Share

Kabanata 59

MIKAY

"Uy Mikay! Hindi mo pa chinichika sa amin kung sino ang ka date mo ah!"

Bahagya pa akong sinagi ni Tina na may ngiting mapang-asar sa kaniyang labi. Kanina pa nila ako kinukulit tungkol sa date na nasabi ko, kung p'wede lang ichika ay gagawin ko eh.

Hanggang ngayon tuliro at nalilito pa rin ang pempem... este ang puso ko sa nararamdaman ko. Tila ba instant nag-iba ang tingin ko sa kaniya, tipong lagi na lang siyang tama sa paningin ko gano'n. Ganito ba talaga kapag crush mo ang isang tao, o masyado lang akong nag o-overthink dahil sa mga ipinapakita niya sa akin na wala namang ibang ibig sabihin? Hay naku Mikay! Nag a-assume ka na naman kasi.

"Oh! Tulaley ka na naman."

Natauhan ako dahil sa sinabi ni Juday.

"May iniisip lang kasi ako," saad ko.

Naka-call time ngayon dahil maaga ang alis namin papunta sa isang pribadong beach house kung saan gaganapin ang convention, ngayon ay hinihintay palang namin ang mga kasama namin.

"Ano naman? Kung paano kayo nag holding hands while
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status