Pagkatapos sabihin yon, idinagdag niya, “Huwag ka mag-alala, hindi ko idadamay si Daisie.”Nakatikom ang labi ni Colton nang ilang sandali. “Gaano kalakas ang loob mo?”Ngumiti siya at umangat ang tingin. “Nag aalala ka ba sa akin, Colton?”Pinatunog ni Colton ang dila niya at humalukipkip. “Hindi ako nag aalala sa'yo. Magiging biyuda si Daisie kapag hindi ka nag ingat at mamatay ka. Ayaw kong makita siyang mabyuda sa ganitong edad dahil sa'yo.”Kinuha ni Nollace ang tasa at walang sinabi. Tumayo si Colton. “Kung kailangan mo ng tulong, magsabi ka lang. Huwag kang mamatay.”Gumalaw ang sulok ng labi ni Nollace nang marinig yon at sumimsim siya ng tsaa.…Hinahanap ni Daisie si James para kausapin siya sa pagkuha ng role pero nang makapasok siya sa studio, nakita niya si Freyja na nagbubuhat ng kahon.Lumapit siya agad, tinulungan siya sa mga kahon at pinagalitan, “Freyja! Hindi ba't naka-leave ka? Bakit bigla kang bumalik sa trabaho? At bakit ka nagbubuhat ng mabigat na kart
Inangat ni Freyja ang kamay niya at hinaplos ang kaniyang buhok. “Hindi ka sasaktan ng nanny sa bahay, kaya maging matapang ka at huwag ka na matakot, okay?”Hindi nagsalita si Deedee.“Mr. Goldmann.” Biglang tumabi ang nanny at magalang na tumango.Inabot ni Colton ang suit nita sa nanny at kinuha yon ng nanny at umalis. Tinanggal niya ang butones ng cuff niya at lumapit. “Anong problema?”May sinabi si Freyja kay Deedee at tumingin si Deedee kay Colton bago umakyat.Tumayo siya, humarap, at tumitig kay Colton. “Natatakot pa rin si Deedee. Hindi siya sumusunod sa kahit sinong hindi niya kilala.”Tumingin si Colton sa taas. “Baka pwede tayong humanap ng therapist na makakatulong sa kaniya.”Pagkatapos sabihin yon, humarap siya at tumingin kay Freyja. “Buntis ka ngayon at kailangan mo pa siyang bigyan ng oras para alagaan. At bukod pa doon, ayaw niyang magpaalaga sa nanny. Kaya kapag hindi natin siya bigyan ng tamang gabay, baka makaapekto yon sa future.”Nagulat si Freyja.Ina
Pumunta si James sa RV kasama si Daisie at tinanong kung bakit si Daisie lang ang nakita niya. “Bakit wala pa si Freyja?”Hindi niya nakita si Freyja mula nang pinubliko ni Colton ang relasyon nila.Pero kung karelasyon niya si Colton, hindi niya na kailangan magtrabaho bilang assistant.Kinuha ni Daisie ang script sa bag niya, natigil, at inangat ang kaniyang kilay. “Buntis si Freyja kaya hindi ko siya pwedeng patulungin sa lahat ng bagay.”Nagulat si James. “Ano?”‘Buntis siya?’Nakita ni Daisie ang lungkot sa mata niya at naawa siya kay James. Hindi pa rin ba siya sumusuko?Huminga siya nang malalim at iniba ang usapan. “Alam mo ang tungkol sa bagong pelikula ni Director Fallon? Kinunan kita ng role doon.”Nagulat si James. “Huh?”“Ngayong kinansela ng dad mo ang card mi, kailangan mong kumita ng pera.” Pagkatapos sabihin yon, nagpatuloy si Daisie. “Pinapangako ko na ang character na ‘to ang makakatulong sa'yo na makawala sa typecast.”Ngumiti siya at nilagay ang kamay sa
Gusto ni James na paisa-isang hakbang at mamuhay nang ganoon.Siya ang nag-iisang anak ng Tell family kaya kanino ibibigay ng dad niya ang pamana kung hindi sa kaniya?Pero tumusok sa puso niya ang sinabi ni Daisie.Tama siya dahil lagi siyang pinipilit ng dad niya na gawin ang bagay na hindi niya gusto. Parte rin ng plano ng dad niya ang acting career niya.Hindi pumapayag ang dad niya sa gusto niyang gawin. Wala siyang magawa dahil lahat ng gastos, pagkain, at damit niya ay binayaran ng dad niya.Nakita ni Daisie na nagdadalawang isip siya at alam niyang hindi gagana ang payo sa kaniya kaya gumawa siya ng sariling paraan.Lumapit siya at tinanong, “Ayaw mo bang umarte sa character na sinulat ni Freyja?”Namula ang mukha niya at napaatras. “Anong sinasabi mo?”Hindi napagtanto ni Daisie na inosente si James at namumula kaya tumawa siya. “Alam ko na may gusto ka kay Freyja at kahit na sister-in-law ko na siya ngayon, naka-base ang script na ‘to sa novel na sinulat niya.”Natig
