Share

Kabanata 21

MIKAY

"Anong sabi ni lolo?" muling tanong ko kay Damonyo na kasama ko ngayon sa loob ng sasakyan dahil nga may dinner na naman kasama ang buong pamilya. Hindi na natapos-tapos ang dinner eh.

Si Damonyo ngayon ang nagmamaneho dahil nga naka break sila Tay Kanor at Nay Cristy.

"Oy! Anong sinabi niya?" pangungulit ko sa kanya habang niyuyugyog ko pa ang braso nito.

"Dang! I'm driving. Stupid," singhal nito sa akin.

Napabusangot naman ako. Sungit talaga.

"Eh ano nga kasing sinabi...." Hindi ko nagawang ituloy ang sasabihin ko nang masamang tingin na ang ibinaling niya sa akin.

Halos malukot naman ang mukha ko dahil sa pagkakabusangot. Nagtatanong lang naman kasi ako dahil kanina pa ako kabado. Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa labas at ibinababa ang bintana, ipinatong ko ang aking baba rito habang ineenjoy ang malamig na ihip ng hangin, pero hindi rin ito nagtagal dahil literal na panira ng kasiyahan si Damonyo dahil isinara niya ito.

"Paano na lang kung maipit ang ulo ko?" singhal
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status