Share

Chapter 3

The Kiss

"I suggest, we expand the casino so we'd attract more tourist since our target are foreigners and businessmen. What do you think Mr. Syruis?" Nanlaki ang mata niya at napaayos ng upo matapos marinig ang sinabi ko. Tsk, tsk. Sabi na at hindi siya nakikinig dahil kanina pa siya nakatitig sa 'kin habang pinaglalaruan ang kanyang ballpen. Ngumiti siya ng alanganin bago ilibot ang paningin sa mga taong nakaupo sa mahabang lamesa na ngayon ay inaantay ang sasabihin niya. Lahat sila ay nasa kanya ang atensyon kaya hindi ko maiwasang mapangisi.

"I agree with uhm, Ms. Xedler. That's nice suggestion." Tumango ako bago nagpatuloy. I need to earn their trust as soon as possible. Lahat sila ay nagdadalawang-isip pa sa kakayahan ko pero hindi ko hahayaang maging gano'n lang ang tingin nila sa 'kin sa paglipas ng panahon.

Umupo ako sa swivel chair habang pumipirma ng mga papel na inabot ng secretary ko, hindi pa rin ako kumakain kaya ramdam ko ang pagkalam ng sikmura ko pero hindi ko 'yon pinagtuunan ng pansin at nagpatuloy ngunit naagaw ni Styx ang atensyon ko na ngayon ay walang hiyang nakakatitig sa 'kin.

My brows furrowed.

"What?"

"Wala," he mouthed and shook his head. I sighed and continued my business.

Nag-resume ang meeting matapos ang limang minutong break, lalabas na sana ako ng meeting room but someone grabbed my hand and pulled me closer to him, his manly scent reached my nose.

Nilibot ko muna ang paningin sa mga tao ngunit parang wala naman silang pake at may kanya-kanyang ginagawa.

"Styx, ano ba?!" mahinang asik ko.

"Let's talk, please," aniya.

Tumango ako at naunang maglakad papasok ng sarili kong opisina. Kahapon lang ay nakalipat na 'ko rito at inaasahan ko nang mangungulit si Styx lalo na't mapapadalas ang pagkikita namin. Hindi naman problema sa 'kin 'yon because everything was in favor to me.

"5 minutes, Mr. Styx. You have my 5 minutes now," I said casually before sitting at my chair. Ginulo naman niya ang buhok niya maging ang pagkakaayos ng itim na necktie bago itinuon sa 'kin ang mapupungay niyang mata.

"Xhia . . ." He stepped forwad, he was now standing closed to me.

"I-I'm sorry. I didn't know. I swear, pinahanap kita–"

"Forgiven," I cut him off. His eyes grew bigger and his mouth left hanging open. He blinked twice before processing what I've just said.

"W-What?" hindi makapaniwalang usal niya at mas lalong pinaglapit ang distansya namin. Ngumiti ako at tumayo para pantayan siya. Nangingilid ang luha na hinawakan niya ang dalawang pisngi ko at pinagdikit ang noo namin.

"That fast?" Hindi pa rin siya makapaniwala.

I nodded "Ayaw mo ba?" natatawa kunwareng saad ko.

"N-No. I'm just surprised. I thought you're mad at me."

"Yes I am." Hinaplos ko ang pisngi niya at agad siyang pumikit na tila ba dinarama ang pagdampi ng balat namin.

"Styx, parang hindi mo naman ako kilala. You know that I easily forgive people." Lies.

Ngumiti siya at akmang ipaglalapit ang labi namin pero mabilis ko siyang tinulak at sinamaan ng tingin.

"But I would never forget what they did to me, the reasons why I suffer." I almost choked my words.

Naguguluhang tumingin siya sa 'kin.

"Leave," mariing utos ko pero hindi siya nagpatinag at hinawakan ang dalawang kamay ko.

"Xhia, pinagsisihan ko na lahat. I promised, gagawin ko ang lahat para mapatawad mo 'ko. I know you suffered . . . a lot." Lumunok siya. Namumula ang mata at may luha sa gilid ng mata.

"Liligawan kita ulit, hindi ako mag-sasawang—" Naririndi na ako sa mga sinasabi niya kaya itinulak siya papalayo sa 'kin habang nanginginig ang kamao.

