Share

Chapter 2

Business Proposal

Bumuntong hininanga ako matapos ang limampung minutong pagtitig sa puti kong kisame. Hindi ko mabilang kung ilang beses akong nagpakawala ng malalim ng buntong hininga dahil hindi maalis sa isipan ko ang nangyari kagabi sa party.

Styx said kept on running and  appearing on my mind. The way he uttered 'I miss you' was so realistic that I almost believed it. Sarkastiko akong napangisi at naikuyom ang kamay na nakalagay sa ibabaw ng dibdib. Nakasuot pa rin ako pantulog at gulo-gulo pa rin ang buhok dahil wala akong lakas na bumangon ngayon araw. Ilang beses ko ring narinig ang pagtunog ng telepono hanggang sa inis akong bumangon at sinagot 'yon.

"Good morning," masayang bati ng nasa kabilang linya pero wala ako sa mood para sumagot.

"Tsk, tsk. Ano't nakasimangot ka na naman, aga-aga, ah?" Pumunta ako sa loob ng cr at humarap sa salamin, napasimangot ako nang makita ang itsura ko. B'wiset. Para akong walang buhay.

"Sabagay lagi ka namang nakasimangot," dagdag niya at humalakhak. Inis akong pinatayan siya ng tawag at nagsimulang mag ayos ng sarili. I put toothpaste on my toothbrush and started brushing my teeth. I was watching myself on the mirror the whole time before putting myself below the shower while fully naked.

Nagsuot lang ako ng itim na sports bra at leggings bago lumabas ng bahay. Medyo madilim pa sa labas dahil alas-sinco pa lang ng umaga at kakaunti lang ang mga taong nakikita ko sa loob ng village. Nagsimula muna ako sa paglalakad habang tumitipa sa cellphone ko. Nag-text sa 'kin si Duex at puro laman lang ng pagrereklamo kung bakit ko raw siya pinatayan kanina. Umiling naman ako bago mag reply.

Me:

Walang maganda sa morning ko kung boses mo lang naman ang bubungad.

Tawa-tawa ako habang unti-unti ang pagbilis ng takbo ngunit binagalan din nang tumunog ang telepono ko, saglit kong pinagmasdan ang numero ni Duex bago sagutin muli.

"Gago, ang sama mo. Bakit mo 'ko pinatayan? Alam mo bang mukha mong umiiyak ang unang pumasok sa utak ko kanina?" bungad niya.

Binagalan ko ang paglalakad at hinawakan ang earpods na nakakabit sa tenga ko bago sumagot.

"Bakit naman ako iiyak?" kunot noong tanong ko.

"E-Eh, kasi 'yung kagabi," nag-aalangang sabi niya. I tsked and looked around the place because I felt someone staring at me intently. Inilibot ko ang paningin para alamin kung sino 'yon pero nakita kong abala rin ang ibang tao sa pagtakbo.

"Duex. I promised I am okay, not affected anymore," puno nang kasiguraduhang sagot ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago magsalita. "Did you see his reaction? Mukhang hindi ka na mahihirapan sa plano mo. Halatang hulog na hulog pa rin ang gago." He laughed.

I sighed, "What do you mean?" maang-maangan na tanong ko.

"You know what I'm talking about," he replied like I was so stupid for asking that question.

"Honestly, I doubt that. Ilang taon din kaming hindi nagkita, ni-hindi ko nga alam kung totoo o hindi ang sinasabi ng mata niya sa binubuka ng kanyang bibig. Sa ngayon ang hirap paniwalaan but I'll make that he will fall for me again, harder and deeper. Hindi na siya makakaahon."

Nag usap pa kami bago ko ibinaba ang tawag. Umikot ako ng ilang ulit at naglinis ng katawan para pumasok na sa opisina. Sa susunod na araw ay lilipat na ako ng opisina sa kumpanya nila Styx dahil kasalukuyan pa rin 'yong inaayos at hinahanda para sa paglipat ko.

Sa ngayon ay doon ako sa kumpanya ni Duex nagt-trabaho na may shares din si Daddy. Doon ako tinuruan ni Duex sa pagpapatakbo ng kumpanya para raw hindi ako kwestyunin ng mga tauhan sa kumpanya ni Styx but the way they stares at me during the meeting, they are judging my capabilities. Masyado raw akong bata at isa akong . . . babae.

But these are all useless because I already owned the position of being a chairman.

"Good afternoon, Mr. Drylto." Peke akong ngumiti bago nakipagkamay kay Mr. Drylto, late ako ng 5 minutes sa meeting namin pero hindi naman siguro masama? Traffic.

"I'm sorry for being late," I apologize but he just smiled and motioned me to seat. Nakangiti pa rin siya habang pinagmamasdan ang bawat paggalaw ko. Hindi ako naging komportable dahil na rin siguro sa paraan ng pagtitig niya and my gosh, he's already 56 based on my research for Pete's sake!

"It's okay. Shall we order first?" Peke akong ngumiti habang tumango. Tinawag naman niya ang waiter para sabihin ang order at palihim akong nagpasalamat nang siya ang umorder para sa 'kin. I'm not familiar with Greek cuisine.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Mr. Drylto, you're there at the meeting, right? Of course you're one of the major shareholder." I awkwardly laughed. "And I wouldn't be surprised if you're doubting my capabilities on handling the company. I'm here to get your trust," buong tapang na saad ko at kita ko ang pagtaas ng sulok ng kanyang labi.

