ILANG SANDALI AY nakarating na sa napag-usapang lokasyon na sinabi ng mga kidnapper si Albert. Ilang minuto siyang nanatili muna sa loob ng sasakyan. Natatakot siya pero kailangan niyang gawin iyon. Naisip niya na sana pala ay isinama na lang niya ang kapatid ng fiancee at pinanatili na lang niya sa loob ng sasakyan. Mukhang delikado yata ang pinasok niyang iyon. Sa labas pa lang kasi ng warehouse ay nag-aabang na ang ilan sa mga tauhan na mukhang halang ang mga kaluluwa. Pagkatapos ng ilan pang minuto ay malakas ang loob ng lalakeng bumaba na ng sasakyan kahit na medyo dinadaga ang kanyang dibdib dahil naisip bigla na baka hindi tumupad ang mga kidnapper na ibigay ang fiancee niya after na makuha nila ang pera. Ganun pa man ay pinili niyang maging matapang para ma-ipakitang deserve niya si Briel. Iyon lang naman ang tanging habol niya kaya pumunta. Ang magpakitang gilas na rin sa pamilya ng mga Dankworth. “Nasaan siya? Kailangan ko muna siyang makita bago ko ibigay ang perang hinihi
NANG MARINIG IYON ay unti-unting gumuho ang mundo ni Bethany. Imposibleng mag-aksaya ang dating nobyo ng ganung halaga. Gusto pa nga nitong kunin ang lahat ng ari-arian nila. Gusto nitong makita siya at ang pamilya niyang gumagapang sa lusak, iyon pa kayang pag-aksayahan siya? Ang naging sagot nito sa lider ang nagpapatunay sa dalaga na tama nga ang kanyang iniisip. Never itong maaawa sa kanya.“Hindi ko siya kilala,” malamig na sagot ni Albert, kahit pa may bumubulong sa kanyang tainga magkaroon ng awa sa dating nobya kahit ngayon lang. Hindi niya pag-aaksaya’han ito ng pera. “Gawin niyo na lang ang gusto niyong gawin sa kanya. Wala rin akong ganong halaga para ipantubos sa babaeng ngayon ko lang naman nakita.” dugtong pa nito dito.Oras na gawin iyon ni Albert ay natatakot siya na paghinalaan ni Gavin na may natitira pang pagtingin sa babae. Alam niyang alam nito na dati niya itong kasintahan. Ayaw niyang isipin nitong niloloko niya ang kapatid nitong babae. Kapag nangyari iyon ay
NARAMDAMAN NA LANG ni Bethany ang pag-angat ng katawan niya sa maruming sahig ng abandonadong warehouse. Sa kabila ng panghihina ay naamoy niya pa ang pamilyar na pabangong gamit ni Gavin nang makalapit na ito sa kanya. Dala ng panghihina ay bumagsak siya sa mga bisig ng binata at habang naroon ay naramdaman niyang safe na safe siya. Nang i-angat niya ang nanlalabong mga mata ay natanaw niya ang papalayong imahe ng abandonado at maruming warehouse kung saan nagbigay sa kanya ng kakaibang takot. Unti-unting nakaramdam ang dalaga ng kaginhawahan nang marinig ang malakas na pintig ng puso ni Gavin kasabay ang malalaking hakbang nito papalayo sa lugar. Unti-unting kumalma ang panginginig ng katawan ng dalaga sa sobrang takot sa mga dumukot sa kanila ni Briel. Hindi niya na lubos ma-imagine kung ano na ang sinapit niya kung hindi dumating si Gavin para iligtas siya. Nakahinga na siya doon nang mas maluwag kung kaya naman unti-unting sumara na ang mga mata niya.“A-Attorney Dankworth…” samb
ILANG BESES NA tinangka ni Gavin na mag-explain sa doctor dahil batid niyang na-misunderstood siya ng lalake, baka mamaya ay makarating pa iyon sa kanyang ina. Ngunit sa bandang huli ay itinikom na lang niya ang kanyang bibig. Ganundin naman ang iisipin niya kesyo magpaliwanag siya o hindi. Iba pa rina ng iisipin ng mga taong nakapaligid sa kanila. Masasayang lang ang laway niya kakapaliwanag. Muling sinulyapan niya si Bethany na bagamat may malay pa rin ay kapansin-pansin ang panghihina ng kanyang katawan. Nawala na ang takot sa kanyang puso. Iniisip niya na safe na ito tutal ay nasa hospital na rin naman sila. Hindi niya na kailangang mag-alala kung ano ang maaaring mangyari dito.“Babalik ako, Bethany.” paalam niya sa dalaga kahit na hindi niya alam kung maiintindihan siya nito. “Pupunta lang ako ng nurse station para mag-fill up ng details mo nang ma-admit ka na. Pupuntahan kita dito kung may kailangan akong itanong. Narinig mo naman ang mga sinabi ng doctor kung ano ang kailanga
