Share

Chapter 63

Banayad na ginagap ni Elmhurst ang kamay ni Selena nang pabalik na sila sa menowa. Binagalan pa nga nila ang kanilang paglalakad at baka sakaling sumunod na sa kanila ang dalawa. Pero at ilang hakbang na lang ay nasa may backdoor na sila ng bahay ay wala pa rin sila. Mukhang kailangan talagang mag-usap ng masinsinan ang dalawa sapagkat nasaktan talaga si Miles sa nalaman nito. Syempre ay hindi agad iyon matatanggap ng dalaga lalo pa at mapapansin talaga ang amor at pag-ibig na iniuukol nito sa kanyang pinsan.

Gaya niya ay tahimik lang din ang kanyang kasintahan. Nang sulyapan niya ito ay ang seryoso ng mukha nito na parang may ibang iniisip. Hindi na rin kasi ito kumibo.

Nang pumasok na sila sa loob ng bahay ay biglang huminto si Selena at pinigilan siya. Salubong ang kilay nito at sumisinghot. Na parang may napansin na kakaiba sa loob.

“May ibang bampirang nakapasok sa mansion,” ang malamig na sabi nito.

Napatingin siya sa pinto na patungo sa basement. Doon kasi nakatingin ang dalaga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status