Hindi inaasahan, walang sakit na naramdaman si Cameron.Binuksan ni Cameron ang mata niya at napansin na nakahiga siya sa ibabaw ni Waylon. May sponge mat sa ilalim nila, parang sadyang nilagay doon para kung sakaling may mangyari na masama.Dahan-dahang bumalik si Cameron sa katotohanan. “Ikaw…”Biglang umikot si Waylon, inibabawam niya si Cameron, at tiningnan niya ito sa mukha. “Nahulog ka sa ring. Talo.”Ilang sandaling napahinto si Cameron. “Sinadya mo yun gawin?” Ngumiti si Waylon pero hindi siya nagsalita.Tinulak siya ni Cameron at umupo siya. “Hindi ka rin naman nanalo.”Tumawa si Waylon. “Hindi ko naman sinabi na kailangan ko manalo. Pumusta lang ako na matatalo ka.”Hindi nakapagsalita si Cameron kasi parang naloko siya. Sinuntok niya ang balikat ni Waylon, natumba siya pabalik sa mat na para bang nasaktan talaga siya. Napansin ni Cameron na malakas ang suntok niya kaya agad niyang tinanong si Waylon. “Hoy, ayos ka lang?”Hindi nagsalita si Waylon.Nag-aalala si
Kalmadong sinabi ni Sunny, “Ngayon na natapos na lahat, ligtas na ako. Hindi mo kailangan mag-alala. Nandito naman sila Mahina, yung butler, at si Damian. Mas magiging ligtas ako pag wala ka rito.”Binaba ni Daisie ang kubyertos niya at tumayo. “Sir, Cameron, tapos na ako. Titingnan ko muna sila.”Iniwan niya ang lugar para sa mag-ama.Nang umalis na si Daisie, seryoso na tinanong ni Sunny si Cameron. “Anong tingin mo kay Willie?” Tumingin si Cameron sa paligid. “Anong ibig mong sabihin?” “Sa tingin mo ba hindi ko alam? May nangyayari sa pagitan niyong dalawa, at may nararamdaman siya para sayo.” Sobrang seryoso ni Sunny. Nagulat si Cameron. “Hindi yan totoo.”‘May feelings si Wayne para sa akin?’“Ikaw lang ang nakakaalam kung may kwenta ba yun o wala.” Kinuha ni Sunny ang napkin at pinahid sa kaniyang labi. “Isipin mo ang nararamdaman mo pag magkasama kayo at isipin mo rin kung ano ang nararamdaman mo pag ibang member ang kasama mo.”Matapos iyon, kinuha ni Sunny ang tung
Si Sunny na nakita ang nangyari ay nakayuko sa likod ng pader.Sobrang namumula ang mukha ni Cameron. Sobrang nahihiya siya at tumakbo siya papasok ng bahay.Hinawakan ni Waylon ang kaniyang pisngi dahil hindi na siya nakapagpigil…Tumakbo si Cameron papunta sa study at binuksan ang pinto.Nakaupo si Sunny sa likod ng mesa at nagbabasa ng dyaryo, nagpanggap siya na parang walang nangyari. Lumapit si Cameron at tinaas ang kamay niya. “Ibigay mo sa akin ang phone mo.”Tumingin si Sunny at ngumisi. “Bakit? Ganyan ka ba makipag-usap sa Dad mo? Titingnan mo ang phone ko? Hindi pwede.”Humalukipkip si Cameron. “Hindi mo yan buburahin?”Umiwas ng tingin si Sunny at bumulong, “Hindi, may picture na ako ng son-in-law ko. Nakakahiya naman na buburahin ko ito dahil lang sa sinabi mo.”Nagulat si Cameron. “Son-in-law…”Ngumisi si Sunny at tinupi ang dyaryo. “Tinanggap ko na siya kaya hindi mo siya tatanggihan.”Matapos iyon, dagdag pa ni Sunny. “Mabuti siyang lalaki. Kahit si Minzy ay ma
Hindi ako makapaniwala.Kinamot ni Daisie ang pisngi niya. “Ano bang gusto mo?”Sabi ni Sunny, “Wala naman masyado. Gusto ko lang naman na makahanap ng lalaki si Cam na bagay sa kaniya. Sa tingin ko mabuting lalaki ang kapatid mo, at sana hindi ako mali tungkol doon.”Agad na nakaramdam ng guilt si Daisie. “Pero parang ayaw naman ni Cameron n pumunta ng Bassburgh. Hindi ko alam kung magandang ideya ba na pilitin siyang pumunta.”Kahit na ginawa naman ito ni Sunny para sa kasiyahan ni Cameron, parang hindi tama na pilitin niya na pumunta si Cameron sa Bassburgh para sa kaniyang kapatid. Ngumiti si Sunny. “Walang makakapilit sa kaniya gawin ang bagay na ayaw niyang gawin. Wala akong ideya paano pero paano kung gusto niya pumunta?” At least hindi siya pinilit na pumunta.Kahit na niloko nila si Cameron, wala namang punto lahat kung hindi siya willing. Kilala ni Sunny ang anak niya ng sobra.Ayaw ni Cameron na aminin sa kahit na sino ang nararamdaman niya.Kinabukasan, matapos m