"Kingina, tama na! Hindi porket pinatawad kita ay ayos na lahat! Styx, niloko mo 'ko at ginago at may lakas ka pa ng loob ngayong sabihin 'yan? Hindi ka ba nahihiya? Saan ka kumukuha ng lakas ng loob para magpakita pa sa 'kin? Hindi porket minsan nang umikot ang mundo ko sa 'yo ay habang buhay nang gano'n! Minsan na akong nagpakatanga at habang buhay kong pagsisisihan ang bagay na 'yon." Nangilid ang luha ko habang nakatingin sa kanya. Nagsimulang pumatak ang mga luha niya at kumibot-kibot ang labi. Sinubukan niyang muling hawakan ang kamay ko pero umiwas ako.

"K-Kasi naging dahilan 'yon para mawasak ako higit pa sa inaasahan ko, Styx," nanghihinang dagdag ko.

Ilang beses pa siyang umiling bago nagtangkang hawakan ang kamay ko at sa pagkakataong ito ay hindi ko siya tinaboy. Iniangat niya 'yon sa labi niya at tumitig sa akin nang may mapupungay na mata. Pinatakan niya ulit ng halik ang kamao ko bago pinagdikit ang aming noo. Pumikit ako para ikalma ang sarili at nagpasalamat ng tahimik dahil ni-isang patak ng luha ay walang nawala sa 'kin. I would never let him see me miserable, not again.

"Mahal na mahal kita Xhia," puno ng lambing sa sambit niya at pinatakan ng halik ang noo ko.

"S-Styx," kinakabahang saad ko nang halikan niya rin ang tungki ng ilong ko. Ilang beses akong napalunok dahil nag-iba ang ihip ng hangin sa opisina ko. Bukas ang Aircon at maayos naman pero pakiramdam ko ay napakainit sa apat na sulok ng aking opisina. Dagdag pa ang tanging paghinga lang namin ang naririnig ko.

"Yes?" he whispered while kissing both of my cheeks, I blushed.

"B-But you cheat—" He didn't let me finish, our lips met and his mouth moved aggressively. I closed my eyes as  I gasped but he started pinching my waist that made my mouth agape. He didn't waste a time and pushed his tongue inside my mouth. I couldn't push him and just let him explore every inch of my mouth. Tahimik akong napaungol dahil patuloy niyang pinipisil ang bewang ko at inanggulo ang mukha para mas lalong mapalalim ang halik.

Pumikit ako at ginantihan ang paghalik niya, tumaas ang kamay niya at inilagay 'yon sa batok ko para mas mapalalim ang aming halikan. He knocked his tongue on my teeth and tasted every corner of my mouth. Mahina akong napapadaing sa tuwing lumalapat ang kamay niya sa bewang ko at doon pumipisil. Hindi ko na kinaya at naitulak siya para maghabol ng hininga, parehas kaming hinihingal at alam kong sa oras na 'to ay pulang-pula ang mukha ko. Tumititig siya sa mata ko na para bang lasing na lasing sa pinagsaluhang halik namin. Hindi pa rin nawawala sa bibig ko ang lasa ng pinaghalong alak at laway niya.

"Xhia . . ." muling bulong niya at pinatakan ng halik ang labi ko. "I fucking hate myself for losing you." He bit my lip and pulled it teasingly.

"And I will never let that happen again. I will make sure na mapapasakin ka ulit." Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Inilagay ko ang kamao sa dibdib niya nang akmang hahalikan niya muli ako.

"N-Nakakailan ka na, ah." I stuttered. Napapikit ako nang maramdamang halos mabuwal ako sa kinatatayuan dahil sa panghihina ng tuhod.

"Lumayo ka nga," utos ko na ako rin naman ang gumawa. Umupo ako sa office chair at iniwas ang tingin sa kanya. Ramdam ko pa rin ang pangangamatis ng mukha ko at hindi makapaniwala sa ginawa ko kanina. He kissed me and I respond. I fucking respond!

"May schedule ka ba mamayang gabi?" Dumantay siya sa table ko at sinilip ang mukha ko. Inis ko siyang tinarayan at nilayo ang mukha sa kanya dahilan para matawa siya.

