"Magandang gabi, Ma'am Tilaine. Bumaba na raw kayo sabi ng daddy ninyo, ready na ang dinner," imporma ng katulong nang buksan ko ang pinto ng aking kwarto. Natutulog ako kanina nang kumatok ito.
"Sige, bababa na ako, manang." Tinanguan niya ako. Nagpaalam ito na mauuna na sa ibaba dahil tutulong pa sa mga kasama nito sa kusina. Ako naman ay naghilamos muna ng mukha sa bathroom bago sumunod dito sa dining area.
Sa dining table, naroon na lahat ng kapatid ko, si daddy at mommy na lang ang wala pa sa hapag. Naupo ako sa tabi ni Venom, ang bunso sa aming magkakapatid at nag-iisang lalaki. Nagkukwentuhan ang mga ito pero bigla na lang tumahimik at sabay akong nilingon.
"What?" asik ko dahil nakatitig lang ang mga ito sa akin. Sabay na umiling ang mga ito. "Then why are you guys staring at me like that?"
"Tumaba ka ate," sagot ni Venom. "May d*bdib ka na rin," dagdag pa niya.
"Are you saying na flat chested ako!?" himutok ko dahilan para tumawa ang lahat ng naroon sa dining table. Nagpaliwanag si Venom sa akin pero hindi ko iyon pinakinggan, nauwi sa asaran ang paghihintay namin kina daddy at mommy. Tumigil lang kami, nang tumikhim si daddy at umupo sa pwesto nito, kasunod si mommy.
"Kumusta ang pagmo-modelo mo?" tanong ni daddy nang magsimula na kaming kumain ng hapunan. Kinabahan agad ako sa tanong niya. Hindi ako nagsisinungaling kay daddy, ngunit kailangan ko itong gawin.
"I'm doing good dad. Busy, tulad ng dati."
"I see." Tumango-tango ito. Pagkatapos ay binalingan si Venom. "Ikaw, kumusta naman ang pag-aaral mo? Balita ko ay bagsak ka ng isang subject?" Kalmado lang ang boses ni daddy, ngunit alam naming pagagalitan nito mamaya si Venom sa study room. Palagi naman. Hindi ito nagagalit sa harap ng maraming tao, kahit pa kami-kami lang, pero matindi ito kung magparusa.
"Dad, hindi ako bumagsak. Ayaw lang talagang ibigay ng teacher ko ang grades ko, palagi niya pa akong tinatakot," paliwanag ng kapatid ko. Hindi ko naman binigyan ng pansin ang usapan nila, nasa ibang bagay kasi nakatuon ang isip ko. Ano na kaya ang nangyari kay Wred? Kumusta ang anak ko? Hindi naman siguro ito pababayaan ni Wregan. Umiiyak kaya si Wred dahil wala ako? Ang daming gumugulo sa isipan ko at nagulat na lang ako nang sikuhin ni Venom.
"Kinakausap ka ni dad!" walang boses na singhal nito na lumaki pa ang mata. Bumaling naman ako kay daddy.
"D-dad?" Ito na naman ang kaba sa d*bdib ko. Kainis! Guilty talaga ako, ang dali ko lang kabahan!
"Bukas, gusto mo ba na sumama sa party na dadaluhan namin ng mommy mo? Sa weekend pa naman ang alis natin patungong Subic para sa Death Anniversary ng Lolo Klimt ninyo."
"H-hindi na siguro, dad. May usapan kasi kami ng mga friends ko na magkikita-kita kami," tanggi ko agad. Hindi ako pwedeng sumama bukas. Gusto kong puntahan si Wred sa condo ng ama nito. Hindi ako mapapanatag hanggat 'di ko nakikita at nalalaman ang kalagayan ng anak ko.
"Sinong mga friends?" tanong ni Hyacinth, "wala akong matandaan na may kaibigan ka dito sa Pilipinas." Gusto ko itong murahin. Bakit kailangan pa nitong makisali sa usapan?
"Luca is a friend, friend ko rin ang asawa niya. I promised to visit them when I get back to the Philippines, sila ang kikitain ko," diretso kong sagot. Malaki ang pasasalamat na hindi ako pumiyok nang sabihin iyon.
"Oh!"
"Hindi mo ba pwedeng ipagpaliban na lang ‘yan?" Umiling ako sa tanong ni daddy.
"Nangako ako sa kanila, dad. Isa pa, after Lolo's Death Anniversary babalik din ako sa work. So, ito lang talaga ang chance namin na magkita," pagdadahilan ko pa. Ugh! Palaki nang palaki ang kasalanan ko kay daddy. Bakit ba kasi ang hirap ng sitwasyon ko? Madali lang sanang ipagtapat kay daddy ang tungkol kay Wred kung hindi si Wregan ang ama nito.
