Share

Chapter 26.1

NANG TANGHALI DIN ng araw na iyon ay nagawa ng tuluyang mag-discharged ni Bethany ng katawan sa hospital. Mahigpit niyang hinawakan ang cellphone habang ilang minutong tinitigan ang screen. Puno ng pag-aalangan kung tatawagan niya ba si Gavin o magpapadala na lang ng mensahe sa social media account nito para magpasalamat. Nahihiya siya sa naging asal niya kanina na naging mapagpaubaya dito.

“Mamaya ko na lang siya siguro kakausapin.” bulong ng dalaga na itinago na sa loob ng bag niya ang hawak nitong cellphone.

Nagpunta na si Bethany sa nurse station upang gawin ang discharge procedure. Wala na siyang binayaran pa kasi na-clear na lahat ng iyon ni Gavin bago ito umalis ng hospital kanina. Ang plano niya ay pupunta siya ng music center para mag-file ng leave sa araw na ‘yun. Gusto rin niyang ipaalam kung ano ang nangyari sa kanya nang nagdaang araw. Siguro naman ay maiintindihan siya ng mga nakakataas sa pinagtra-trabahuhan. Pupuntahan niya rin ang restaurant upang ipaalam din sa kanil
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status