"Bakit?" Pinaningkitan ko siya ng mata. Wala naman akong gagawin mamayang gabi.

"Let's have a dinner." Bahagya akong natigilan pero hindi ako nagpahalata. Pasimple akong ngumisi bago ginalaw ang mga daliri sa lamesa dahilan para maglikha 'yon ng ingay sa pagitan namin.

"I'm busy," I replied casually. His forehead creased. Pinamulsa niya rin ang kamay niya at pikon na tumingin sa 'kin. Same old Styx. Hindi pumapayag na hindi masunod ang gusto.

He sighed. "Please."

"Okay, 7PM  sharp," mabilis na saad ko at napa 'yes' naman siya at mabilis na niyakap ako sa sobrang saya. Palihim akong natawa kaya nakagat ko ang labi para tahimik na nagc-celebrate.

Walang pinagbago, uto-uto pa rin ang gago.

6:50 PM pa lang ay dumating na 'ko sa mall kung saan kami magkikita, ako ang pumili ng lugar kung saan dahil alam kong sa mamahaling restaurant na naman niya 'ko dadalhin. Hindi sa mapili ako but I prefer  eating in a fast food chains because I felt like I was on the same level with the people around me.

Nagsimula na akong maglakad papasok ng mall nang may humawak sa braso ko, iwawaksi ko sana 'yon pero naamoy ko agad ang pamilyar niyang pabango.

"I miss you," malambing niyang saad at hinalikan ang noo ko. Napapikit naman ako sa ginawa niya.

"Let's go?" I nodded and he clasped our hands together. Napatingin ako roon at palihim na napangiti. I'm sure Duex is proud of me for accomplishing our first plan.

Pagpasok namin sa loob ng mall ay maraming tao ang sumalubong sa amin na nagmamadaling pumunta sa iisang direksyon. Nagkatinginan kami ni Styx dahil nakarinig kami ng ingay sa bandang baba ng mall. Sinubukan naming lumapit sa escalator para sumilip at isang pamilyar na musika ang narinig namin habang magkahawak kamay kaming nakamasid sa isang lalaking kumakanta sa stage.

'At sa paglisan ng araw, akala'y 'di ka mahal

At ang nadarama'y hindi magtatagal

Malay ko bang hindi magpapagal

Iibigin kita kahit ga'no pa katagal'

Pamilyar ang mukha niya sa 'kin. Artista siguro dahil may mga kabataang hawak ang isang poster at nandoon ang mukha niya. Ngumiwi ako dahil nagtitilian na ang mga kababaihan.

'Tumingin ka sa 'king mga mata

At hindi mo na kailangan pang'

Humigpit ang hawak sa kamay ko ni Styx dahilan para mapatingin ako sa kanya. Nakita ko ang pagbusangot ng mukha niya at tila ba naiinis.

"Bakit?" takang tanong ko dahil bigla na lang nag-iba ang timpla ng mukha niya.

"He's looking at you," puno ng pait na saad niya kaya muling bumalik ang tingin ko sa lalaking nasa stage. Totoo, nakatingin siya sa direksyon namin pero hindi sa akin mismong nakatingin. Sa babaeng katabi ko na tulala ring nakatingin sa kanya.

Tsk. I mentally laughed. They looked cute.

"Halika na nga." Hinatak ako ni Styx papalayo roon nang nakabusangot ang mukha. Pigil naman ang tawa ko dahil masyadong bata para sa 'kin ang lalaking iyon at saka hindi ko rin siya kilala.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko pero hindi niya 'ko pinansin at may binubulong-bulong pa na hindi ko naman naririnig.

"Hoy, Styx, kung ganiyan ka rin naman mas mabuting umuwi na 'ko." Akmang hihiwalay ako sa kamay niya ngunit mabilis niyang hinigpitan ang hawak doon at hinila ako papunta sa isang kainan. Napangisi ako dahil nakabusangot pa rin siya pero agad napawi 'yon dahil naalala kong umaarte lang din naman pala ako.

Seloso.

_________________________________________

Song Used : Ikaw lang by Nobita

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status