Share

The Story of Us (Tagalog)
The Story of Us (Tagalog)
Penulis: Luna King

Chapter 1 - Prologue

“Mommy! Daddy! Tingnan niyo po ang gawa ko oh! Nanalo po ako ng first place sa competition namin sa school.” Ipinagmamalaking ipinakita ng sampung taong gulang na si Sky sa mga magulang ang kanyang ginawang news article, pati na rin ang napanalunang gold-plated na medalya.

Naisipan niyang sumali sa annual writing competition ng kanilang school. News writing wasn’t really her forte. Mas gusto niyang sumulat nang mga fiction stories katulad nang sa mga Disney princesses, pero dahil news writing na lang ang available spot ay sinunggaban na niya. Akalain ba niyang puwede naman pala siya sa ganoong larangan.

“Wow! Ang talented talaga ng anak ko!” Masayang kinuha ng kanyang Ina ang nakakwadrong news article mula sa anak. Her daughter’s work was already placed inside a frame, tanda ng pagkilala na ito nga’y nanalo. May number one pang ribbon na nakadikit sa kanang ibabang bahagi ng frame.

“Ididisplay daw po ‘yan sa school library namin ‘My.” May pagmamalaki pa niyang dagdag.

“You really could be a great writer someday. Malay mo maging sikat na journalist ka pa, or better yet, news anchor.” Hinagod-hagod pa nito ang medyo kulot at mahabang buhok ng anak.

Ang Daddy naman niya ay pasimple lang sinulyapan ang gawa niya.

“Imbes na paglaanan mo ng pansin ‘yang pagsusulat mo ng kung anu-ano, you should shift your attention to your academics. Walang maabot ‘yang journalism mo. That will not sustain the kind of lifestyle I’m giving you.” Walang ganang sabi ng kanyang ama.

Sky looked at her Mom and saw sadness and pity in her eyes. Napayuko na lang siya at marahang kinuha ang kanyang news article mula sa Ina.

……. 

“Salutatorian?! Salutatorian ka lang sa graduation? My god Sky Isabelle!” Sigaw ng kanyang Ama. Pabagsak pa nitong ibinaba ang kubyertos. Umalingawngaw ang tunog niyon sa nakabibinging katahimikan sa kanilang hapag-kainan.

Kumakain sila ng mga oras na iyon ng ibalita niya sa mga magulang ang mga detalye ng activities para sa nalalapit nilang high school graduation. Gusto sana niyang sa Mommy lang muna niya sabihin ang final result nang kanilang honor roll. Panigurado kasi siyang madidisappoint at magagalit ang kanyang daddy. He was already expecting her to be the best, to be a valedictorian, and to be the number one. Pero pasasaan ba’t malalaman at malalaman din nito ang results dahil may mga anak ang mga amigo nito na sa kamalas-malasan ay kaklase pa niya.

“Hener…” Ginagap ng kanyang Ina ang nakakuyom na kamao ng kanyang Ama. Pinipilit na pakalmahin ito. Ngunit marahas nitong binawi ang kamay.

Tiningnan niya ang kanyang Mommy. Halatang nasasaktan ito sa pagbulyaw sa kanya ng kanyang ama.

“No! This is unacceptable! A Bustamante must always be the best! Binuhos ko lahat ng kailangan mo sa lahat nang bagay not just to give me second place! Is this how you will handle the company in the future? Second best?!” Dagdag na bulyaw pa nito.

‘Di na niya napigilang mapaiyak. It’s always about the company and the money pero never about their family or her. “Dad… I gave my best naman, eh. Kaso – “

But her dad cut her off. “Kaso ano?! Kaso your best isn’t enough! Not enough for me! Not enough for this family! And definitely, will never be enough for the company!”

Pagkatapos nitong magbitiw nang masasakit na salita ay padabog itong pumanhik sa second floor nang kanilang bahay. Akala niya ay doon na magtatapos ang nakakapanlumong gabing iyon ngunit hindi pa pala. Muling bumaba ang kanyang Daddy at may tangan na itong itim at malaking trash bag. Dumaan ito sa kanilang harapan at dumiretso sa sliding door na konektado sa kinaroroonan nang kanilang malawak na garden at rectangular shape na swimming pool.

Masama ang naging kutob niya sa laman nang trash bag na bitbit nang kanyang daddy. Bigla ay napasunod siya rito. Naabutan niyang binuhos nito ang laman sa isang metal dram na lagayan talaga nang kanilang basura. Nakita niyang nangalaglag at nagkaputol-putol ang kanyang mga napanalunang trophies sa pagsali sa ibat’ ibang writing contests mula pa noong elementary siya to the present. Pati mga libro at notebook niya na may kinalaman sa pagsusulat ay ‘di nakaligtas.

