“Panay ang tulog mo lately," puna ni Mommy isang gabi habang kumakain kaming pamilya ng dinner.
"Hindi kaya nasobrahan ka na sa apple juice and apple dessert?" segunda naman ni Hyacinth.
Napalunok ako ng malaki kasama ng apple pie na nginunguya ko. "H-hindi naman. Tinatamad lang talaga ako lately, iniisip ko na nga na bumalik ng New York, ang boring na kasi dito."
Pinag-isipan ko itong mabuti. Buntis man ako o hindi, babalik ako ng New York City. Hindi na kasi maganda ang nangyayari sa relasyon namin ni Wregan—kahapon lang ay nagkita na naman kami sa isang fashion gig. Inaya niya akong magkapi pero nauwi kami sa isang maiinit na p********k. Palagi na lang niyang ginagamit sa akin ang kasunduan namin ng gabing iyon at pinagpipilitan na girlfriend niya ako. Ako naman ay masyadong marupok. Sa halik at halpos ni Wregan Leath nag-iinit na agad ako, hindi na ako nakakapag-isip ng tama, para bang nahihipnotismo ako sa tuwing nagtatama ang aming mga mata.
Tatlong beses nang nagtagpo ang landas namin at sa bawat pagtatagpo namin ay palagi kaming nauuwi sa p********k, at sa bawat p********k hindi kami gumagamit ng proteksyon, lahat ng iyon ay sa loob niya pinutok. Natanggap ko nang posibleng buntis nga ako, ngunit hindi ko pwedeng hayaan na ganito na lang ako. Hindi nakakabuti sa akin ang paglapit kay Wregan Leath, nawawala ako sa aking sarili kaya naman nagdesisyon akong bumalik na ng New York.
"Sa New York ka na ulit, ate? Goods ‘yan, para naman may ginagawa ka. Hindi 'yong tulog ka lang ng tulog buong araw. Tignan mo, tumataba ka na."
Napairap ako sa sinabing iyon ni Venom—ang bunso sa aming magkakapatid. Wala talaga siyang palya pagdating sa pagsira ng mood ko. Hindi lang sa akin pati na sa iba pa naming kapatid, palibhasa’y nag-iisang lalaki at bunso kaya ang lakas ng loob na mangutya sa aming nakatatanda sa kanya.
"Tigilan mo nga ako, Venom. Sira ulo ka talaga!"
"Mommy, oh! Sira ulo daw ako.”
“Venom, tigilan mo nga ‘yan. Hindi ka na bata,” saway ni mommy.
"Sumbungero pa nga," asik ko nang makitang lumabi pa siya.
"Yabang ne’to. Kala mo naman maganda."
Tinarayan ko siya at sinubo ang peraso ng apple pie na kanina ko pa pinaglalaruan sa plato ko. Ugh, baka nga buntis ako. Wala ng ibang laman ako utak at tiyan ko kundi mga apple products—natatakam agad ako.
"Sigurado ka na ba sa desisyon mong bumalik sa New York?” pagsasalita ni daddy. Umangat ang tingin niya sa akin. “Hindi kita pipigilan sa gusto mo, pero h’wag mong kakalimutan na umuwi tuwing death anniversary ng Lolo Klimt mo,” bilin niya.
Malapad akong ngumiti. “Yes, dad!”
***
Hindi ako mapakali. Palakad-lakad ako sa aking silid habang hinihintay, ang sabi kasi sa instruction ng pregnacy test ay maghintay ako ng 5mins, pero bakit parang ang tagal? Ugh! Kinakabahan ako. Ang dami kasing signs of pregnancy, natanggap ko nang posibleng may laman ang sinapupunan ko, pero anong gagawin ko kung makomperma ko nga na meron?
Napalingon ako sa tukador nang tumunog ang aking phone. Times up na! Lumipas na ang 5mins. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko, lakas loob akong bumalik ng bathroom at kinuha ang PT na pinatong ko sa gilid ng sink. Nakasara ang isang mata na sinilip ko ang PT at napamura ako nang makita ang dalawang linya doon.
“Lintik lang, buntis nga ako!”
Hindi ko alam kung ilang weeks itong pinagbubuntis ko, pero malamang kung nabuo siya nang gabing iyon siguro 3 weeks na, at kung nabuo man siya nung sa dirty kitchen malamang 2 weeks na. Hindi naman posibleng iyon sa kotse ni Wregan dahil nung nakaraang araw lang naman iyon, so it’s either 2 or 3 weeks month.
Napabuntonghininga na naman ako. Wala na talagang atrasan to, kailangan ko ng bumalik ng New York bago pa mapansin ng mga tao dito sa bahay na nagdadalangtao ako. Mabuti na lang din at wala akong nararanasang morning sickness.
