“Mommy! Daddy! Tingnan niyo po ang gawa ko oh! Nanalo po ako ng first place sa competition namin sa school.” Ipinagmamalaking ipinakita ng sampung taong gulang na si Sky sa mga magulang ang kanyang ginawang news article, pati na rin ang napanalunang gold-plated na medalya. Naisipan niyang sumali sa annual writing competition ng kanilang school. News writing wasn’t really her forte. Mas gusto niyang sumulat nang mga fiction stories katulad nang sa mga Disney princesses, pero dahil news writing na lang ang available spot ay sinunggaban na niya. Akalain ba niyang puwede naman pala siya sa ganoong larangan. “Wow! Ang talented talaga ng anak ko!” Masayang kinuha ng kanyang Ina ang nakakwadrong news article mula sa anak. Her daughter’s work was already placed inside a frame, tanda ng pagkilala na ito nga’y nanalo. May number one pang ribbon na nakadikit sa kanang ibabang bahagi ng frame. “Ididisplay daw po ‘yan sa school library namin ‘My.” May pagmamalaki pa niyang dagdag. “You rea
Sky rolled her eyes as she was exiting her car, a porsche silver taycan. Kasalukuyang nakaipit sa pagitan ng tainga at balikat niya ang cellphone. “Yes madam. Pupunta po ako later.... Yes, yes, I know... pinaghirapan mo kuno ‘yan.” Kausap niya sa kabilang linya ang isa sa mga barkada niyang si Chiena. She and her other friends were classmates way back in high school. At kahit pa nagkanya-kanya na sila ‘nung magcollege, they never lost contact. Naging mas close pa nga sila nang mga ito. They make it a point na magkita-kita two or three times a week. To Sky, her friends were the closest she ever got to having siblings. “Hoy Bruha! ‘Wag na ‘wag niyo akong iindiyanin. Alam niyo namang I went to hell and back para lang makakuha nang mga exclusive invites na ‘to noh!” Paulit-ulit pa na pagpaalala nito. “I know, pero kahit naman nandun’ kami, I’m sure na kay Pablo naman ang undivided attention mo.” Pagtataray pa ni Sky. She and all their friends knew that Chiena had always been head
Eksaktong kalalapag pa lang ni Sky nang kanyang bag sa table nang magring ang intercom niya sa lamesa. She knew right away the call came from her father’s office. “Yes, Bernard?” Ito ang halos dalawampung taon nang secretary nang kanyang ama. Itinuturing na rin niya itong parang tiyuhin. He was there when his father or mother couldn’t pick her up in school kapag kapwa busy ang mga ito. “Ms. Sky, you are requested at your father’s office.” May nahihimigan siyang kung ano sa boses nito. Nagtataka man ay inignora niya iyon. Kakamustahin na lang niya ito pagkatapos nilang mag-usap nang kanyang ama. “Okay, I’ll be there in ten minutes.” Iyon lang at nagpaalam na siya. She freshened up and went out to ride the elevator. Nasa pinakataas na palapag ang president’s office. Para siyang nasosuffocate kapag papunta siya roon. Exclusive kasi ang buong floor para rito. Ang tanging bubungad lang sa’yo ay ang office table nang secretarya nito na nasa kanang bahagi at ang visitor’s lounge
Malakas ang buhos ng ulan ng bumaba siya mula sa bus. Pailan-ilan lang din ang dumadaang mga tricycle at lahat pa iyon ay punuan. Kung wala mang sakay ang iba ay sinasabihan lamang siyang pauwi na ang mga ito at ‘di na bibiyahe dahil nga sa magagabi na at masama pa ang panahon. Buti na lamang at malaki-laki rin ang bus station na iyon at may bubong pa. Kung hindi ay paniguradong basing-sisiw siya ngayon. Ang lamig naman. Napahinga na lang siya ng malalim at ‘di napigilang manginig. Sky hugged herself at mas lalo pa niyang tinaasan ang pagkakazipper nang kanyang jacket. Blessing in disguise talaga na nahablot pa niya ito mula sa cabinet. Hindi napigilan nang dalaga na igala ang paningin. Probinsyang-probinsya talaga ang dating ng lugar. Tantiya niya ay nasa tatlo o apat na metro lang ang lapad nang malubak na kalsada. May mga parte namang nanatiling matino pa rin ang semento, ngunit animo isang dekada na nang huling makatikim ito nang road repair. May mga malalaking puno sa gilid n
