Share

Chapter 12.2

NAGKUKUMAHOG NA LUMAPIT na kay Bethany si Gavin nang makitang unti-unting napahikbi ang dalaga. Nakatuon pa rin ang kanyang mga mata sa mukha ni Bethany na hindi na gumalaw doon kung kaya hindi nakatakas sa kanya ang tanawing iyon. Lalo pang naiyak sa sama ng loob ang dalaga sa ginawa ni Gavin.

Bakit siya ang bini-bintangan na may sala ng scandal na nangyari? Sa tingin ba ng lalakeng ito ay mahal pa niya ang dating nobyong si Albert? Iyon ba ang paniniwala nito dahil sa pagkakamaling nagawa niya noon sa abogado sa loob ng bar? Napaka-judgemental naman!

“Bethany…”

Ini-unat ni Gavin ang kanyang isang kamay upang haplusin sana ang kaliwang pisngi ng dalaga pero mabilis na iniiwas ni Bethany ang mukha niya. Bukod sa sobrang napahiya siya ay anong karapatan nitong gawin iyon sa kanya? Wala sila doong malinaw na relasyon.

“Maaaring hindi mo pa tanggap ang lahat hanggang ngayon, pero makinig kang mabuti sa mga sasabihin ko. Hindi ka na mahal ni Albert. Niloko ka niya at naghanap siya ng iba
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status