Lumapit si Daisie kay Cameron at umupo sa tabi niya. “Tama ka.”Yumuko si Cameron habang nalulunod siya sa pag-iisip. “Pero hindi ka sinamahan ng kuya mo, habang ang pangalawang kapatid mo ay sinamahan ka nang mag-aral ka sa Yaramoor?”Tumawa siya at sumagot, “Oo, hindi namin kasama ang kuya ko. Nakatira siya sa Stoslo at pumunta lang siya sa Yaramoor para samahan kami pagkatapos mag-aral.”“I see…”Lumapit si Daisie sa kaniya at tinanong, “Bakit parang ang dating sa akin ay interesado ka sa kuya ko?”Nagulat si Cameron at tinagilid ang ulo. “Imposible yan. Hindi ako magiging interesado sa kuya mo.”Pinili ni Daisie na huwag siyang ibunyag. May naisip siya at kinuha ang phone niya. “Hayaan mong pakitaan kita ng ilang picture.”“Anong mga picture?” tanong ni Cameron.Tiningnan ni Daisie ang album niya at inabot kay Cameron ang phone.Kinuha yon ni Cameron at nagulat siya nang tiningnan ang mga ‘yon.“Ito…”“Ito ang picture noong celebrity pa kami ng kuya ko nang bata kami. A
Kahit na walang pakialam si Nollace tungkol doon, siya ang tanging anak ng Knowles. Paano kung lalaki ang gusto ng parents niya?Nagsimulang mag-isip si Daisie nang mga dramatic na eksena kung saan lalaki lang ang gusto ng mayaman na pamilya sa isip niya.Hinaplos ni Nollace ang pisngi niya at tumawa. “Huwag kang ma-alala. Gusto ng parents ko ng babae. Tingnan mo ang mom ko. Mas gusto ka niya kaysa sa akin.”Yumuko si Daisie at tiningnan ang sugat ng kutsilyo sa katawan nito. Hinaplos niya ang daliri niya sa subat at naisip niya na nakuha niya siguro ‘yon noong nawala siya. “Masakit, ano?”Hinawakan ni Nollace ang kamay niya at hinalikan ang noo niya. “Wala ‘to kumpara sa panganganak.”Nagulat siya sandali. Pagkatapos, sumandal siya sa kaniyang dibdib at sinabing, “Kung hindi ka natatakot sa sakit, hindi rin ako.”Tumawa siya. “Nag-aalala lang ako na baka umiyak ka.”Natahimik si Daisie.Samantala, nanatili si Cameron sa cabin niya hanggang gabi. Nagugutom siya kaya lumabas siy
“Aray…”Habang unti-unting bumabalik ang malay ni Maisie, tanging ang pumipintig lamang niyang ulo at masakit niyang katawan ang kaniyang nararamdaman, para bang nabangga siya ng sasakyan. Nagsalubong ang mga kilay niya sa sakit ngunit wala siyang lakas para labanan ito.Halos hindi niya maaninag ang anino ng lalaking nasa dilim ngunit naamoy niya ang kakaiba nitong Gucci cologne, binabalot nito ang hangin sa paligid.Nanatiling tahimik ang lalaki habang dinidikit nito ang katawan sa kaniya, hinahalikan at dinidilaan ang kaniyang makinis na leeg…Kasabay nang bukang-liwayway, suminag na ang araw.Biglang idinilat ni Maisie ang kaniyang mga mata. Nagulantang siya nang makita niya ang sariling nakahubad sa kama katabi ang isang taong hindi niya nakikilala. Nakatalikod ito sa kaniya.Namutla ang mukha ni Maisie nang bumalik sa kaniya ang mga alaala mula kagabi. Hindi iyon panaginip lang!Paano siya napunta rito?Ang tanging naaalala lang ni Maise mula sa mga nangyari kagabi ay nag
Sa airport ng royal capital of Bassburgh…Sa gitna ng hindi mabilang na mga turista, isang mag-ina ang lumabas. Lahat ng tao ay nakatingin sa kanila.Ang totoo, isang ina at tatlong magagandang bata ang kasama niya.Mahinhin at napakaganda ng babae. Ang kumuha sa atensyon ng mga tao ay ang napakagandang batang babae na buhat-buhat nito sa isang braso. Kulot at makapal ang buhok ng batang babae, dahilan para magmukha siyang manika.Ang dalawang magkamukhang dalawang batang lalaki na sumusunod sa kaniya ay napakaganda rin ng features ng mukha, isang pares ng makikinang at kulay amber na mga mata, kulay dark brown na buhok, at napakaputing mga balat. Parang hindi sila totoo!Inalis ng babaeng nakatayo sa harapan ng BMW ang kaniyang sunglasses. Pinapanood niya si Maisie Vanderbilt na karga-karga ang isang bata at ang dalawa pang nakasunod rito, napasingjap siya sa gulat. “Grabe, Zee! Tatlo kaagad ang anak mo sa isang pagbubuntis lang?”Wala siyang masabi nang makita niya ang apat! Hi