Share

Kabanata 118

'Hindi niya matatakasan ang alitan nila ni Pearl.'

Sa loob ng kotse…

Minaneho ni Nolan ang kotse pabalik sa Goldmann mansion. Si Maisie na nakaupo sa passenger seat ay nakadungaw lang sa bintana.

'Hindi pa nagsasalita ang lalaking ito. Mabuti o masamang bagay ba iyon?'

Nang ihinto nito ang sasakyan sa isang red light intersection, lumingon si Nolan sa kaniya, nagliliyab ang mga mata nito.

Naramdaman iyon ni Maisie. Lumingon siya at pinantayan ang tingin nito. " Mr. Goldmann, pwede ko bang malaman kung bakit mo ako tinitingnan nang ganiyan?"

Bahagyang tumaas ang mga kilay nito. "Kailangan ko ba ng rason para tingnan ang girlfriend ko?"

Ngumisi si Maisie. "Delikadong trabaho ang pagiging girlfriend mo. Sa tingin ko ay hindi mo sasabihin iyan kung ako ang babaeng nasa lounge kanina."

Nagdilim ang mga mata ni Nolan.

'Anong gagawin ko kung siya nga talaga ang babae sa lounge? Baka mapatay ko lahat ng lalaking humawak sa kaniya.'

Umiwas siya ng tingin at ngumiti nang maliit
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Manilyn Tesorero Magno
update po please ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status