Share

Chapter 22.1

GULANTANG NA NAGPALINGA-LINGA ng mga mata si Bethany habang hindi makagalaw sa kinatatayuan. Pamilyar sa kanya ang boses na iyon. Hindi siya maaaring magkamali. Kay Briel iyon, ang kapatid ni Gavin. Hindi nagtagal at natagpuan ng kanyang mga mata ang hinahanap na hindi kalayuang bench. Ilang hakbang ang layo sa tinatayuan niya.

Nasa hospital din palang iyon ang babae na basta na lang siyang iniwan sa warehouse kanina. Ni hindi man lang siya nito tinulungan kahit pa galit ito sa kanya. Kahibangan man, pero hindi niya mapigilang sumama ang loob na sa babae. Mabuti na lang at tinulungan siya ng kapatid nito dahil kung hindi ay paniguradong sinugod na niya ito ngayon at walang humpay na inaway. Kasalanan ng babaeng ito ang nangyari.

Napangiwi si Bethany nang makitang enjoy na enjoy silang dalawa ni Albert sa ilalim ng liwanag ng buwan na animo ay walang ibang tao sa kanilang paligid. Literal na wala naman talagang tao doon maliban sa kanila, ngunit pangit pa rin sa paningin ng iba iyon.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status