“S-stop blabbering nonsense, Venom,” sabi ko at itinulak ang mukha niya palayo sa akin. “Ang hilig mo sa tsismis kaya kung anu-ano ang naririnig mo,” dagdag ko pa at nilagpasan siya.“H’wag ako, ate. Alam ko ang narinig ko. Hindi mo ako maloloko o baka naman gusto mong banggitin ko ng malakas mamaya sa dinner na ikaw ang mommy ni Wred?” Napahinto ako sa paglalakad at madilim ang mukha na nilingon siya. Ang laki ng ngisi ng unggas, confident talaga siyang hindi siya nagkamali ng rinig. "Ano bang gusto mo?" nainis na tanong ko sa kanya. Tuluyan nang inamin ang aking pinakatatago na sekreto."Isa lang naman ang gusto ko... I should be able to visit my nephew whenever I want." Malaki ang ngisi niya nang sabihin iyon. Ako ay 'di napigilan umawang ang bibig."What?""You heard me, ate. I will keep quiet if you allow me to see him whenever I want. Saan ba siya nakatira ngayon? Doon ba sa bahay ni Kuya Wregan?" Madiin kong pinikit ang mga mata para pigilan ang sarili na kutusan si Venom. Hin
Wala na sa tabi ko si Wred nang magising ako kinabukasan. Hindi ako nag-alala. Siguradong kasama ito ng kanyang ama, siguro ay kinuha ni Wregan Leath ang anak namin nang makatulog na ako kagabi."Inumaga ka na ng gising, ah?" puna ni Kuya Peter, isa sa mga nakatatanda kong pinsan na lalaki at sa pagkakaalam ko mas matanda siya kay Hyacinth, nakasalubong ko siya sa hagdan nang pababa ako."Wala pa kasi akong maayos na tulog mula noong nakaraang araw, kuya. Nasaan pala silang lahat? Bakit ang tahimik ng mansion?" tanong ko nang wala man lang akong makitang tao sa salas ng mansion. Nakakapagtaka lang kasi dahil laging maingay ang mga pinsan ko, parang may meeting ng mga bebe kapag nagsamasama."Nagpunta silang lahat sa mango farm. Gusto kasing umakyat nang bisita natin ng mangga, ayon sinamahan siya ng lahat,” sagot ni Kuya Peter."What? Paano ang anak—niya?""Si Wred, ba? Kasama siya ng parents mo, nasa garden sila. Naroon ang mga nakakatanda, mga pinsan lang kasi natin ang sumama kay Wr
Medyo malayo pa kami sa batis ngunit dinig na namin ang ingay ng mga pinsan ko. Mukhang nagkakatuwan nga sila roon habang naliligo, 'di ko tuloy maiwasang mainggit. Pambihira! Basta na lang nila akong iniwan sa mansion, kung hindi pa na huli si Kuya Peter 'di pa ako makakapunta dito. Ako pa naman ang tipo na tinatamad kapag na iiwan sa mga lakad ng grupo."May swimwear ka bang suot?" tanong ni Areum. Naibaling ko sa kanya ang atensyon at napangiwi nang ma-realize na nagpunta ako dito na hindi handa. "Ay! Ano ba 'yan ang KJ naman!""Kagigising ko lang, nawala sa isip ko ang magsuot ng swimwear. Ayos lang 'yan tayo lang naman, walang masama kung maligo ako ng shorts at shirt ang suot.""Anong tayo! May bisita tayo, ano ka ba? Did you forget Wregan Leath? Naku!" Nanlaki ang mata ko nang maalala ang lalaki. Oo nga pala, kasama namin siya. Since kasama ng parents ko si Wred at kampanti akong okay lang ang anak ko, nawala na sa isip ko si Wregan."Hayaan mo na. Wala naman akong paki sa kanya
"A-anong gagawin mo?" Nataranta ako nang bigla na lang niya akong buhatin ng bridal style at naglakad siya palayo sa batis. Sa isang spot sa ilalim ng napakalaking puno niya ako binaba. Naupo siya sa tabi ko at hinila ako palapit sa kanya."It's better if you sit straight.” He firmly pinch my nose with his index and thumb finger. “Now, breathe through your mouth and stop talking.” ‘Di ako nagsalita at sunod-sunod lang na naikurap ang mga mata. Ibang-iba siya sa Wregan Leath na kanina lang ay panay ang dedma sa akin na para bang hindi ako nag-exist sa mundo niya. Bigla na lang nawala ang cold na Wregan, at itong caring at gentleman na lalaking ito ang pumalit. Anong nangyari sa kanya?"Hindi mo naman kailangan gawin 'to.""Hindi ikaw ang magde-decide kung ano ang dapat at hindi ko dapat gawin." Hindi ako naka tugon. Nagulat sa sinabi niya. As if he told me to f*ck off and let him do whatever he wants, cause it's his f*cking life not mine."Whatever," tanging nasabi ko at hinayaan na lan
