Share

Chapter 62

“Do you think they're done?” tanong ni Miles kay Arjoe na kasama niya rito sa ibaba ng cliff. Naka-skwat siya at nakapangalumbaba habang si Arjoe ay nakaupo na naman sa isang sanga ng puno. May maliit na tangkay pa ng halaman ang nakasubo sa bibig nito. Gusto niyang umakyat fin sa puno pero ayaw nito at baka mahulog daw siya. At kung igigiit niya ang nais ay ihahagis raw siya nito sa dagat.

Hindi niya maintindihan kung bakit kinaladkad siya ni Arjoe rito. Kahit naman sino ay mahuhulaan agad kung ano ang ginagawa ng dalawa sa kuweba. At katunayan ay ayaw sana niyang sumama dahil maiinggit lamang siya. Pero walang kahirap-hirap na binuhat siya ng binata na parang isang sako ng bigas. Halos mahilo pa siya dahil sa mga pagtalon nito at mabilis na paagtakbo nito. At kung hindi siya nito binantaan na kapag nasukahan niya ang damit nito ay malalagot siya, baka sumuka na siya.

“They're still at it,” sagot ni Arjoe.

Sumimangot siya at tumayo sabay namaywang. Dinuro niya ito.

“Dinala mo lang ya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status