Share

Chapter 8.1

NANG MULING MAALIMPUNGATAN si Bethany at idilat ang mga mata ay natagpuan niyang nakaupo sa tabi ang kasamang abugado. Prenting nakahilig ang kanyang ulo sa balikat ng binata. Ikinurap-kurap niya ang mga mata. Agad na gumapang ang hiya sa bawat himaymay ng katawan ng dalaga. Idagdag pa na nakaalalay ang isang kamay ng binata sa kanyang beywang na mukhang ahas na nakapulupot at para ba siyang niyayakap nang sa ganun ay hindi siya matumba. Nang maramdamang lumingon Si Gavin sa banda niya para tingnan kung gising na siya ay mariin at nagmamadaling naipikit na ni Bethany ang mga mata.

‘Paano ako ngayon magkukunwari na bagong gising?’ problemadong tanong ni Bethany sa kanyang isipan, naghahanap pa rin ng dahilan niya.

Nanuot na sa ilong ng dalaga ang natural na amoy ng binata, tumindi pa iyon nang malalim na bumuntong hininga ito nang makitang natutulog pa rin siya. Pinaghalong woody scent iyon na may kasamang maskuladong gel ng aftershave nitong mamahaling ginagamit. Amoy na tila ba maba
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status