Share

Chapter 16.1-Take the Bait

[Damon Cahill]

"Buhay pa ba 'yan?"

"Buhay pa, boss. Gumagalaw pa, eh."

"Tirahin na natin 'yan. Ang angas, eh."

"H-Huwag..." Umubo ako nang may kasamang dugo, pilit kong hinahabol ang aking paghinga. "M-May kapatid ako..."

"Pa'no 'yan? Wala kaming pakialam!" Nangibabaw ang mala-demonyong pagtawa ng lalake.

"Tapusin na natin 'yan!"

Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang pagbaon ng matulis na bagay sa sikmura ko. Paulit-ulit 'yon at wala akong ibang nagawa kundi ang sumigaw sa sakit.

Biglaan ang pagbangon ko habang naghahabol ng hininga. Tumutulo pa ang pawis mula sa noo ko.

Luminga ako sa buong paligid at kaagad akong nasilaw sa liwanag ng araw na sumisilip sa bintana ng sala. Unti-unti kong naalala ang nangyari kagabi: ang pagsugod ni Leon, ang pagpapakain niya ng bulaklak kay Yuri at ang pagsaksak niya sa akin.

Kaagad kong tiningnan ang sugat sa hita ko at nakitang magaling na 'yon.

"Yuri?" tawag ko sa kaniya nang makitang nakahandusay siya sa sahig, hindi gumagalaw.

Gumapang ako palapi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status