Hindi nag-react si Gavin sa mahaba niyang litanya. Iniisip ng binata kung paano niya mapapayag si Bethany na sumama sa kanya. Kailangang mauna siya sa mga umaaligid na lalake kay Bethany. Kailangan niyang mabakuran na ang dalaga.“Pagkatapos ng trabaho mo? May oras ka na ba?” sa halip ay tanong nitong medyo ikinakunot ng noo ni Bethany, bakit naman siya i-invite ng binata? Wala din naman siyang kailangan dito. “Pwede tayo na pumunta sa place ko kung okay lang sa’yo. Doon ka na rin kumain. Sabayan mo ako, mag-take out na lang tayo.”Malinaw ang ibig sabihin ng abogado doon. Iniimbitahan siya nito sa date? O iba ang pagkakaintindi niya sa gusto niyang mangyari sa penthouse ng abogado.‘Come on, Bethany. Kung papayag ka sa gusto niya ay paniguradong mapapabilis ang paglabas ng Papa mo. Hindi lang iyon, hindi mo kailangan ma-mroblema sa pera. Patibayin mo na lang ang sikmura mo para makayanan mo ang lahat.’Ipinilig ni Bethany ang kanyang ulo. ‘Hindi. Hindi ako papayag na ihain ang kataw
NANG MAWALA NA sa paningin ni Bethany ang humarurot na sasakyan ni Gavin ay tumalikod na siya at tinungo ang staff area nila upang magpalit na ng uniform niyang pang-server upang ituloy na rin ang kanyang naudlot na trabaho. Nagmatigas at hindi umalis sina Patrick sa restaurant kasama ang kapatid. Hinintay ng dalawa na matapos ang trabaho ni Bethany upang igiit ang kanilang gusto na magpaturo dito si Patricia ng piano.“Pasensya na, puno na talaga ang schedule ko Patrick.”“Kahit isang oras o dalawa, okay na doon si Patricia.”“Hindi nga pwede—”“Ayaw mo ba ng side hustle? Karagdagan din iyon, Bethany.” Noong una ay ayaw niya talagang pumayag sana sa magkapatid ngunit pinagbigyan na rin niya dahil naisip na sayang din naman kasi ang kikitain niya sa pagtuturo niya dito. Hindi lang iyon, malaki ang naging offer ni Patrick na ibabayad sa pagtuturo niya kung kaya ano pa nga bang magagawa niya kung hindi ang tanggapin iyon dahil alipin siya ng pera dahil kailangan niya. Hindi na nagpatum
NALULUHA AT TAHIMIK na nilagyan ni Bethany ng cream ang mga sugat ng Ginang matapos niya iyong linisan. Pagkatapos ay pumunta na rin ng sarili niyang silid upang kumuha ng dalawang libo at ibigay iyon sa Ginang. Hindi niya ito binabawalan niya na magtrabaho dahil nahihiya siya. Ginagawa niya iyon dahil sa kalagayan ng katawan nitong hindi na rin naman mura.“Ito po, allowance natin sa pagkain. Sabihin niyo po sa akin kapag kulang at kapag natanggap ko na ang sahod ko ay bibigyan ko kayo ulit. Magtipid tayo, Tita. Pagkasyahin natin sa ngayon ang kung anong meron tayo. Huwag nating ipilit ang wala at hindi pa pwede. Pwede naman po ‘yun di ba? Kaunting tiis lang po sa ngayon. Kapag nakaluwag na tayo saka natin pagbigyan ang sarili nating bilhin ang mga gusto natin. Sa ngayon po ay higpit sinturon muna tayong dalawa. Sa ganung paraan po tayo makakabangon, Tita.”Magpilit man ay hindi na niya papayagan pa ang Ginang na magtrabaho. Hindi pwedeng pati ito ay magkasakit ng mas malala.“Pasens
KINALAMAY NI BETHANY ang kanyang sarili nang makita niya ang nagulat na reaksyon ni Briel sa ginawa niyang pagsigaw. Napahawak pa ito sa kanyang dibdib kung kaya naman agad na nakonsensya ang dalaga. Medyo nakaramdam siya ng awa para sa babae sa pagiging masungit niya dito.“Pwede ba Miss Dankworth, huwag mo na akong lalapitan at kakausapin sa hinaharap? Hindi lahat ng nasa paligid mo ay handang makipagkaibigan sa’yo. Wala rin akong pakialam sa lovelife mo. Naiintindihan mo?” gigil na turan ni Bethany na kulang na lang ay ikutan niya ng mga mata si Briel na natulala.Sa pagkagulat doon ay napakurap na si Briel habang nakaawang ang bibig. Hindi pa rin siya makapaniwala, hindi siya sanay na tinatanggihan lalo na ng mga kagaya ni Bethany na hindi naman nila ka-level kaya sobrang nacu-curious talaga siya. Ang lahat ng gusto niya ay kanyang nakukuha. Kung kaya naman hindi niya wala sa vocabulary niya ang tigilan hangga’t hindi niya nakukuha ang gusto niya mula kay Bethany. Hindi siya susuk