NAPAPAHIYA NG INIIWAS ni Bethany ang kanyang mukha sa baso ng tubig na hawak ng binata subalit dahil may kakapalan talaga ng mukha si Gavin na parang balewala lang sa kanya ang panunukso ng bagong pasok na doctor ay pilit niyang pinaubos iyon sa dalaga na walang ibang choice kundi ang sundin ang gusto niya. Pinilit ni Bethany na kalmahin ang kanyang sarili.“Tito Lusio, nakalimutan ko pa lang sabihin sa’yo na nadamay lang itong si Bethany Guzman sa kidnapping na nangyari sa kapatid kong si Briel kanina. Kilala mo naman iyon. Huwag kang mag-alala Tito, safe na rin naman ang kapatid ko.” kalmado pa rin ang boses na turan ni Gavin, nilingon na si Bethany matapos nitong tumayo at hinarap ang doctor na parang walang nangyari. “Isa nga pala siyang music teacher. At dahil nakakatanda akong kapatid ni Briel na may sala sa mga nangyari, tungkulin ko na punan ang mga kailangang gampanan sa mga kasalanan niya. I am just taking responsibility.” mahabang paliwanag ni Gavin sa doctor.“Ah, mabuti n
PAGKALIPAS NG KALAHATING oras ay dumating ang assistant ni Gavin, dala ang iniutos ng abugadong pagkain ni Bethany. Naburo ang mga mata ng assistant kay Bethany pagpasok niya ng silid at makita itong nakahiga sa kama. Pamilyar sa kanya ang mukha ng babae. Sigurado siyang nakita na niya ang mukhang iyo. Maya-maya pa ay napapitik na ito ng daliri niya nang maalala kung saan niya unang nakita ang babaeng iyon.“Sabi na nga ba eh, nagkita na tayo dati.” friendly ang tono na wika ng assistant kay Bethany na malapad ngng ngumiti sa dalaga. “Sa harapan ng elevator doon sa Worthy Law Firm.”“Talaga?” ahon na ng ulo ni Bethany na akala mo ay kung sinong magkaibigan sila ng assistant ni Gavin doon. “Kailan naman iyon?” sabat na ni Gavin na hindi natutuwa sa giangawang pag-uusap ng dalawa sa kanyang harapan. “Mukhang hindi ko maalala na nagkita na kayo sa personal.”Sumilay na ang kakaibang ngiti sa labi ng assistant. Iba ang tono ng abugadong amo. Ang buong akala niya ay namamalikmata nga lang
GULANTANG NA NAGPALINGA-LINGA ng mga mata si Bethany habang hindi makagalaw sa kinatatayuan. Pamilyar sa kanya ang boses na iyon. Hindi siya maaaring magkamali. Kay Briel iyon, ang kapatid ni Gavin. Hindi nagtagal at natagpuan ng kanyang mga mata ang hinahanap na hindi kalayuang bench. Ilang hakbang ang layo sa tinatayuan niya. Nasa hospital din palang iyon ang babae na basta na lang siyang iniwan sa warehouse kanina. Ni hindi man lang siya nito tinulungan kahit pa galit ito sa kanya. Kahibangan man, pero hindi niya mapigilang sumama ang loob na sa babae. Mabuti na lang at tinulungan siya ng kapatid nito dahil kung hindi ay paniguradong sinugod na niya ito ngayon at walang humpay na inaway. Kasalanan ng babaeng ito ang nangyari. Napangiwi si Bethany nang makitang enjoy na enjoy silang dalawa ni Albert sa ilalim ng liwanag ng buwan na animo ay walang ibang tao sa kanilang paligid. Literal na wala naman talagang tao doon maliban sa kanila, ngunit pangit pa rin sa paningin ng iba iyon.
BIGLANG HINABLOT NI Albert gamit ang kanyang isang palad sa leeg si Briel na nagulat man ay hindi na nagawa pang makapag-react. Hinila niya na palapit ang nobya at walang pakundangang mariin niyang hinalikan ito sa leeg na parang nawawala siya sa sarili habang hinihila ang buhok nito upang doon ibaling ang nararamdaman niyang frustration. Umungol naman si Briel at hinayaan sa ginagawa niya si Albert. Noong una ay okay lang kay Briel iyon, ngunit nang mas lamang na ang sakit ng kanyang anit ay napilitan na siyang tapikin ang balikat ni Albert upang mapigilan na ito sa kanyang ginagawa.“A-Aray, babe? Nasasaktan na ako!”Natigilan si Albert na biglang nahimasmasan sa ginagawa niya. Ilang beses niyang tiningnan ang mukha ni Briel na halatang hindi na nito nagustuhan ang kanyang ginagawa.“What’s wrong with you? Gusto mong tanggalin ang hibla ng mga buhok ko sa anit ko? Hindi na ako nasisiyahan, babe!”Saglit napaiwas ang mga mata ni Albert kay Briel. Hindi malaman ng lalake kung saan gal