Selena narrowed her eyes as she stared intently at the man who was being tied up by his brother's vindya runya. His long hair was disheveled, even his clothes. His cold and razor-like eyes were staring back at her. It was full of murderous intent. The corner of her lips perk up before straightening herself.Nilinga niya ang kaniyang mga kapatid na nakamasid lang din sa lalaki. Kanina habang nasa cliff siya ay bigla siyang tinawag ng kuya Ralphf nila dahil may emergency. At pagdating niya rito sa menowa ay ito ang naabutan niya. Kararating lang din daw ng lalaking ito ng isla at umaaktong isang estyudante rin. Mabuti na lamang at naroon si Arjoe kaya agad itong nahuli. Hindi pumalag ang lalaki at agad sumama sa pinsan nila pero hanggang ngayon ay hindi pa bumukas ang bibig nito para magsalita."Kahit minsan ay wala pang nabanggit na anak na lalaki si Fenrir Colle. Kaya sino ka?" tanong niya sa lalaki. "Tinago ka nila para papuntahin dito at maging spy? They underestimated the security
Kagagaling lamang ni Elmhurst sa canteen at bumili ng kaniyang dinner na fish fillet, afritada at dalawang serve ng rice. At pagkatapos ay agad siyang bumalik ng dorm dahil wala siya sa mood na manatili rito sa labas. Isa pa ay ayaw niyang makasalubong ang isa sa mga Madrid brothers o si Selena. Dahil hindi niya alam kung paano haharapin sila. Mas okay kasi si Arjoe sapagkat ito lang ang nararamdaman niyang mas madaling maka-close. And since they know each other, the other man was the one who let him feel welcomed to their family.Aktong sasara ang elevator nang may kamay na humawak 'nun at muli iyong bumukas. Nang makita niya kung sino ang taong iyon ay pinatigas niya ang ekspresyon ng kaniyang mukha at deretso lang ang tingin. Hindi niya inaasahan na magsasalubong sila ng landas dahil pagabi na at akala niya ay sa menowa matutulog ang dalaga. Kaya nagulat siya na umuwi ito ng dorm.Akala niya ay hindi tutuloy na sasakay si Selena dahil ilang segundo rin itong nakatayo roon subalit p
Napatuwid ng tayo si Elmhurst at napatitig sa kabilang balkonahe. Eksaktong pagharap kasi niya ay may nahagip ang mata niya na anino sa kabila. Gusto kasi niyang hanapin kung saan nanggaling ang bulong na narinig niya at hindi siya sigurado kung nakaringgan lang niya. Isa pa ay tatanungin din sana niya ang kaniyang kaibigan kung narinig din ba nito ang bulong pero ang aninong iyon ang nakita niya. Hindi niya maipaliwanag kung bakit pero kumabog ang dibdib niya. Blurred man ang anino ay ay sigurado siyang kaparehas iyon ng pigura ni Selena. Pati ang tangkad ‘nun ay pareho rin. Kaya naman mabilis na tumakbo siya papasok at lumabas ng kaniyang dorm.Umarko ang sulok ng labi niya nang makita ang likod ng papalayong pigura ng isang babae. Kahit nagmamadali iyon ay namukhaan pa rin niya kung sino ito. At hindi niya alam kung matutuwa ba siya o madidismaya sa mga kilos ng dalaga. Pagkatapos siya nitong tanggihan ay ito naman at sinisilip din siya? Para ano pa? Gusto nitong siguraduhin na hind
Wala man makikitang emosyon sa mukha ni Selena ay nagwawala naman ang loob niya. Pagkalabas kasi ng professor nila ay may pumasok naman na babae at patakbong lumapit kay Elmhurst. Sa una ay hindi sana siya magrereak dahil nakikita naman niya na hindi interesado ang binata sa babae. Nakita pa nga niya na hindi komportabli ang huli sa kaniya kahit na pilit nagpapa-cute ito. Ni hindi rin nangiming itulak ito ni Elmhurst sa tuwing pinipilit na dumikit ang babae rito.Subalit napatindig siya at naningkit ang mata niya. Naamoy niya ang scent ng half-blood sa paligid. At agad niyang napagsino kung saan nagmula ang amoy na ito. It was just a whiff of scent but she still smelled it. Kung hindi malakas ang pang-amoy niya ay hindi niya ito agad mapapansin. At ang amoy na ito ay galing kay Marx na parang lintang dikit ng dikit sa binata. Lalo tuloy na kumulo ang dugo niya sa babae. Hindi lang ito isang sl*t kundi isa pa itong tuta ng mga Colle.Hindi lang niya ito karibal kay Elmhurst. She's also
