Tumingin si Waylon sa kaniya at ngumiti.Samantala, sa Southwest Villas…“Ano? Babae si Cameron?”Nagulat din si Fabio nang marinig din ‘yon.Nag-iisang anak na lalaki ni Sunny si Cameron at alam ng lahat nang nasa isla ‘yon. Pero, ang ‘lalaking anak’ na ‘yon ay babae pala.Tumingin sa kaniya ang bodyguard na nagsabi sa kaniya ‘non. “Tinanggap ‘yon ng lahat sa Southern Clan. Sinubukan ni Andrei na gawin yon para makaangat pero walang pakialam si Mr. Southern Sr.”Nagdilim ang mukha ni Fabio. “Naging aso na talaga ni Donald si Andrei. Hindi masyadong kilala ni Donald si Sunny. Nakakatawa na inisip niya na magpapakumbaba si Sunny dahil sa ginawa niya.”Hindi siya nag ingat kay Donald.Kung alam niya lang hindi niya sana hinayaan na manatili siya sa isla. Hindi lang siya sinamantala ni Donald kundi sinubukan din na agawin ang lugar niya.Kaya pumunta sa Southern Clan ang mga killer na kinuha ni Manuel sa Skull Club para patayin si Cameron. Dahil ‘yon sa may nakuha si Donald sa ka
Kung wala si Nollace, baka hindi manalo ang Southern Clan sa laban na ito kay Donald dahil kahit na kaya nilang paikutin si Fabio, hindi nila ‘yon magagawa kay Donald.Si Nollace ang nakakaintindi sa kaniya sa lahat. Kahit na mawala kay Fabio at umangat si Donald, makakaatake si Nollace habang hindi handa si Donald.Pagkalipas ng ilang araw, nilamon ng apoy ang Parkin warehouse. Ang dating glamorosong Chamber of Commerce ay isa na lang abo nang pinapatay ng mga bumbero ang apoy. Mabuti na lang at walang nasaktan.Nang malaman ‘yon ni Fabio, nagalit siya. “Bakit biglang magsisimula ang apoy doon? Nasaan si Gail? Sabihan mo siya na pumunta sa akin!”Nakayuko ang iba at hindi nagsalita. Isa sa mga lalaki ang maingat na sumagot, “Nawawala si… Ms. Leroy.”Hinawakan ni Fabio ang kwelyo niya. “Anong ibig mong sabihin?”Umiling ang lalaki at sinabing, “Biglang nawala si Ms. Leroy at hindi namin siya matawagan.”“Masamang balita!”May pumuntang bodyguard sa study, hinihingal. “Natigil a
Naglalaro si Sunny at Waylon ng chess sa study nang biglang may kumatok sa pinto.Pumasok si Mahina at tumayo sa tabi nila. “Sir, nasunog ang buong Parkin.”Nalaglag ang pain ni Sunny sa board at ngumiti siya. “Mabilis gumalaw si Ms. Quinn.”Ngumiti si Waylon. “Matatapos ang pera ni Puzo sa pagkasira ng Parkin. Malulunog siya sa utang at bukod pa doon, aatakihin siya ni Donald. Hindi siya magtatagal.”Biglang tumayo ang butler sa pinto. “Sir.”Humarap siya at nakita na may nakatayo sa likod ng butler. Si Mateo ‘yon.Pumasok si Mateo sa kwarto at tumango. “Sir.”“Hindi ba…” Nagulat si Sunny at tumayo. “Buhay ka pa?”Malungkot na ngumiti si Mateo at mabagal na sinabing, “Akala ko rin ay mamamatay na ako. Nang pinadala ni Fabio si Gail para patayin ako, ginilitan ko sa leeg ang tao na ‘yon. Nasaktan lahat at masama rin ang natamo ko.“Hindi ko alam kung bakit pero tinulungan ako ni Gail sa huli. Naghanap siya ng matataguan ko at sinabi sa lahat na katawan ko ang bangkay ng lalaki
“Interesado ka ba sa akin?”Namula si Minzy sa biglang pag direkta ni Waylon at nakangiting yumuko. “Napatigil ako nang makita kita. Sa tingin ko ganoon ang pakiramdam ng love at first sight.”Walang emosyon na tumingin si Waylon sa paligid. “Anong gusto mo sa akin?”Natigil si Minzy at ngumiti. “Kailangan ko ba ng rason?”“Hindi naman pero sa tingin ko hindi ako ganoon ka gwapo para ma-love at first sight ka sa akin.”“Hindi ka ba confident?” Nagulat siya.Ngumiti siya. “Kung hindi sinadya ni Cameron na sirain ang date niyo at kung lalaki siya, makikipag date ka ba sa kaniya?”Hindi yon masagot ni Minzy dahil kung lalaki si Cameron at hindi sinira ang date, hindi niya alam kung makikipag-date siya sa kaniya. At bago pa niya makita si Waylon non.Malinaw na sinabi ni Minzy. “Kung hindi kita nakita, baka gawin ko. Nakakamangha ang tadhana, ano?”Naningkit si Waylon. “Mukhang maganda ka maging asawa.”Masaya siya. “Sa tingin mo?”Kalmado siyang nagpatulong. “Pero para sa akin
