Share

Chapter 13.1

DAHIL SA WALANG katapusang pangungulit ni Patrick ay napilitan si Bethany na samahan na lang ang lalake sa hospital para manahimik na ito. Paglabas niya kasi kanina ng police station ay iyon na ang naging bukambibig ng lalake. Hindi na mapigilang mairita ng dalaga sa kanya dahil para bang nananadya itong sayangin ang oras niya at ubusin ang pisi ng pasensya niya. Tumagal sila ng halos dalawang oras doon para lang sa maliit na sugat ni Patrick. Hindi pa nakuntento doon si Patrick, nag-request pa ang lalake ng CT-Scan para raw siguradong walang mali sa katawan niya.

“Nabagok ka ba para mag-request niyan? Patrick naman, kailangan ko ng umuwi.” ikot na ng mata ni Bethany upang ipakita ang inis niya at hindi na siya natutuwa sa mga ginagawa nito. “Ang layo sa bituka.”

“Bumagsak ako sa sahig—”

“Oo nga bumagsak ka, pero hindi ka naman—”

“Hayaan mo na ako, Bethany. Mabuti na iyong sigurado di ba? Baka sa huli ay pagsisihan kong hindi ko pinatingnan ang katawan ko.”

Hindi na doon nakipagtalo
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status