberya at safe kaming nakadaong ng Maynila.

May sasakyan nang nakaabang sa amin nang makababa kami ng yate ni Gregory. Ang buong akala ko pa ay kami lang ni Wregan ang sasakay, ngunit sumama sa amin si Gregory para ihatid raw kami sa airport. Naguguluhan man ako sa nangyayari, pinili kong manahimik at kimkimin ang mga bagay na gusto kong itanong sa dalawang lalaki na aking kasama.

"We are here," imporma ni Gregory nang huminto ang aming sinasakyan. “Here are the plane tickets for General Santos City. Someone will be waiting for you at the airport to escort you to your next destination.”

"General Santos?" Worried na nilingon ko si Wregan. "Bakit kailangan nating pumunta ng General Santos? Anong nangyayari?"

"Magbabakasyon lang tayong tatlo."

"Pero bakit naman ang layo?" Hindi ko
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status