Lumabasa ako ng bathroom bitbit ang PT. Kinuha ko ang brown envelope sa ibabaw ng aking kama at pinasok doon ang hawak na PT. Pagkatapos ay tinungo ko ang tukador at kinuha doon ang aking cellphone at dinayal ang number ng aking manager sa New York.
"Tilaine, I'm glad that you called. How have you been, sweetheart?"
"Ethan, book me a flight back to New York, I need to leave immediately,"
"What? I thought you wanted a break for a while." Nagpa-alam kasi ako na magpapahinga muna sa pagmo-model ng ilang buwan. Paghahanda ko iyon para sa aking moving on stage mula sa una kong heartbreak.
"I will not be returning to work. I need to leave this place as soon as possible. Please, Ethan, help me." I have no choice but to leave before my family discovers my pregnancy. Hindi ako takot maging single mom, ang kinakatakutan ko ay ang galit ni daddy. Sigurado akong babaliktad ang mundo kapag nalaman niya ang totoo, lalo na kung sino ang ama ng baby ko.
"Okay, calm down, sweetheart. I'm not sure what's going on, but I'll help you. I'll book you a ticket now and call your father to let him know—"
"Please make me an alibi," pakiusap ko at alam kong gets na ng manager ko na may problema kaya kailangan kong bumalik ng New York.
"Sure. I'll hang up now, please take care of yourself."
Sunod-sunod akong tumango kahit hindi nakikita ang kausap. "Yes, thank you Ethan."
***
Gabi ang flight ko at hapon pa lang narito na ako sa airport dala ang alibi na babalik ako ng New York dahil may malaking project na naghihintay sa akin. Ayokong nagsisinungaling sa pamilya ko pero this is for the best. Hindi nila pwedeng malaman na buntis ako at lalong hindi pwedeng malaman ni dad na membro ng Underground Society ang ama ng bata.
Hindi ako hinatid ng pamilya ko sa airport, labas-pasok kasi ako ng bansa dahil nasa New York ang trabaho ko, sanay na sila na 'di ako hinahatid..
Tumayo ako sa kinauupuan nang makitang may nagkakagulo sa unahan. Natakot agad ako para sa dinadala ko dahil sa mga taong nag-uunahan. Ano ba ang nangyayari? May artista ba? Napailing ako. Mabuti na lang talaga at todo ang ginawa kong disguise para hindi makilala ng mga tao, goodluck na lang sa taong iyon na nagawa pang rumampa sa airport knowing na ang daming tao.
Umihi ako bago sumakay ng eroplano, pero kalahating oras pa lang mula nang mag-take off ang eroplano, he’to at naiihi na naman ako. Ang hustle talaga! Nasa loob na ako ng maliit na CR ng eroplano at isasara na sana ang pinto nang may tumulak niyon at pumasok ang isang lalaki. Handa na akong sumigaw ngunit mabilis nitong tinakpan ang bibig ko.
“Hindi mo sinabing dadalo ka ng NYFW,” wika ni Wregan.
Nagulat ako nang makita siya, ngunit pinanatili kong maging mahinahon. Tinanong niya ako tungkol sa NYFW, ang ibig sabihin ay wala siyang alam tungkol sa pag-alis ko ng Pilipinas para magtago sa New York.
“Hindi ko alam na kailangan ko pa lang ipaalam sa’yo ang schedule ko.”
“Well… Hindi ko rin naman nasabi na dadalo ako, so kwits na tayo.” Nginisihan niya ako.
“Whatever!” Itinulak ko siya ngunit sahalip na bumitaw, lalo lamang niyang isiniksik ang sarili sa akin. Hindi na ako nagulat nang sinadya niyang iparamdam sa akin ang umpok sa kanyang harapan. Nanghina agad ang mga tuhod ko dahil doon, namasa ang bagay na iyon sa pagitan ng aking mga hita.
“I miss you,” bulong niya sa aking tainga.
“Not here, Wregan…”
“But I miss my girlfriend.” Nakasimangot na tugon niya.
“Pero nasa eroplano tayo!”
“Isa lang, please?”
“G*ddamnit! I hate you,” reklamo ko ngunit sa huli ay hinayaan rin naman siyang gawin ang kanyang gusto. Mabuti na lang din at tinupad niya ang pangako, umisa lang siya pagkatapos ay lumabas na kami.
