Share

Chapter 23.2

MAINGAY NA BUMUKAS ang pintuan ng kwarto na naging dahilan upang maputol ang sasabihin pa sana ni Albert. Sabay na napalingon si Bethany at Albert doon. Hindi nila parehong inaasahan na ang bulto ni Gavin Dankworth ang iluluwa doon. Ilang segundo natigilan ang abugado nang makita silang dalawa na para bang nasa gitna ng masinsinang pag-uusap. Mabilis na nappaiwas ng tingin si Bethany sa kanya. Si Albert naman ay ngumiti na hindi sinuklian man lang ng kahit na tango ni Gavin. Basa pa ang puno ng hibla ng buhok ng abugadong napakagwapo sa kanyang suit. Iyong feeling ni Bethany na kapag kasama niya ang binata ay kayang-kaya siya nitong ipagtanggol kahit kanino. Ganun ang pakiramdam ni Bethany. Elegante itong tingnan at kagalang-galang. Plantsado at walang kahit na isang bahid ng gusot ang suot na damit. Ilang beses na napalunok ng laway si Bethany sa isipin na kung naasar siya dito kahapon at nabawasan ang paghanga niya, nabawi naman iyon ng postura nito ngayon.

“Bayaw, ikaw pala iyan…”
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status