“Hold still! Masasaktan ka talaga kasi ang likot mo.” Ani Lily sa binata.
Kasalukyan niyang ginagamot ang sugat nito. Abot langit ang pasasalamat niya kay Ethan dahil sa gitna nang kalituhang nangyayari ay naisip pa nitong pabaunan si Miguel nang munting survival kit.
“That’s alcohol! Natural reaction ‘yan! Ang hapdi-hapdi kaya.” Tila bata pang maktol nito. Mariin pa itong napapapikit nang mata sa tuwing nagagalaw niya ang sugat nito.
Nakonsensya naman kaagad siya. “Sorry na… hihipan ko na lang.. Tiis-ganda lang, Miggy… kelangan malinis nang mabuti ‘to, eh. “ Nilambingan pa niya ang boses pati na ang pagtawag sa pangalan nito.
Kahit halos mamilipit na ito sa sakit ay nagawa pa rin nitong matawa. “Miggy? Seriously?”
Damang-dama ni Lily ang pangako sa likod nang mga salitang iyon ni Miguel. She feels as if there’s this invisible hand that’s gently stroking her heart spreading warmth all across her entire being. Hindi man lang niya namamalayang tumutulo na pala ang kanyang luha dahil sa sinabing iyon nang binata. Ano ba siya nito? Bakit ba ganoon na lang kung magpakita ito nang pag-aalala sa kanya? Kung tutuusin ay parehas silang estrangero nito sa isa’t isa dahil hindi pa sila gaanong matagal na magkakilala. Kung hindi pa siya aksidenteng napadpad sa San Bernardino, malamang ay hindi rin magtatagpo ang kanilang mga landas. And yet here he is risking his life for her… and still promising to do it again whenever she needs him. “Hey… are you crying?” He leaned closer to her side when he heard her soft hiccups. Sinalat nito ang kanyang pisngi.
Miguel P.O.V. Hindi nagtagal at ang mahihinang kaluskos ay tila naging matitinis na iyak na nang kung anong hayop… or mas tamang sabihing mga hayop. Mabilis itong patungo sa kanilang direksyon creating a loud buzz inside the cave as it sent vibrations around the still air. Mabilis niyang kinuha ang flashlight mula sa dalaga at itinutok ang ilaw niyon palipat-lipat sa mga lagusan. Nang maitapat niya sa kaliwang lagusan ang liwanag, waring may mga munting anino siyang naaninag sa dulo niyon. Habang papalapit ang mga ito sa kanila, unti-unting lumilinaw sa kanya ang animo lupon nang mga maiingay na ibon na patungo sa kanilang direksyon. Hinila niya kaagad ang dalaga pahiga at pumaibabaw siya rito. He shielded her with his body as the horde of birds swiftly flew past them. Dahil sa nakabibinging
Tahimik lang na nakasunod si Lily sa binata habang magkahinang pa rin ang kanilang mga kamay. Once again, the space started to dwindle and only one person at a time can pass through. Panaka-naka’y napapatigil sila sa paglalakad and Miguel would start to take deep breaths. Paulit-ulit iyon at kung minsan pa’y mariin nitong ipinipikit ang mga mata. Nag-aalala na siya para sa binata. His wound might be seriously affecting him. Hindi kaya… naimpeksyon na ang sugat nito? “Miguel…” Tawag niya rito. She tugged at his hands signaling him to stop walking. Muli itong huminga nang malalim bago humarap sa kanya. “Bakit? May problema ba?” His voice was now a coarse whisper. Noon lang napansin nang dalaga ang panglalalim
“Ate Lily!” Patakbong yumakap sa kanya si Maymay. Mangiyak-ngiyak pa ito habang isinubsob ang mukha sa kanyang dibdib. Hindi nito inalintanang hindi pa siya nakakapagpalit nang malinis na damit. She also had some dried muddy water running down some areas of her arms and legs. Pati buhok niya’y nanlalagkit na rin dahil sa pinaghalong dumi at wisik nang tubig-alat. “Naku, jusko! Lily! Akala namin kung napaano na kayo!” Nanggigilalas pang turan ni Aling Merlinda. Kapwa ito at si Nanay Nelia nagmamadaling makalapit sa kinaroroonan niya. May dala-dala pang plastic ang huli na animo mga damit ang laman. Kasalukuyang siyang nasa labas nang X-Ray room nang mga oras na iyon. Hinihintay niyang matapos ang isinasagawang pagsusuri kay Miguel nang dumating ang mga ito
