Share

Chapter 27.2

PAGKASARA NG RESTAURANT ay naghanda na si Bethany na umuwi. Nang bumaba siya ng stage kanina ay nakita niyang wala na si Gavin sa table nito kaya ang naisip niya ay umalis na ito ng hindi man lang siya kinakausap. Medyo nakaramdam siya doon ng pagtatampo kahit na alam niyang wala naman siyang karapatan. Isa pa pumunta ang lalake doon bilang customer. Hindi siya ang sadya nito kung kaya hindi dapat siya magalit o kahit ang matampo sa lalake.

“Sana man lang nag-hello siya sa akin ‘di ba? Para naman siyang others.” puno na ng panghihinayang ang boses na turan niya halatang dismayado, “Ni hindi ko pa siya pormal na pinasasalamatan sa mga tulong niya sa sa akin noong nasa hospital ako. Ang daya naman!”

Nang lumabas siya ng restaurant upang maghintay ng masasakyan ay nagulantang na lang siya nang biglang tumigil sa harapan niya ang isang golden continental na sasakyan. Nakababa ang bintana noon kung kaya naman kitang-kita ng dalaga kung sino ang nasa loob ng driver seat, si Gavin iyon. Bigl
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status