8 months later…Nasa grocery ako kasama ng aking manager na si Ethan para bumili ng pagkain at iba pang kailangan ko sa bahay, naubusan na kasi ako ng stocks noong nakaraang araw at ngayon lang ako lumabas ng apartment ko."Are you feeding a monster?" Naka-cross arms na tanong ni Ethan, ang mata ay nasa cart na tulak-tulak ko. Tumawa ako at nailing. Umapaw na kasi ang cart na dala namin sa dami ng pagkain na nilagay ko. "Let me eat what I want. I'm pregnant, remember?" Kinindatan ko siya at nanguna sa paglalakad patungo sa fruit station. Kumuha ako ng napakaraming apples at agad akong sinita ng aking manager."Are you going to kill yourself? That's too many apples.” Kinuha niya ang bags ng apple sa cart at ibinalik sa pinagkunan ko."But, Ethan! I've read an article that says eating apples while pregnant will help me control my weight gain and prevent birth defects in my unborn baby."Napairap siya. "Please only eat a maximum of three apples per day. Sweetheart, apples are acidic, an
"Tingnan mo nga naman…iniisip lang kita kanina, ngayon nasa harap na kita." Napairap ako sa pahayag ni Wregan Leath. Ayaw kong gawin ito, pero wala akong ibang choice. It's either malaman ni Dad ang tungkol kay Wred at Wregan, o malaman ni Wregan ang tungkol sa anak namin—mas pipiliin ko ang huli. Kaya kong i-handle si Wregan kesa ang disappointment at galit ni daddy."I want to savor the moment of our reunion, pero bakit may palagay akong hindi maganda na nasa harap kita ngayon, Miss Doukas," sabi niya at sumandal sa hamba ng pinto nang naka-cross arms."Hindi mo ba ako papapasukin?”“Ang ugali mong iyan ang dahilan kung bakit gusto kita…wait, what is that?” Tinuro niya si Wred na natatabunan ng aking scarf. Nakasampay kasi sa balikat ko ang scarf na napakalaki, natatabunan nito ang halos buong harapan ko, pati ang karga kong si Baby Wred.Nilingon ko ang paligid. "Pwede ba papasukin mo muna ako?" Pareho kaming modelo, pero ‘di hamak na mas malaki ang pangalan ni Wregan Leath. Alam k
"Magandang gabi, Ma'am Tilaine. Bumaba na raw kayo sabi ng daddy ninyo, ready na ang dinner," imporma ng katulong nang buksan ko ang pinto ng aking kwarto. Natutulog ako kanina nang kumatok ito."Sige, bababa na ako, manang." Tinanguan niya ako. Nagpaalam ito na mauuna na sa ibaba dahil tutulong pa sa mga kasama nito sa kusina. Ako naman ay naghilamos muna ng mukha sa bathroom bago sumunod dito sa dining area.Sa dining table, naroon na lahat ng kapatid ko, si daddy at mommy na lang ang wala pa sa hapag. Naupo ako sa tabi ni Venom, ang bunso sa aming magkakapatid at nag-iisang lalaki. Nagkukwentuhan ang mga ito pero bigla na lang tumahimik at sabay akong nilingon."What?" asik ko dahil nakatitig lang ang mga ito sa akin. Sabay na umiling ang mga ito. "Then why are you guys staring at me like that?""Tumaba ka ate," sagot ni Venom. "May d*bdib ka na rin," dagdag pa niya."Are you saying na flat chested ako!?" himutok ko dahilan para tumawa ang lahat ng naroon sa dining table. Nagpaliwan
Six o'clock ng umaga tumulak ako patungo sa condominium ni Wregan Leath. Kagabi niya binigay sa text ang password ng kanyang unit na agad kong na-save sa notes ng aking phone, hindi ko kasi iniiwan ang text thread namin sa inbox ko. Binubura ko agad ang conversation namin para safe, minsan kasi pinakikialaman ng hacker kung kapatid, si Venom, ang cellphone ko.Pagkatapos kung i-park ang sasakyan at bumaba ng kotse, tinawagan ko si Wregan para ipa-alam sa kanya na nasa ground floor na ako at pa-akyat na ng unit niya. Pero lintik lang talaga, hindi sumasagot sa mga tawag ko ang mokong! Ilang beses ko pang dinayal ang number niya pero wala talagang sumasagot kaya sumuko na lang ako.Pagkarating ko sa pinto ng unit ni Wregan, agad kong pinasok ang pin at nag-unlock naman ang pinto. Napairap ako. Akala ko jino-joke time lang ako ng lalaking iyon, binigay nga talaga sa akin ang password ng bahay niya. Ibang klase!"Wregan?" tawag ko nang makapasok. Napalingon ako sa center table ng salas at