'Pero kung hindi si Wregan ang daddy ng anak ko. Hindi magiging super gwapo ang anak ko.' Napailing ako sa naisip. Tsk!
"Hayaan mo na lang si Tilaine sa plano niya. Si Hyacinth na lang ang isama natin, total ay dadalo rin ang pamilya ng fiancé niya," singit naman ni mommy. Kitang-kita ko kung paano natigilan sa pagsubo si Hyacinth. I really felt sorry for my sister. Dahil sa tradisyon ng pamilya namin, ikakasal ang kapatid ko sa lalaking kahit kailan ay hindi pa nito nakilala.
Dahil hindi mapalagay, pagkatapos ng dinner agad na umakyat ako sa aking silid at tinawagan si Wregan. Ilang beses ko pang dinayal ang number ng lalaki dahil hindi ito sumasagot.
"Hello—"
"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko! Kanina pa kita tinatawagan!"
"Hey, chill! Pinapatulog ko si Wred at naka-vibrate mode ang cellphone ko para hindi mag-ingay kung sakaling may tatawag sa trabaho ko. Hindi mo naman kailangan na magalit," mahinahon na paliwanag nito. Agad naman akong nahimasmasan.
"Sorry, hindi lang kasi ako sanay na hindi kasama si Wred," paumanhin ko at nagpakawala ng malalim na buntonghininga. "Kumusta pala kayo?"
"We're doing good. Bumisita sina Luca dito kanina at tinulungan nila akong alagaan si Wred. Nakatulog na siya ulit ngayon." Tumango ako sa sinabi niya kahit pa hindi naman nito ako nakikita. "Ikaw, kumusta ang family dinner. Hindi ka ba uuwi dito para makasama si Wred?"
Tumaas ang isang kilay ko. "Uuwi?"
"I mean, uuwi kay Wred." Bahagya akong natawa sa pagdadahilan nito. "Hindi mo ba hahanapin sa pagtulog si Wred? Dito ka na lang kaya matulog sa condo ko?"
"Tempting, pero hindi ako pwedeng basta na lang umalis ng bahay at magpunta sa condo ng lalaki. Gusto kong makasama ang anak ko—"
"Anak natin," putol niya.
Napairap ako. "Hindi ako pwedeng umalis ng bahay. Bukas ako dadalaw d’yan.”
"Sige. Alam mo naman ang password ng condo ko, hindi ba?"
"Paano ko naman malalaman? Tingin mo sa akin manghuhula?" Narinig kong tumawa siya sa kabilang linya.
"Wala naman akong sinasabing ganyan. Ang ibig kung sabihin, baka kasi sinabi o binigay sayo ni Kara ang password ng condo ko."
"Alam ni Kara ang password ng condo mo?"
"Hindi," sagot agad nito at tumawa. Ako naman ay napairap. Sira ulo! "I'm just kidding. Palagi akong nagpapalit ng pass, like 2 or 3 times a month dahil sa mga stalker ko. You know crazy fans."
"I see," sabi ko na lang para tumahimik ito. Ano ba kasi ang pakialam ko kung ilang beses itong nagpapalit ng password o kung marami itong stalker.
"So, pupunta ka dito bukas?"
"Yeah," mahinang sagot ko at tumagilid ng higa sa kama.
"Okay, edi send ko na lang password ng condo ko," ani nito. Halatang na-awkward na sa usapan namin.
"Yeah."
Mahabang katahimikan. . . . Pagkatapos ay bigla na lang naputol ang tawag. Wala sa sarili na tumitig ako sa screen ng phone.
"What the hell is that? Hindi man lang nagpaalam na ibababa ang call?" asik ko nang ma-realize na binabaan niya pala ako ng phone. Lintik lang! Humada siya sa ‘kin bukas!