"I like you for being straight forward." Madiin ang titig niya sa 'kin at tila ba namamangha.

I cleared my throat because I don't like the way he stares.

Gumalaw ang kulubot niyang kamay palalapit sa kamay kong nakapatong sa lamesa, bago ko maikuyom 'yon ay bigla niya 'yong hinaplos. Tumaas ang balahibo ko sa katawan dahil sa ginawa niya. Ilang beses akong napalunok sa pandidiri nang iangat niyo 'yon sa bibig niya at halikan.

P*****a.

"Bwisit!" Inis akong umupo sa office chair ko habang mabibigat ang hiningang tumingin sa paligid ng opisina. Sinubukan kong ikalma ang sarili dahil maari kong masira ang lahat ng gamit sa opisina ko pero hindi 'yon umepekto.

Gusto kong magwala sa galit.

Naiinis ako.

Kingina niya magsama sila ni Styx!

"Ohh, someone's grumpy." Hindi ko na namalayan ang pagpasok ni Duex sa opisina ko, puno ng pagtataka niya 'kong tinignan habang pinagmamasdan ang nagkalat na babasaging gamit sa kwartong ito. Inis 'kong iniwas ang tingin kasabay ng pangingilid ng luha dahil sa galit.

"What happened?" Dumantay siya sa lamesa habang nakapatong ang dalawang kamay sa ibabaw nito.

"That oldman . . . he fucking wants to marry me!" I exclaimed and to my surprise, he laughed.

"Oh, I'm not surprised." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"What do you mean?"

"Well, instincts," mayabang na saad niya.

I rolled my eyes.

At least now I know I'm calmed.

"What are you going to do now? Will you accept his off—"

"Of course not!" I cut him off. Tumawa naman siya ng malakas sa reaksyon ko.

Hanggang ngayon kinikilabutan pa rin ako tuwing maalala ang paraan ng pagtingin niya sa 'kin. Maging ang paghaplos ng magaspang niyang palad sa kamay ko ay nagdudulot ng pagtaas ng balahibo ko. Nakakadiri.

"Okay. By the way I have to go now. See you later, babe." Humalik siya sa pisngi ko bago lumabas. Ngumiwi naman ako nang mapagtanto ang ayos ng office.

"Sir, you can't—"

"Xhia . . ." I stood up when I heard that familiar voice. I saw him standing beside the door frame, he looked devastated.

"What are you doing here?" I asked before motioning my secretary to leave the room. Gumegewang-gewang namang pumasok si Styx kaya kumunot ang noo ko. Sa ilang hakbang na layo niya sa kinatatayuan ko ay amoy ko ang pinaghalong alak at pabango niya at hindi ko 'yon gusto.

He tried to reach for my hands but I stepped back.

"Ano bang ginagawa mo dito?" Gulo-gulo ang buhok niya at ang damit ay gusot.

Unti-unting namula ang mata niya habang sinusubukang hawakan ang kamay ko pero paulit-ulit ko 'yong binawi.

"Styx, ano ba!"

"Love, love please take me back." Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya.

Tumulo ang luha mula sa mata niya hanggang sa nagsunod-sunod 'yon.

"I-I miss you," basag ang boses na sabi niya dahilan para mapako ako sa kinatatayuan, hinawakan niya ang kamay ko at dinala 'yon sa mukha niya. Napapiksi ako matapos maramdaman ang basang mukha ni Styx.

"I miss you, love. I always do. Please take me back, Xhia. I promise I won't let you go again. I'll be a good partner—"

"Bakit . . . bakit mo ba ginagawa 'to?"

Heto na ba?

Heto na ba ang karma niya matapos lahat ng ginawa niya sa 'kin?

'Yung panggago niya, sapat na ba 'to para sabihing nakahiganti pa rin ako?

Nangilid ang luha ko habang pinagmasdan siyang halos lumuhod sa harapan ko.

I'm not yet satisfied. I want more. I want to see him unable to think clearly because his mind was clouded with thousands of thoughts. I want to see him wrecked but not like this.

Hindi pa nga ako nag-uumpisa, ganito na agad siya.

"Please . . . Xhia—" Duex entered the room furiously before his fist landed on Styx' face. Napasinghal ako matapos makitang dumugo ang ilong ni Styx. Mabilis kong hinarang ang katawan kay Duex nang akmang sasapakin niya ulit si Duex.

"Duex, stop! Please, stop!" paulit-ulit na saad ko pero hindi sila nagpaawat, sinuntok din ni Styx si Duex sa mukha kahit na kita kong hindi siya tuwid tumayo dahil nakainom siya. Halos maubos ang boses ko kakasigaw bago may pumasok na guard sa loob. Nakahawak ako sa dalawang braso ni Duex habang nakaharang ang katawan sa pagitan nilang dalawa. Parehas mabigat ang kanilang hininga at ayaw magpatalo. Masama kong pinukulan ng tingin si Styx na ngayon ay hawak hawak na ng gwardiya.

"Xhia . . ." he whispered when I closed our gap and slapped him.

"'Wag na 'wag ka nang magpapakita sa 'kin."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status