“Dad, what are you doing?” Garalgal na ang boses niya sa pagpipigil na umiyak

“Doing you a huge favor. I’m waking you up from this idiotic dream of yours.” Pagkatapos ay walang anumang sinilaban nito ang loob ng dram. Dahil naunang natupok ang mga libro ay mabilis na kumalat ang apoy.

“Noooo! Dad! Please Nooo!” Patakbo sana niyang pupuntahan ang dram ngunit maagap siyang pinigilan nang kanyang Mommy na noon ay lumuluha na rin.

Mababakas dito ang pangamba na basta na lamang niyang hablutin ang laman nang nag-aapoy na dram.

“Marta!” Malakas na tawag nang kanyang daddy sa kanyang yaya.

“Señor?” Nagkukumahog pa itong lumapit sa kanyang ama. Nanatiling nakayuko ang ulo nito dahil sa takot na pati ito’y mabulyawan.

“Siguraduhin mong maabo ang lahat nang laman niyan.” Iyon lang at naglakad na ito pabalik sa loob nang kanilang mansiyon.

Siya naman ay ‘di napigilang mapaluhod. Napahagulhol siya as she saw her hard-earned trophies burn to ashes. It’s as if her dreams are slipping further and further away from her grasp.

Niyakap naman siya ng kanyang Mommy at inalo ng kanyang yaya, pero lahat nang iyon ay ‘di maabot ang nagdidilim na bahagi nang kanyang puso.

…….. 

The night was warm and humid so Sky decided to sit alone in an isolated area in their garden. Mayroong set nang marmol na upuan at mesa sa kanilang hardin na natatabingan nang dalawang puno ng indian mango. Sa paligid naman nang mga puno ay mga samu’t saring orchids nang kanyang mommy. This was her favorite spot alright. Siya at ang mommy lang niya ang laging nagagawi roon.

Hindi siya makatulog. Pabiling-biling siya sa higaan kaya kaysa ganoon siya buong magdamag ay pinili na lamang niyang magpahangin. She can’t forget the events that transpired the other night. Talagang naabo ang lahat ng mga pinaghirapan niyang trophies pati na ang mga references niya about writing.

Malungkot siyang napabuntong-hininga. Nasasayangan kasi siya sa mga librong sinunog nang kanyang daddy. Ipon pa mula sa baon sa eskwela ang pinambili niya sa mga iyon. May iba na hindi pa niya nababasa. Gusto sana niya pagdating na lang nang summer break niya buklatin ang mga iyon para sana makapag focus siya.

Hindi talaga niya kahit kailan maiintindihan ang kanyang daddy. Simula’t sapul nang magkaisip siya, he honed her to be always the best. ‘A Bustamante never loses to anyone.’ ‘Yan ang mga katagang isinisiksik nito sa kanyang murang utak. And she always....always did her best to please her father. She was always on top of her game be it in academics or extracurricular activities. She was always in her best manners, prim and proper. But the more she tried her best, the more she tried to please him, pakiramdam niya kahit kailan he was never satisfied of her achievements. It was always ‘I know you can do better than that’. And not once did he really looked at her nor congratulated her sincerely. Minsan, ‘di niya maiwasang maitanong sa sarili kung anak ba talaga ang tingin nito sa kanya.

Writing was her only escape. Kapag nagsusulat siya, nakakabuo siya nang isang  mundo na kontrolado niya ang mga pangyayari. Na kung saan, the heroine is always loved and everything falls perfectly in place in the end. Napangiti siya nang mapakla. Maybe her dad was right after all. Maybe she really needed to wake up. After all, her life was far from the stories she wrote.

Napaigtad siya nang may biglang yumakap sa kanya mula sa likuran. She smelled the familiar scent of her mom. Ito na lang yata ang rason kung bakit hindi pa siya tuluyang nahuhulog sa depression. Her mother always kept her on her feet kahit na minsan gusto na lang niyang sumuko.

“Oh, ba’t gising ka pa?” Tanong nang mommy niya matapos ang sandaling katahimikan. Nakaupo ito sa arm rest nang inuupuan niya.

“Wala ‘My. Nagpapahangin lang po. Can’t sleep.” Tipid siyang ngumiti rito.

Hinagod-hagod nito ang kanyang buhok. Naaaninag niya sa mga mata nito ang awa at simpatya para sa kanya.

Matamang pinagmasdan ni Sky ang kanyang mommy. Matangos na ilong lang yata ang nakuha niya rito. Kahit sa daddy niya, wala siyang namana. Maganda rin naman siya, just that she looked different from her parents. But in all seriousness, her mom is really beautiful. Even in her early 50s, ‘di maikakailang maganda ito. And her mom was the most loving, obedient, and responsible human being she ever met, kahit na pati ito ay tinatratong hangin nang kanyang ama. They were her father’s liability. Magkaganun’ man, her mother always remained by his father’s side throughout the years.

“I know your dad is always hard on you. Pero sana Sky, ‘wag kang magtatanim nang sama nang loob sa kanya. He’s raising you sa paraang alam niya.”