“Oh siya, babalik na lang ako bukas dala ang x-ray results mo. Ang mahalaga ay makapagpahinga ka nang mabuti upang mabawi mo ang iyong lakas. Inumin mo rin ang mga nireseta kong gamot, ha, iho?” Aniya ni Dr. Lagro matapos i-check si Miguel.Mataman nitong tinitigan ang huli, na wari bang nagbabanta ang titig nito. Tanging napabuntong-hininga lang dito ang binata at marahang tumango.Naalala ni Lily na ito rin ang doktor na tinawag nang nurse kaninang umaga nang makarating sila sa ospital. Sa tingin niya ay nasa lagpas mid-fifties na ang edad nito, ngunit sa kabila niyon ay hindi pa rin maikakaila ang maawtoridad nitong aura bilang isang manggagamot.Lihim na naman siyang napangiti nang makitang nakabusangot ang mukha ni Miguel habang iniiwasan ang mga titig nang doktor. Wari isa itong batang nagmam
Miguel P.O.V. Hinihingal siyang napasandal sa bakal na railings sa ulunan nang kanyang kama. He was a bit nauseated and disoriented from the dream he just had. Walang tigil pati sa pag-ririgodon ang kanyang puso habang may ilang butil pa nang pawis ang namumuo sa kanyang noo. Dahan-dahan iyong tumutulo pababa sa kanyang pisngi hanggang sa pumatak sa kanyang unan. It was the first time, mula nang magising siya nang walang maalala, na nagkaroon siya nang ganoong klaseng panaginip. Kahit nakadama siya nang takot at pag-aalinlangan ay minsan pa niyang mariing ipinikit ang mga mata upang pilit sariwain iyon sa kanyang balintataw. Madilim ang daang kanilang tinatahak subalit ni minsan ay hindi man lang sila tumigil nang batang lalaking kasama niya. Nahahapo na siya pero sa hindi malamang kadahi
Miguel P.O.V. “Mabuti naman kung ganun’. Itong resulta nang mga pagsusuri sa’yo, lumalabas namang normal lahat kaya wala tayong dapat ipag-alala.” Ani Dr. Lagro habang inilalagay na ang stethoscope sa tainga. Humugot siya nang malalim at sunod-sunod na paghinga nang magsimula itong ipatong ang bilog na dulo niyon sa kanyang dibdib. Naglabas din ito nang pen light at itinutok iyon sa kanyang mga mata. Matapos ay sinuri naman nito ang noo’y nakabenda niyang sugat. His wound needed to be sutured because it was deep enough to penetrate the internal layers of his skin and damage some blood vessels. “Mamaya lang ay may pupuntang nurse rito para linisin iyan. Hindi na naman namamaga kagaya kahapon. Basta’t ipagpatuloy mo lang ang pag-inom nang nireseta kong antibiotic.” Dagdag pa nito.
Katatapos lang dumaan nang gabing maladelubyo ang hatid nang hangin at pag-ulan. Maagang nagising si Temyong upang sana’y silipin ang kanyang mga itinaling panggal sa mga puno nang bakawan. Nilalagay niya ang mga iyon malapit sa may bukana nang ilog palabas na sa may karagatan. Karaniwan kasing naglalagi roon ang mga alimango lalo pa’t malayo ang lugar sa mga kabahayan at hindi nagagambala ang mga ito roon. Matapos mainitan ang tiyan sa paghigop nang kape ay dali-dali siyang nagtungo sa parte nang ilog kung saan nakatali ang kanyang munting bangka. Lumulan na siya roon at tahimik na nagsagwan papunta sa may bukana nang ilog. Naraanan niya ang mga malalaking sanga nang mga kahoy na palutang-lutang sa ilog. Hindi na lang napigilang mapailing nang matanda. Wala talagang nag