Hindi ko alam kung anong nangyari kay WreganLeath at biglang balik sa pagiging suplado at cold ang treatment niya sa akin. Kahit na anong gawin kong pagpapansin sa kanya nang tanghalian ay hindi niya talaga ako pinapansin, kung magsasalita man siya ay sasagot lang sa mga tanong ko. Panay lang ang iwas niya sa akin, hindi naman sa hindi ko gusto, medyo naninibago lang ako na parang hindi ako nag-exist sa mundo niya kahit pa nasaharap lang niya ako.“Kanina ko pa napapansin, panay ang sulyap mo sa daddy ni Wred. May LQ ba kayo?” bulong na tanong ni Kara nang makalapit sa akin. Hawak niya ang tray ng cookies na baked nina Granny Luna. Ako naman ay ang pitcher ng cold drink, while Alistar is serving the hot drink for everyone.“Hindi naman, baka guni-guni mo lang. Sa iba ako nakatingin.” Maang ko pa at iniwas ang mata sa direksyon kung saan nakaupo si Wregan kausap ang mga lalaki kong pinsan.Malalim ang naging buntong-hininga ni Kara. “Sa tingin ko dapat pag-usapan ninyo ‘yan. Hanggang ng
Pagkatapos ng reunion slush Death Anniversary ng Lolo Klimt sa Subic, nauna akong bumalik ng Manila kesa sa iba. Hindi na kasi ako makapaghintay na makita si Wred pagkatapos siyang malayo sa akin ng ilang araw. Ang kaso ay walang tao sa unit ni Wregan nang hapon na dumating ako ng Manila. Sinubukan ko siyang tawagan pero nakapatay ang phone ng lalaki. Saan kaya ito nagpunta? Wala akong balak na umalis kaya pinili kong maghintay na lang sa labas ng unit ni Wregan Leath. Hindi ko na kayang ipagpabukas pa ang pagkikita namin ni Wred, sabik na sabik na ako sa kanya. Isa pa, gusto kong kausapin si Wregan tungkol sa pag-alis namin ni Wred pabalik ng New York.Isang oras pa lang akong nakatayo sa labas ng unit ni Wregan, pero ramdam ko na ang pangangalay ng aking mga binti, nang hindi na matiis ay umupo ako sa sahig. Oras pa ang lumipas hindi ko na namalayan, nakatulog na pala ako sa kinauupuan ko. Nagising na lamang ako nang makarinig ng ingay ng mga taong nag-uusap sa malapit. Nagmulat ako
“Seriously? What are you doing?” Hindi makapaniwala na tanong ni Wregan Leath na nakalahad pa ang mga kamay. Halatang nabitin ito at talagang wala na sa mode. Bigla ko na lang kasi siyang itinulak palayo sa akin, dahilan para mahulog siya sa kama.“I’m sorry, but we are not supposed to do stuff like this…” Nagmamadali akong tumayo sa kama at pumasok ng banyo. Parang tuod na nakatayo lang ako sa harap ng sink at tinititigan ang sarili sa salamin. D*mn, Petunia! Bakit ba napakarupok ko pagdating sa lalaking iyon? Nagawa ko naman na kontrolin ang sarili ko noon kay Luca, bakit sa kanya hindi? Bakit ngayon hirap akong pigilan ang sarili ko? I managed to ignore my feelings for Luca, ngunit bakit ngayon hirap na hirap akong pigilan ang damdamin ko?Isang katok sa pinto ang nagbalik sa akin sa reyalidad. Kasunod ng katok ay nagsalita si Wregan, “I’m sorry about earlier. Alam kong mali ang ginawa ko, but can you please stop resisting? I know you want it too, you want me as much as I want you,
Kumakain na ng agahan niya si Wregan nang tumayo ako at puntahan siya sa kusina. Hindi na kasi ako mapakali, ang sabi niya ay maagang ihahatid ng mommy niya si Wred dito sa condo niya, pero anong oras na wala pa rin ang anak ko. I f*cking want to see my son.“Wregan, anong oras ba eksaktong darating ang mommy mo? Gusto ko ng makita si Wred,” nayayamot kong tanong sa kanya na kumakain habang may kung anong kinakalikot sa cellphone nito. Nag-angat ito ng tingin. “I’m not sure. Mom, told me maaga niyang ihahatid si Wred. I’ll call her...” Hindi na ako tumutol nang magprisita siyang tawagan ang kanyang ina. I really want to know kung ano ang nangyari at wala pa rin ang mommy ni Wregan at si Wred. Habang sinusubukan na tawagan ni Wregana ang ina niya, bumalik ako sa sala para doon maghintay ng update. Ilang minuto din na naghintay ako bago siya lumabas ng kusina.“Anong sabi?” tanong ko agad nang maupo ito sa single seater couch sa katabing long couch kung saan ako nakahiga, hindi pa rin