Share

Chapter 11.1

NAPAPAHIYA NG NAPAKURAP ng mga mata doon si Bethany. Mabilis ng nag-iwas ng kanyang mga mata kay Albert. Bigla siyang natauhan nang marinig ang inosenteng boses ng babae at matagpuang nasa harapan niya ito ngayon. Akmang sasagot na sana si Albert sa katanungan ng kanyang fiancee, nang unahan siyang magsalita ni Patrick na parang nang-aasar ang tono na alam niyang patungkol sa nakaraan nila ni Bethany.

“Si Bethany, kaibigan ko kaya malamang ay kilala niya rin. Huwag kang mag-alala, Briel. Ang loyal niyang kaibigan ko sa’yo. Sa sobrang loyal nga niyan ay hindi niya kayang tumingin sa mukha ng ibang babae eh.” tumikwas pa ang gilid ng labi ni Patrick habang nasa kay Albert pa rin ang paningin.

Halata sa mukha ni Albert na hindi niya nagustuhan ang sinabing iyon ni Patrick, ngunit hindi siya maka-react dahil kasama niya ang fiancee. Kung hindi lang ay malamang kanina niya pa pinulbos ang mukha ng kaibigan ng mga kamao niya dahil parang hinahamon siya nito ng away ngayon. Minabuti na lang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status