HUMAKBANG NA SI Gabu palapit sa dalawang nakataling babae at inilahad ang hawak na cellphone sa harapan ni Briel matapos na salit-salitan silang tingnan. Ikinatahimik iyon ni Briel. Masamang tiningnan si Gabu na animo babalatan niya ng buhay oras na magkamali ito ng galaw. Napapahiyang tumawa si Gabu sa ginawang pagtitig lang sa kanya ng inaabutan ng cellphone. “Tawagan mo ang fiance mo at sabihin mo sa kanyang maghanda ng twenty million na pantubos sa’yo!” utos niyang ikinamulagat ng mga mata ni Bethany.Kung ganun ang halaga ng babae paano pa kaya siya? Malamang milyon din ang halaga na hihingin sa pamilya niya. Saan noon kukuha ang madrasta? Patong-patong nga ang problema nila. “Sabihin mo rin sa kanya na huwag siyang magkakamaling ipaalam ang lahat ng ito sa mga pulis. Kung gagawin niya iyon, hindi kami mangingiming dalhin kayo sa bingit ng kamatayan!” Mariing itinikom ni Briel ang kanyang bibig habang patuloy na umaagos ang kanyang mga luha. Bahagyang nilingon si Bethany sa li
ILANG SANDALI AY nakarating na sa napag-usapang lokasyon na sinabi ng mga kidnapper si Albert. Ilang minuto siyang nanatili muna sa loob ng sasakyan. Natatakot siya pero kailangan niyang gawin iyon. Naisip niya na sana pala ay isinama na lang niya ang kapatid ng fiancee at pinanatili na lang niya sa loob ng sasakyan. Mukhang delikado yata ang pinasok niyang iyon. Sa labas pa lang kasi ng warehouse ay nag-aabang na ang ilan sa mga tauhan na mukhang halang ang mga kaluluwa. Pagkatapos ng ilan pang minuto ay malakas ang loob ng lalakeng bumaba na ng sasakyan kahit na medyo dinadaga ang kanyang dibdib dahil naisip bigla na baka hindi tumupad ang mga kidnapper na ibigay ang fiancee niya after na makuha nila ang pera. Ganun pa man ay pinili niyang maging matapang para ma-ipakitang deserve niya si Briel. Iyon lang naman ang tanging habol niya kaya pumunta. Ang magpakitang gilas na rin sa pamilya ng mga Dankworth. “Nasaan siya? Kailangan ko muna siyang makita bago ko ibigay ang perang hinihi
NANG MARINIG IYON ay unti-unting gumuho ang mundo ni Bethany. Imposibleng mag-aksaya ang dating nobyo ng ganung halaga. Gusto pa nga nitong kunin ang lahat ng ari-arian nila. Gusto nitong makita siya at ang pamilya niyang gumagapang sa lusak, iyon pa kayang pag-aksayahan siya? Ang naging sagot nito sa lider ang nagpapatunay sa dalaga na tama nga ang kanyang iniisip. Never itong maaawa sa kanya.“Hindi ko siya kilala,” malamig na sagot ni Albert, kahit pa may bumubulong sa kanyang tainga magkaroon ng awa sa dating nobya kahit ngayon lang. Hindi niya pag-aaksaya’han ito ng pera. “Gawin niyo na lang ang gusto niyong gawin sa kanya. Wala rin akong ganong halaga para ipantubos sa babaeng ngayon ko lang naman nakita.” dugtong pa nito dito.Oras na gawin iyon ni Albert ay natatakot siya na paghinalaan ni Gavin na may natitira pang pagtingin sa babae. Alam niyang alam nito na dati niya itong kasintahan. Ayaw niyang isipin nitong niloloko niya ang kapatid nitong babae. Kapag nangyari iyon ay
NARAMDAMAN NA LANG ni Bethany ang pag-angat ng katawan niya sa maruming sahig ng abandonadong warehouse. Sa kabila ng panghihina ay naamoy niya pa ang pamilyar na pabangong gamit ni Gavin nang makalapit na ito sa kanya. Dala ng panghihina ay bumagsak siya sa mga bisig ng binata at habang naroon ay naramdaman niyang safe na safe siya. Nang i-angat niya ang nanlalabong mga mata ay natanaw niya ang papalayong imahe ng abandonado at maruming warehouse kung saan nagbigay sa kanya ng kakaibang takot. Unti-unting nakaramdam ang dalaga ng kaginhawahan nang marinig ang malakas na pintig ng puso ni Gavin kasabay ang malalaking hakbang nito papalayo sa lugar. Unti-unting kumalma ang panginginig ng katawan ng dalaga sa sobrang takot sa mga dumukot sa kanila ni Briel. Hindi niya na lubos ma-imagine kung ano na ang sinapit niya kung hindi dumating si Gavin para iligtas siya. Nakahinga na siya doon nang mas maluwag kung kaya naman unti-unting sumara na ang mga mata niya.“A-Attorney Dankworth…” samb