Share

Chapter 27.1

MATAPOS MANGGALING NI Bethany sa music center at sa restaurant upang magpaalam na hindi makakapasok ng araw na iyon ay nagtungo siya sa detention center upang bisitahin naman dito ang ama. Umitim ito at pumayat pero batid ng dalaga na wala itong ibang nararamdamang sakit sa kanyang katawan. Bumagsak lang ang timbang nito sa kakulangan ng pagkain. Iyon lang ang kanyang napuna bukod doon ay wala na.

“Kumusta na po kayo dito, Papa?” tanong niyang pilit na ngumiti upang ipakitang masaya.

“Heto, gaya ng nakikita mo. Kailan ba ako makakalabas dito anak? Miss ko na ang labas.”

Nag-iwas ng tingin si Bethany sa kanya. Hindi niya mapigilang mamuo ang mga luha sa mata.

“H-Huwag po kayong mag-alala Papa, sa sunod na pagbisita ko dito ay kasama ko na si Tita.”

“Kumusta na pala siya?”

“Ayos lang po, nag-aalala rin sa’yo pero ginagawan ko po ng paraan para mailabas na kayo.”

“Sabihin mo alagaan niya ang sarili niya hanggang makalabas ako. Huwag siyang magpapabaya at kapag pumangit siya kamo ay papa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ali Rabel
wala man lang exciting sa story....
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status