Nakahinga nang maluwag si Daisie dahil masaya siya na hindi naniwala doon si Nollace.Bigla siyang hinila ni Nollace sa bisig niya at dinikit ang bahagya niyang malamig na kamay sa pisngi ni Daisie. “Pero hindi ka ba magpapaliwanag?”Nagsimula siyang magpawis. Sinabi niyang hindi siya naniniwala pero galit siya!“Kaibigan ko lang si Zephy.”“Zephy…” Nag-iba ang ekspresyon ni Nollace pagkatapos ay inangat ang baba ni Daisie. “Akala ko ako lang ang tatawagin mo sa ganoong paraan.”Hindi siya mukhang galit pero nararamdaman ni Daisie na nagiging tricky yon, kaya hinawakan niya ang kamay ni Nollace at kabado. “Iba yon. Kaibigan lang ang tingin ko sa kaniya.”Lumapit si Nollace sa kaniya. “Kailan kayo nagkakilala?”Nag-iwas ng tingin si Daisie. “Bumalik ka sa Yaramoor kaya may karapatan ako na kumilala ng ibang tao.”Nagsimula siyang mainis nang sabihin niya yon.Nakatikom ang labi ni Nollace dahil galit pa rin si Daisie tungkol sa sinabi niya noon.Hindi niya gustong idamay si Da
Nabusog si Daisie at ibinaba na ang kubyertos niya. “Nolly, may pakialam ka ba sa sinasabi ng mga tao sa online?”Tumingin si Nollace at hinawakan ang mukha niya pagkatapos nang ilang sandaling pagtigil. “Wala kasi ako ang nasa tabi mo.”Nabuo ang mga espekulasyon na ‘yon.Mukhang bahagyang dismayado si Daisie.Hinihiling niyang mailabas sa publiko ang mga bagay kahit na malaman ni Donald. Mas mabuti yon dahil magagawa nila ang lahat ni Nollace kaysa sa pagtago sa kaniya tuwing may problema na dumadating.Lumapit si Nollace sa kaniya dahil parang napansin niya ang emosyon ni Daisie at nilagay ang kamay sa ulo niya. “Magkakaroon tayo ng pagkakataon na maging public. Kapag nangyari ‘yon, ipapaalam mo sa buong mundo na ako ang lalaki na nasa likod ni Ms. Best Actress.”Tumingin si Daisie sa liwanag ng mata ni Nollace at nakita ang sarili niya doon. “Haharapin mo ba si Donald?”Hindi siya nagsalita.Nag-iwas ng tingin si Daisie. “Sabi ko na nga ba. May rason sa likod ng candlelight
Pagkatapos umalis ni Nollace sa Bassburgh, bumalik si Daisie sa Goldmann mansion.Malungkot sa Taylorton kapag wala si Nollace doon. Mag-isa lang siya at bukod pa doon, nag-aalala siya nang lubos sa kaniya.Napansin ni Freyja na maraming iniisip si Daisie kaya umupo siya sa tabi niya. “Hindi hahayaan ni Nollace na may mangyari sa kaniya. Matalino siyang tao kaya sigurado akong may kumpiyansa siya.”Kinuha ni Daisie ang kape at uminom bago sinabing. “Sa tingin niya ba kaya niyang gawin lahat?”Ngumisi si Freyja. “Hindi siya nabigong gawin ang lahat ng gusto niya. Alam mo ‘yan.”Nakatikom ang labi ni Daisie at hindi sumagot.Sa oras na yon, nakatanggap ng tawag si Freyja. May sinabi ang nasa kabilang linya dahilan para magbago ang ekspresyon niya at mapatayo. “Ano? Nawawala si Deedee?Magkasamang pumunta si Daisie at Freyja sa Seaview Villa. Nilibot na ng nanny ang bawat sulok ng bahay pero hindi niya mahanap si Deedee.Lumabas si Freyja sa sasakyan at hinawakan ang balikat ng n
Agad lumapit si Colton para saluhin si Freyja at maiwasan na bumagsak siya.Mahigpit siyang kumunot. “Deedee, bakit mo tinulak ang tita mo?”Natakot si Deedee sa galit na tingin ni Colton. Umatras siya kaunti at kinagat ang labi niya para pigilan ang sarili niya na umiyak.Huminga nang malalim si Freyja at nilapitan ulit si Deedee. Hininaan niya ang kaniyang boses at sinabing, “Deedee, pasensya na. Hindi ko dapat nilakasan ang boses ko. Sobrang nag-alala lang ako sa'yo.”Tinulak ni Deedee ang kamay niya at umiyak, “Ayaw sa'kin ng magulang ko at ngayon ayaw mo na rin sa'kin.”Nagulat si Freyja. “Deedee, hindi ko sinabi na ayaw ko sa'yo—”“Sinungaling! Narinig ko ang lahat ng sinabi mo nung gabi! Papaalisin mo ako!” Umupo si Deedee sa sahig at umiyak nang malakas.Tumigil sa pagtibok ang puso ni Freyja at nanikip ang dibdib niya.Hindi niya inakala na maririnig ni Deedee ang lahat ng sinabi niya noong gabi na yon. Kaya naisip niya na ayaw na sa kaniya at iiwan na siya. Pero aya