Share

Chapter 21.2

PAGKALIPAS NG KALAHATING oras ay dumating ang assistant ni Gavin, dala ang iniutos ng abugadong pagkain ni Bethany. Naburo ang mga mata ng assistant kay Bethany pagpasok niya ng silid at makita itong nakahiga sa kama. Pamilyar sa kanya ang mukha ng babae. Sigurado siyang nakita na niya ang mukhang iyo. Maya-maya pa ay napapitik na ito ng daliri niya nang maalala kung saan niya unang nakita ang babaeng iyon.

“Sabi na nga ba eh, nagkita na tayo dati.” friendly ang tono na wika ng assistant kay Bethany na malapad ngng ngumiti sa dalaga. “Sa harapan ng elevator doon sa Worthy Law Firm.”

“Talaga?” ahon na ng ulo ni Bethany na akala mo ay kung sinong magkaibigan sila ng assistant ni Gavin doon.

“Kailan naman iyon?” sabat na ni Gavin na hindi natutuwa sa giangawang pag-uusap ng dalawa sa kanyang harapan. “Mukhang hindi ko maalala na nagkita na kayo sa personal.”

Sumilay na ang kakaibang ngiti sa labi ng assistant. Iba ang tono ng abugadong amo. Ang buong akala niya ay namamalikmata nga lang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status