Malaking ang ngiti ni Sunny habang nagtatago sa likod ng pader. Biglang may tumapik sa likod niya, kaya napatalon siya at humarap at nakita niya si Cameron.Humalukipkip si Cameron. Aalis siya suot ang kaniyang pajama kaya nagsuot siya ng jacket para talpan ‘yon at hindi man lang nagsuklay ng kaniyang buhok. “Anong ginagawa mo diyan?”Tumingin siya pero hinila siya ni Sunny. “Mag-ingat ka, huwag mo hayaan na makita ka nila.” Pagkatapos sabihin ‘yon, hindi niya mapigilan na isilip ang ulo niya.Ginaya siya ni Cameron at nagulat. “Hindi ba't si Wayne at Minzy ‘yan? Magka-date na ba sila?”Huminga nang malalim si Sunny para pigilan ang galit niya. “Inaamin niya ang nararamdaman niya.”Nagulat si Cameron. “Ang bilis naman.”Ngumiti si Sunny. “Gusto mo ba lumapit?”Hindi niya man lang naisip ang tungkol doon. “Hindi ako baliw. Bakit ko sila guguluhin?”“Hindi ka ba galit?”“Bakit naman ako magagalit?”Hindi na mapigilan ni Sunny ang galit niya. Umatras siya at sinipa si Cameron na
Walang sinabi si Cameron at nakayuko lang.Mahiwatig na tumawa si Waylon at sinabing, “Hindi sapat ang mana mo para bumili ako ng diners. Wala akong intensyon na kunin ang bahay o lupa mo. At sa mga baboy naman… Hmm, pag-iisipan ko ang tungkol diyan.”Naningkit si Cameron at tinanong, “Interesado ka sa mga baboy?Nakatitig siya kay Cameron at sumagot, “Medyo.”Pakiramdam ni Cameron ay may hindi tama pero hindi niya magpaliwanag ang nararamdaman habang nakatingin sa titig ni Waylon. Nakatitig lang siya sa kaniya hanggang sa may umubo sa paligid. Agad niyang binawi ang kaniyang tingin at humarap para tingnan si Sunny na papalapit sa kanila.Bumuntong hininga si Sunny at umiling. “Hindi ko alam sa inyo pero may nakilala akong klase ng tao na sobrang talino sa ibang bagay pero pagdating sa iba, nagiging tanga na parang baboy.”Tumitig si Cameron kay Sunny at sinabing, “Bakit pakiramdam ko ay ako ang tinutukoy mo?”Inilagay ni Waylon ang daliri niya sa harap ng kaniyang labi. Alam ng
Pero, hinampas ang likod ng ulo niya bago pa man siya makatawag at nawalan ng malay. Pinulot ni Saydie ang phone sa sahig habang nakatayo sa likod at doon niya mapagtanto na gusto nitong tawagan si Donald.…Dumidilim na ang langit pero maliwanag pa rin ag East Island na parang kumikinang na perlas.Ilang barko ang mabagal na gumagalaw sa dagat. Darating sila sa East Island Southern Port sa susunod na dalawang araw.Maliwanag ang cabin at binaba ni Quincy ang kurtina. Tumalikod siya para tingnan ang mga tao na nasa likod niya. “Siguraduhin niyo na low profile lang kayo kapag dumating na sa isla. Huwag kayong magpapahuli.”Sinabi ng mga tao, “Huwag ka mag-alala, gagawin namin. Sasabihin namin sa mga taong makikilala namin na nandito kami para sa negosyo. At saka, iiwan namin dito sa barko ang ilang tauhan bilang backup. Sa ganitong paraan, hindi magdududa ang mga tao sa atin.”Tumango si Quincy. “Magpahinga kayo nang maaga.”Samantala, sa Southern residence…Hindi dinadalaw ng an
Kinuha ni Cameron ang phone niya at tumingin sa screen. “Pwede mo naman sabihin kung gusto mo ng number ko. Hindi mo na kailangan maglihim.”“Paano kung tanggihan mo ako? Hindi ba ako nagmumukhang kawawa?” walang emosyon na sagot ni Waylon.Tiningnan siya ni Cameron at sumagot. “Bakit kita tatanggihan? Phone number lang ‘yan…”Biglang, may sumagi sa isip niya bago pa man matapos ang kaniyang sinasabi. Inangat niya ang kaniyang kilay at tumawa. “Hindi ka ba nag-aalala na buburahin ko ang number mo?”“Wala akong magagawa kung gusto mong burahin ang number ko,” sagot ni Waylon. “Pero tungkol sa cheque…”Nagbago ang ekspresyon ni Cameron at pinatay niya ang phone niya na para bang nag aalala siya na mabura niya nang aksidente ang number ni Waylon.“Huwag kang mag-alala. Hindi ko buburahin.”Naningkit ang mata niya. “Mukhang ako ang kawawa sa kasunduan na ito.”Inilagay ni Cameron ang phone sa bulsa niya at sinabing, “Pareho lang tayo. Hindi mo na kailangan linawin ang pagkakaiba sa