Mahinang katok sa pinto ang pumukaw sa akin sa aking pag-idlip. I quickly checked on my son who was next to me. Gising na ito at nilalaro ang dulo ng sarili nitong lampin. Muli kong narinig ang mahinang pagkatok sa pinto at agad akong nairita."Alam kong kaya mong pumasok sa sarili mong kwarto kung gugustuhin mo, Wregan Leath!" malakas ang boses na sabi ko. Dahan-dahan naman na bumukas ang pinto at sumilip doon ang lalaking na kasagutan ko kanina."Galit ka pa ba?" tanong nito. Halatang tinatansya ang magiging reaksyon ko. "I wasn't thinking clearly earlier. I apologize if I upset you—""H’wag na nating isipin ang nangyari kanina. Anong oras na ba?" Ipapahinga ko lang dapat ang mata ko pero tuluyan akong nakatulog. Paano ay napuyat rin ako kagabi sa kaiisip kay Wred, hindi ako mapakali. Kagabi kasi ang unang beses na hindi ko kasama ang anak ko. Hindi ako nakatulog dahil sa pakiramdam na parang may kulang sa akin."1pm na. Nagluto nga pala ako ng lunch baka gusto mong kumain. Ako muna
Umawang ang labi ko nang masahiin ni Wregan ang isang d*bdib ko, habang s*psip niya ang isa pa. Unti-unti akong nalulunod sa napakasarap ng sensasyon dulot ng palad at labi niya. Isang mahabang ungol ang umalpas sa labi ko nang panggigilan ng daliri ni Wregan ang n*pple ko. This sensation is both familiar and unfamiliar to me. Handa na ako sa susunod niyang hakbang, bibigay na ako sa makamundong pagnanasa. Isusuko ko na ang sarili ko sa kanyang nang biglang umiyak si Wred, dahilan para magising ako at mapagtanto kung ano ang nangyayari."Oh, my God!" bulalas ko sabay tulak kay Wregan Leath kaya nahulog ito sa couch. "I-I'm sorry. N-nagulat lang ako," excuse ko para pagtakpan ang ginawa ko. Tumayo ako at halos takbuhin ang kama kung saan naroon si Wred. Kinuha ko ang sanggol at parang penguin na lumakad patungo sa pinto ng silid."S-sa sala lang kami ni Wred. M-maligo ka na." Pinilit kong maging kaswal pero hindi ko kayang pigilan ang labis na kahihiyan sa nangyari. Gosh! Ginawa ko na n
"Wregan! Ang ingay ng doorbell!" Sigaw ko mula sa loob ng banyo. Hindi ko alam kung naririnig ba ako ni Wregan Leath sa ibaba. Naliligo ako nang paulit-ulit na tumunog ang doorbell. Naiirita na ako dahil sa ingay na umabot pa dito sa bathroom. Nasaan na ba ang lalaking iyon? "Wregaan!! Ang ingay!” tili ko muli. Umalis kaya ng unit ang lalaking iyon? Hindi naman siguro, nasa kanya si Wred, 'di siya pwedeng lumabas kasama ng anak namin. Baka may makakita sa kanya at makilala siya at kung anong balita pa ang kumalat."Wreg—" Sisigaw na naman sana ako pero napansin kong tumahimik na. Marahil ay hinarap na ni Wregan Leath ang kung sino man ang nasa labas. I bit my nail. Bigla akong napa-isip. Wala naman sigurong bibisita sa kanya sa ganitong oras, hindi ba? Damn! Paano kung isa sa mga kaibigan niya? Hindi nila ako pwedeng makita dito sa bahay ni Wregan, baka kung ano ang isipin nila at makarating kay dad. Siguradong malaking gulo kapag nangyari ‘yon."Miss Doukas?" Katok sa pinto ng banyo a
"Kumusta ang family bonding niyo?" Umikot agad ang mata ko sa tanong na 'yon ni Kara pagkasakay ko sa shotgun seat ng kotse niya."Family bonding my ass," nayayamot kong tugon at nagsuot ng seat beat. Ngayong araw ang punta naming mga dela Vega sa Subic para sa Death Anniversary ni Lolo Klimt at 6am pa lang ng umaga. Kara volunteered na sunduin ako dito sa condominium ni Wregan since ang alam ng parents ko ay magkasama kami buong gabi. Balak ko sanang ako na ang pumunta sa bahay niya, but she insisted."Wala ba talagang chance na ipaglaban mo ang bestfriend ko? Baka tanggapin din siya ni Tito kapag kinausap mo ng maayos. Magtapat na lang kaya kayo?""Why would I do that? Hindi ko boyfriend ang kaibigan mo. At duda kong mangyayari yang sinabi mo, alam mo kung gaano kahalaga sa pamilya natin ang love," puno ng sarkastiko kong sabi. "Hindi papayag si dad kung wala pagmamahal na involve sa relasyon namin, at ayaw ko rin magkaroon ng partner na in love sa pa rin sa first love niya.""Eh, ik