Share

Chapter 13

"Wala kang pasok?"

Napapitlag ako sa pagkakatunganga sa harap ng laptop nang marinig ang boses ni Pierce mula sa pinto. Hindi ko namalayang nakauwi na pala ito.

Umayos ako ng upo sa silya sa maliit niyang sala at tiningnan ang lalake na pawis na pawis habang naghuhubad ng t-shirt. Nabilad na naman sa mga mata ko ang magandang katawan nito.

"Tapos na. Isang subject lang ako ngayon, eh. Kain ka na. Nagluto ako ng ginataang monggo diyan. Pinakialaman ko na ang laman ng kusina mo. Pero ako naman ang bumili ng ibang panakot. Kain ka na."

Kumuha ito ng t-shirt sa karton sa ilalim ng kama nito at isinuot. Nakasunod naman agad ang mga mata ko sa toned at tanned na namumutok na muscles nito.

"Salamat. Tamang-tama. Gutom na gutom ako."

Kumuha ito ng plato at nagsandok ng pagkain. Halatang gutom nga ito dahil sa sunud-sunod na pagsubo pero kahit ganoon ay may class pa rin. Hindi katulad kong kumain na parang barumbado sa kanto.

Sa ilang araw ko na ring pananatili rito sa bahay niya ay may napapa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status