“I know ‘My...pero gusto ko lang naman na maappreciate niya rin ‘yung mga efforts ko. Gusto ko rin naman na pagtuonan niya nang pansin na anak rin niya ako. I am not some kind of business deal na kailangan maperpekto.” Ang mga luhang kanina pa niya pinipigil ay tuluyan nang kumawala.

Niyakap siya nang kanyang mommy. “I know Sky...I know.. I see you... And I am so proud of you...hindi mo lang alam, pero I am blessed to have you as my daughter. ”

Her mom cupped her face. “Remember this anak: you fight for your happiness. You go after what you want. And you fall in love and you only marry the person you fall in love with. Don’t end up like me, okay? Maging matatag ka, anak. I want you to be always happy.”

Sky can see the tears of her mother. If her dad’s words ever since she was young was to be always on top, her mom was always like this. Bata pa lang din naman siya, alam na niyang her parents were in a loveless marriage. She smiled sadly. Another reason for her to wake up to reality.

…..... 

Tahimik na umiiyak si Sky habang ipinapatong ang isang tangkay nang puting rosas sa urn na pinaglagyan nang abo ng kanyang Ina.

Her Mom was diagnosed with cancer three years ago. Sabi ng mga espesyalistang doctor na kinuha nila, kaya pa naman daw maagapan and so her parents went abroad to seek medical help. She kept a positive thought na magiging okay rin ito. Baka nga iyon din ang maging dahilan upang magbago ang takbo nang relasyon nang kanyang mga magulang. She thought her father was being extra attentive of his wife those past few years. Pansin lang naman niya. He was still tough on the outside, but there are times he looks at his wife na para bang may nakikita siyang guilt? Awa? She can’t say exactly.

When school break from college came, she would go abroad para mabisita ito. ‘Dun na kasi namalagi ang Mommy niya for the past three years para masiguradong ‘di nito mamimiss ang lahat nang treatments nito. Pabalik-balik siya at umaasang sa bawat pagbisita niya, her Mom would eventually recover at makakauwi na kasama niya. But it didn’t happen.

Kakatapos lang ng finals nila and that night she was planning to book a ticket para makalipad kaagad sa US. She wanted to tell her Mom about her semester kasi alam niyang excited din itong malaman ang mga kaganapan sa buhay niya, lalo pa’t may nagugustuhan siyang lalaki sa kanilang campus. She also felt that the feeling was mutual at nasabi na niya sa kanyang Mommy ang mga paninja moves nito sa kanya. Maging ito man ay kinikilig din kaya very supportive ito sa umuusbong niyang pag-ibig. Siguradong marami siyang baong mapag-uusapan nila.

Saktong mag lalog-in na sana siya sa kanyang email nang mag-ring ang kanyang phone. It was an international call and she knew the number all too well. It was the number her Mom uses to call her.

Sobrang excited siyang sagutin ang tawag, pero hindi ito at ang masayang boses nito ang bumati sa kanya. It was her Father’s.

Walang emosyong ibinalita nito ang pag panaw ng kanyang Mommy. Na ipapacremate na lang daw ang labi nito upang mas mapadali ang pag-uwi. Nagsabi rin ito kung kelan ito uuwi kasama ang abo ng kanyang yumaong ina. It was like her Father was just talking about the weather. Na everything is fine at parang hindi ito nawalan nang asawa.

When the call ended, nanghihina siyang napaupo sa sahig. Nablanko siya at sobrang nabibingi sa mabilis na pagtibok nang kanyang puso. The rest was all blurry. When she woke up, nakapalibot na sa kanya ang mga kaibigan niya. They were all looking worried, and when she looked around, everything inside her room was smashed. Ang kanyang 65 inches smart TV at maging ang full length body mirror sa kanyang condo ay wasak rin. Marami pang nagkalat na bubog sa sahig na hindi niya mawari kung saan nagmula. Mahapdi at medyo malabo rin ang kanyang paningin.

And then, it all came back. Wala na ang Mommy niya. The single person in this world who loves and believes in her was now gone. Ang kanyang cheerleader at secret diary ay ‘di na niya makakapiling kahit kailan. Napahagulhol na lang siya ulit.

And now, a week later, reality sunk in. Ililibing na ang Mommy niya. Tahimik lang siyang umiiyak habang pinagmamasdan ang ilang taong nakikiramay at naglalagak ng bulaklak sa munting garapa na pinaglalagyan nang abo nito. Ang ilan ay yumayakap pa sa kanya.

She tried to look at her Father. Nakikipagkamay ito sa mga taong nakikiramay. He had a stone-cold expression. Kahit ang mga mata nito, walang emosyon. She wanted to seek warmth in them, pero alam niyang ang nag-iisang taong makakapagbigay noon ay nakahimlay at nakatadhana ng matulog panghabang-buhay.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status