Share

Chapter 14.2

NAPILITAN SI BETHANY na sabihin dito ang nangyari para tulungan siya. Hindi niya rin naman mapipilit ang kaibigan lalo at wala siyang masabing dahilan. Ang alam lang nito ay ang tungkol sa ama niya. Hindi nito alam ang tungkol sa frozen nilang assets na maging ang bahay nila ay idinamay doon ni Albert.

“Ano? Napaka-hayop talaga ng lalakeng iyon!” reaksyon nitong sa tawag pa lang ay alam ng dalaga na umuusok na ang bunbunan, “Ano pa bang gusto ng hayop na iyon? Bakit ginugulo niya pa ang buhay mo? Pagkatapos ng ginawa niya? Grabe, napaka-walang puso niya!”

“Kaya sige na, Rina. Ha? Tulungan mo naman ako. Kailangan kong mag-ipon lalo pa ngayon at kailangan kong mag-room for rent. Isa pang bayarin ko iyon buwan-buwan. Please? Tulungan mo ako.” pakiusap pa ni Bethany na unti-unti ng pumapatak ang mga luha.

“Oo na. Hahanapan na kita pero ipangako mo sa akin na hindi mo papabayaan ang sarili mo. Maliwanag? Mahirap magkasakit. Health is wealth. Kung magkakasakit ka, paano mo malalabas ang Pap
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status