Six o'clock ng umaga tumulak ako patungo sa condominium ni Wregan Leath. Kagabi niya binigay sa text ang password ng kanyang unit na agad kong na-save sa notes ng aking phone, hindi ko kasi iniiwan ang text thread namin sa inbox ko. Binubura ko agad ang conversation namin para safe, minsan kasi pinakikialaman ng hacker kung kapatid, si Venom, ang cellphone ko.Pagkatapos kung i-park ang sasakyan at bumaba ng kotse, tinawagan ko si Wregan para ipa-alam sa kanya na nasa ground floor na ako at pa-akyat na ng unit niya. Pero lintik lang talaga, hindi sumasagot sa mga tawag ko ang mokong! Ilang beses ko pang dinayal ang number niya pero wala talagang sumasagot kaya sumuko na lang ako.Pagkarating ko sa pinto ng unit ni Wregan, agad kong pinasok ang pin at nag-unlock naman ang pinto. Napairap ako. Akala ko jino-joke time lang ako ng lalaking iyon, binigay nga talaga sa akin ang password ng bahay niya. Ibang klase!"Wregan?" tawag ko nang makapasok. Napalingon ako sa center table ng salas at
Mahinang katok sa pinto ang pumukaw sa akin sa aking pag-idlip. I quickly checked on my son who was next to me. Gising na ito at nilalaro ang dulo ng sarili nitong lampin. Muli kong narinig ang mahinang pagkatok sa pinto at agad akong nairita."Alam kong kaya mong pumasok sa sarili mong kwarto kung gugustuhin mo, Wregan Leath!" malakas ang boses na sabi ko. Dahan-dahan naman na bumukas ang pinto at sumilip doon ang lalaking na kasagutan ko kanina."Galit ka pa ba?" tanong nito. Halatang tinatansya ang magiging reaksyon ko. "I wasn't thinking clearly earlier. I apologize if I upset you—""H’wag na nating isipin ang nangyari kanina. Anong oras na ba?" Ipapahinga ko lang dapat ang mata ko pero tuluyan akong nakatulog. Paano ay napuyat rin ako kagabi sa kaiisip kay Wred, hindi ako mapakali. Kagabi kasi ang unang beses na hindi ko kasama ang anak ko. Hindi ako nakatulog dahil sa pakiramdam na parang may kulang sa akin."1pm na. Nagluto nga pala ako ng lunch baka gusto mong kumain. Ako muna
Umawang ang labi ko nang masahiin ni Wregan ang isang d*bdib ko, habang s*psip niya ang isa pa. Unti-unti akong nalulunod sa napakasarap ng sensasyon dulot ng palad at labi niya. Isang mahabang ungol ang umalpas sa labi ko nang panggigilan ng daliri ni Wregan ang n*pple ko. This sensation is both familiar and unfamiliar to me. Handa na ako sa susunod niyang hakbang, bibigay na ako sa makamundong pagnanasa. Isusuko ko na ang sarili ko sa kanyang nang biglang umiyak si Wred, dahilan para magising ako at mapagtanto kung ano ang nangyayari."Oh, my God!" bulalas ko sabay tulak kay Wregan Leath kaya nahulog ito sa couch. "I-I'm sorry. N-nagulat lang ako," excuse ko para pagtakpan ang ginawa ko. Tumayo ako at halos takbuhin ang kama kung saan naroon si Wred. Kinuha ko ang sanggol at parang penguin na lumakad patungo sa pinto ng silid."S-sa sala lang kami ni Wred. M-maligo ka na." Pinilit kong maging kaswal pero hindi ko kayang pigilan ang labis na kahihiyan sa nangyari. Gosh! Ginawa ko na n
"Wregan! Ang ingay ng doorbell!" Sigaw ko mula sa loob ng banyo. Hindi ko alam kung naririnig ba ako ni Wregan Leath sa ibaba. Naliligo ako nang paulit-ulit na tumunog ang doorbell. Naiirita na ako dahil sa ingay na umabot pa dito sa bathroom. Nasaan na ba ang lalaking iyon? "Wregaan!! Ang ingay!” tili ko muli. Umalis kaya ng unit ang lalaking iyon? Hindi naman siguro, nasa kanya si Wred, 'di siya pwedeng lumabas kasama ng anak namin. Baka may makakita sa kanya at makilala siya at kung anong balita pa ang kumalat."Wreg—" Sisigaw na naman sana ako pero napansin kong tumahimik na. Marahil ay hinarap na ni Wregan Leath ang kung sino man ang nasa labas. I bit my nail. Bigla akong napa-isip. Wala naman sigurong bibisita sa kanya sa ganitong oras, hindi ba? Damn! Paano kung isa sa mga kaibigan niya? Hindi nila ako pwedeng makita dito sa bahay ni Wregan, baka kung ano ang isipin nila at makarating kay dad. Siguradong malaking gulo kapag nangyari ‘yon."Miss Doukas?" Katok sa pinto ng banyo a