It was already Lily’s third week in San Bernardino. Kay bilis lang nang paglipas nang mga araw. Ni hindi nga niya napansin na ganoon katagal na pala siyang namamalagi roon. Sa loob ng maikling panahon ay halos nakagaanan na niya ng loob ang mga taga-roon. At home na siya sa mga ito, lalo na sa kanyang mga kapitbahay. She lived a simple life every day. Napag-alaman din niyang dalawang bahay lang pala ang pagitan nila ng matandang mag-asawang tumulong sa kanya. Hayun at nakilala din niya ang anak ng mga itong si Maymay. Maymay was cute and funny. Napakadaldal nito at napakajolly kaya kaagad niya itong nakagaanan ng loob. Para itong nawalay niyang kapatid at halos araw-araw ay bumibisita ito sa kanila ni Aling Nelia. Sa katunayan nga ay maaga sila nito ngayong gumising upang magkasamang mamalengke. Pero ang ipipinagtataka niya ay ang pagkukumahog nitong makaalis sila kaagad. “Ate Lily! Ate Lily! Dali na, mauna na tayo kina Nanay at Tatay. Sus! Matagal pa ang mga iyon.” Natawa siya
Dinala si Lily ng kanyang mga paa sa lilim ng isang mayabong na punong mangga malapit sa tabing ilog. The place was her favorite hangout spot tuwing hapon. The view was at least a seven-meter-wide river na kapag diniresto mo sa pamamangka ay konektado mismo sa karagatan. Ito rin ang isa sa mga pinagkakakitaang kabuhayan ng mga taga San Bernardino na kung saan pangingisda ng tilapia ang numero unong produkto. Magkagayon man ay napakapayapa ng lugar at disiplinado ang mga tao. Kumpara sa mga nakikitang niyang ilog sa Maynila na may mga lumulutang na kung anu-ano, ang ilog dito ay napakalinis at nagmumula pa mismo sa mga kabundukan. Animo krystal ito sa kanyang paningin na kumikinang dahil sa pagtama ng sinag ng araw dito. Nakakadagdag pa sa kapayapaan ng lugar ang huni ng mga ibong nag-aawitan sa mga puno. This is the life… So peaceful…
Kapwa hirap si Lily at Maymay sa pagbibitbit ng kanilang mga pinamili mula sa palengke. Isang sapad ng saging saba at isang basket na puno ng isdang tilapia ang dala-dala ni Lily samantalang sampung kilong bigas naman ang kay Maymay. “Oh my gas-bigas! Anak ng tilapia naman oh! Ang layo na ng nilakad natin wala pa ring tricycle na nagpapasakay.” Reklamo ulit ni Maymay. Maya’t-maya ang ginagawa nitong pagsusumpa sa mga tricycle na dumadaan ngunit tumatangging pasakayin sila. Ang iba kasi ay may mga karga ring samu’t-saring gulay at kakanin habang ang iba naman ay pakiyawan ang biyahe. Si Lily man ay nahihirapan na rin sa bigat ng mga dalahin. “Dalawang araw na lang kasi at fiesta na. Baka kagaya natin, last minute na pagbili na rin ang ginagawa ng ilan.”
Masaya pa silang nagtatawanan nang lalaki habang naghahabulan. Akmang babatuhin pa sana ni Lily si Miguel nang napitas nitong bunga nang amorseko. “Hooooy kayong dalawa!” Napatigil silang pareho ng marining ang sumita sa kanila. Nagkatinginan pa sila ni Miguel dahil ‘di nila namamalayang nasa harapan na pala sila ng bahay nina Aling Merlinda. Parehong nasa may tarangkahan ng bahay sina Kaloy at Maymay. Kapwa makahulugan ang mga ngiting ipinupukol ng dalawa sa kanila. Pasimpleng tumikhim si Maymay. “Kuya Miguel, Ate Lily, ah ano kasi inimbitahan ni Nanay si Kaloy na dito na lang maghapunan kasama namin.” Siniko pa nito ang katabing binata. “O – O