“If you manage to land a hit on my face I will let you sleep with Selena tonight,” nakangising wika ni Arjoe kay Elmhurst na katabi niya. Kasalukuyang nasa training room sila ngayong oras. Si Selena, ito at ang binata. Ang dalawang lalaki ay parehong walang suot na pang-itaas dahil naka-full level ang heater ng training room. Noon pa ay may naka install na heater dito ngunit kahit minsan ay hindi nabuksan. Ngayon lang binuksan ni Selena dahil kay Elmhurst na halatang nilalamig kaninang pagsapit nila rito sa menowa galing sa university.Kanina kasi na nagkamabutihan na sila ay agad itong pumayag na manatili muna rito sa menowa. Hindi ito nagtanong kung bakit pero halata pa ring kuryuso ito. Pero kanina ay nagtanong ito kung si Marx ba ay itutuloy ang pag-aaral dito pero wala siyang naisagot na matino. Sinabi na lamang niyang hindi siya ang magdidisisyon para sa bagay na ‘to. Pero alam niya na pagkatapos silang ma-interrogate ni Clark ng mga kuya niya ay hindi na muli itong makakatapak
Pagkatapos maihatid ni Selena si Elmhurst sa guest room ay bumaba siya sa basement. Nang itulak niya pabukas ang bakal na pinto ay nakita niyang tanging si Arjoe lamang ang narito. Si Clark at Marx ay nakaupo sa may sulok at nakatali. Ang buhok ng babae ay gulong-gulo at marumi ang suot na damit. Pati mukha nito ay madungis din.Walang pagmamadali na lumapit siya sa babae at mariing hinawakan sa panga. Halos dumiin na ang mga kuko niya sa balat nito. May matamis na nakaukit sa kaniyang labi subalit ang mga mata niya ay nagniningas naman ng layuning pumatay. Her eyes were bloody red as she stared at her maniacally. Ang isang powerless at mahinang taong katulad ni Marx ay isang langgam lamang sa kaniyang mga kamay. At sa totoo lang ay walang kasiyahan ang paglaruan ang mga katulad niya.Pero dahil isa itong tuta ng pamilyang iyon ay hindi niya palalampasin ang gawin itong laruan. Ito ang pumasok sa kanilang teritoryo at kahit baliktarin man ay sila ang nanghamon sa kanila. Nananahimik s
The next day, he's not fully awake yet when Elmhurst opens his eyes. He dazedly stared at the white ceiling for a full minute. Pagkatapos ay bumangon siya at bumuntong hininga. Kagabi nga pala ay dito siya sa menowa natulog. At simula ngayong araw ay dito muna siya titira. Kahit ano man ang rason ay siyempre papayag siya. Sino ba naman ang hindi gayong ito at abot kamay niya si Selena, hindi ba?Maganda ang mood na bumaba na siya ng kama at agad nag-shower. Isinuot niya ang kulay blue na t-shirt niya na pinatungan niya ng itim na leather jacket at itim na jeans naman ang kaniyang pantalon. Pagkatapos ay ang sneakers ang isinuot naman niya sa kaniyang paa. Nang makontento siya sa kaniyang outfit ay lumabas na siya ng kaniyang kuwarto at pumanaog. Nasa may gitnang hagdan na siya nang matuon ang atensyon niya sa isang lalaking nakaupo sa sofa at may hawak na libro.Kumunot ang kaniyang noo dahil ngayon lang niya nakita ito. Isa pa ay kahit tahimik lang ang lalaki ay animo napapalibotan i
Nang makaakyat na sila ng cliff ay naroon sina Arjoe at Clark sa lilim ng puno at may bonfire pa sa harap nila. May iba ring gamit pang-picnic na nakalagay sa gilid at may barbeque grill stand na nakahanda at umuusok. Parang pinaghandaan talaga nila lahat. At nang makita sila ng dalawa ay agad na kumaway si Arjoe at ngumisi.Kunot ang noong lumapit siya sa dalawa. Paano nilang nalaman na nandito sila at nagdala pa ng mga ganito?“Nag-text si Selena sa amin kanina,” paliwanag ni Arjoe na animo nababasa ang katanungan na mayroon sa utak niya.“Ah, I see,” tumatangong bigkas niya.“So, paano ba ito kakatayin?” tanong ni Selena na itinaas ang hawak na koneho. Kumawag pa ang hawak nito na pilit kumakawala sa hawak ng dalaga. Ngunit ang ginawa lang ng huli ay mahinang tinapik ang koneho at sa gulat ni Elmhurst ay hinawakan nito ang leeg ng koneho at wala pang isang minuto ay narinig nila ang ingay ng nabaling buto mula sa leeg ng hayop. Ihahagis saa nito sa bonfire ang patay na koneho pero