"Kumusta ang family bonding niyo?" Umikot agad ang mata ko sa tanong na 'yon ni Kara pagkasakay ko sa shotgun seat ng kotse niya."Family bonding my ass," nayayamot kong tugon at nagsuot ng seat beat. Ngayong araw ang punta naming mga dela Vega sa Subic para sa Death Anniversary ni Lolo Klimt at 6am pa lang ng umaga. Kara volunteered na sunduin ako dito sa condominium ni Wregan since ang alam ng parents ko ay magkasama kami buong gabi. Balak ko sanang ako na ang pumunta sa bahay niya, but she insisted."Wala ba talagang chance na ipaglaban mo ang bestfriend ko? Baka tanggapin din siya ni Tito kapag kinausap mo ng maayos. Magtapat na lang kaya kayo?""Why would I do that? Hindi ko boyfriend ang kaibigan mo. At duda kong mangyayari yang sinabi mo, alam mo kung gaano kahalaga sa pamilya natin ang love," puno ng sarkastiko kong sabi. "Hindi papayag si dad kung wala pagmamahal na involve sa relasyon namin, at ayaw ko rin magkaroon ng partner na in love sa pa rin sa first love niya.""Eh, ik
“S-stop blabbering nonsense, Venom,” sabi ko at itinulak ang mukha niya palayo sa akin. “Ang hilig mo sa tsismis kaya kung anu-ano ang naririnig mo,” dagdag ko pa at nilagpasan siya.“H’wag ako, ate. Alam ko ang narinig ko. Hindi mo ako maloloko o baka naman gusto mong banggitin ko ng malakas mamaya sa dinner na ikaw ang mommy ni Wred?” Napahinto ako sa paglalakad at madilim ang mukha na nilingon siya. Ang laki ng ngisi ng unggas, confident talaga siyang hindi siya nagkamali ng rinig. "Ano bang gusto mo?" nainis na tanong ko sa kanya. Tuluyan nang inamin ang aking pinakatatago na sekreto."Isa lang naman ang gusto ko... I should be able to visit my nephew whenever I want." Malaki ang ngisi niya nang sabihin iyon. Ako ay 'di napigilan umawang ang bibig."What?""You heard me, ate. I will keep quiet if you allow me to see him whenever I want. Saan ba siya nakatira ngayon? Doon ba sa bahay ni Kuya Wregan?" Madiin kong pinikit ang mga mata para pigilan ang sarili na kutusan si Venom. Hin
Wala na sa tabi ko si Wred nang magising ako kinabukasan. Hindi ako nag-alala. Siguradong kasama ito ng kanyang ama, siguro ay kinuha ni Wregan Leath ang anak namin nang makatulog na ako kagabi."Inumaga ka na ng gising, ah?" puna ni Kuya Peter, isa sa mga nakatatanda kong pinsan na lalaki at sa pagkakaalam ko mas matanda siya kay Hyacinth, nakasalubong ko siya sa hagdan nang pababa ako."Wala pa kasi akong maayos na tulog mula noong nakaraang araw, kuya. Nasaan pala silang lahat? Bakit ang tahimik ng mansion?" tanong ko nang wala man lang akong makitang tao sa salas ng mansion. Nakakapagtaka lang kasi dahil laging maingay ang mga pinsan ko, parang may meeting ng mga bebe kapag nagsamasama."Nagpunta silang lahat sa mango farm. Gusto kasing umakyat nang bisita natin ng mangga, ayon sinamahan siya ng lahat,” sagot ni Kuya Peter."What? Paano ang anak—niya?""Si Wred, ba? Kasama siya ng parents mo, nasa garden sila. Naroon ang mga nakakatanda, mga pinsan lang kasi natin ang sumama kay Wr
Medyo malayo pa kami sa batis ngunit dinig na namin ang ingay ng mga pinsan ko. Mukhang nagkakatuwan nga sila roon habang naliligo, 'di ko tuloy maiwasang mainggit. Pambihira! Basta na lang nila akong iniwan sa mansion, kung hindi pa na huli si Kuya Peter 'di pa ako makakapunta dito. Ako pa naman ang tipo na tinatamad kapag na iiwan sa mga lakad ng grupo."May swimwear ka bang suot?" tanong ni Areum. Naibaling ko sa kanya ang atensyon at napangiwi nang ma-realize na nagpunta ako dito na hindi handa. "Ay! Ano ba 'yan ang KJ naman!""Kagigising ko lang, nawala sa isip ko ang magsuot ng swimwear. Ayos lang 'yan tayo lang naman, walang masama kung maligo ako ng shorts at shirt ang suot.""Anong tayo! May bisita tayo, ano ka ba? Did you forget Wregan Leath? Naku!" Nanlaki ang mata ko nang maalala ang lalaki. Oo nga pala, kasama namin siya. Since kasama ng parents ko si Wred at kampanti akong okay lang ang anak ko, nawala na sa isip ko si Wregan."Hayaan mo na. Wala naman akong paki sa kanya