Malaking ang ngiti ni Sunny habang nagtatago sa likod ng pader. Biglang may tumapik sa likod niya, kaya napatalon siya at humarap at nakita niya si Cameron.Humalukipkip si Cameron. Aalis siya suot ang kaniyang pajama kaya nagsuot siya ng jacket para talpan ‘yon at hindi man lang nagsuklay ng kaniyang buhok. “Anong ginagawa mo diyan?”Tumingin siya pero hinila siya ni Sunny. “Mag-ingat ka, huwag mo hayaan na makita ka nila.” Pagkatapos sabihin ‘yon, hindi niya mapigilan na isilip ang ulo niya.Ginaya siya ni Cameron at nagulat. “Hindi ba't si Wayne at Minzy ‘yan? Magka-date na ba sila?”Huminga nang malalim si Sunny para pigilan ang galit niya. “Inaamin niya ang nararamdaman niya.”Nagulat si Cameron. “Ang bilis naman.”Ngumiti si Sunny. “Gusto mo ba lumapit?”Hindi niya man lang naisip ang tungkol doon. “Hindi ako baliw. Bakit ko sila guguluhin?”“Hindi ka ba galit?”“Bakit naman ako magagalit?”Hindi na mapigilan ni Sunny ang galit niya. Umatras siya at sinipa si Cameron na
Walang sinabi si Cameron at nakayuko lang.Mahiwatig na tumawa si Waylon at sinabing, “Hindi sapat ang mana mo para bumili ako ng diners. Wala akong intensyon na kunin ang bahay o lupa mo. At sa mga baboy naman… Hmm, pag-iisipan ko ang tungkol diyan.”Naningkit si Cameron at tinanong, “Interesado ka sa mga baboy?Nakatitig siya kay Cameron at sumagot, “Medyo.”Pakiramdam ni Cameron ay may hindi tama pero hindi niya magpaliwanag ang nararamdaman habang nakatingin sa titig ni Waylon. Nakatitig lang siya sa kaniya hanggang sa may umubo sa paligid. Agad niyang binawi ang kaniyang tingin at humarap para tingnan si Sunny na papalapit sa kanila.Bumuntong hininga si Sunny at umiling. “Hindi ko alam sa inyo pero may nakilala akong klase ng tao na sobrang talino sa ibang bagay pero pagdating sa iba, nagiging tanga na parang baboy.”Tumitig si Cameron kay Sunny at sinabing, “Bakit pakiramdam ko ay ako ang tinutukoy mo?”Inilagay ni Waylon ang daliri niya sa harap ng kaniyang labi. Alam ng
Pero, hinampas ang likod ng ulo niya bago pa man siya makatawag at nawalan ng malay. Pinulot ni Saydie ang phone sa sahig habang nakatayo sa likod at doon niya mapagtanto na gusto nitong tawagan si Donald.…Dumidilim na ang langit pero maliwanag pa rin ag East Island na parang kumikinang na perlas.Ilang barko ang mabagal na gumagalaw sa dagat. Darating sila sa East Island Southern Port sa susunod na dalawang araw.Maliwanag ang cabin at binaba ni Quincy ang kurtina. Tumalikod siya para tingnan ang mga tao na nasa likod niya. “Siguraduhin niyo na low profile lang kayo kapag dumating na sa isla. Huwag kayong magpapahuli.”Sinabi ng mga tao, “Huwag ka mag-alala, gagawin namin. Sasabihin namin sa mga taong makikilala namin na nandito kami para sa negosyo. At saka, iiwan namin dito sa barko ang ilang tauhan bilang backup. Sa ganitong paraan, hindi magdududa ang mga tao sa atin.”Tumango si Quincy. “Magpahinga kayo nang maaga.”Samantala, sa Southern residence…Hindi dinadalaw ng an
Kinuha ni Cameron ang phone niya at tumingin sa screen. “Pwede mo naman sabihin kung gusto mo ng number ko. Hindi mo na kailangan maglihim.”“Paano kung tanggihan mo ako? Hindi ba ako nagmumukhang kawawa?” walang emosyon na sagot ni Waylon.Tiningnan siya ni Cameron at sumagot. “Bakit kita tatanggihan? Phone number lang ‘yan…”Biglang, may sumagi sa isip niya bago pa man matapos ang kaniyang sinasabi. Inangat niya ang kaniyang kilay at tumawa. “Hindi ka ba nag-aalala na buburahin ko ang number mo?”“Wala akong magagawa kung gusto mong burahin ang number ko,” sagot ni Waylon. “Pero tungkol sa cheque…”Nagbago ang ekspresyon ni Cameron at pinatay niya ang phone niya na para bang nag aalala siya na mabura niya nang aksidente ang number ni Waylon.“Huwag kang mag-alala. Hindi ko buburahin.”Naningkit ang mata niya. “Mukhang ako ang kawawa sa kasunduan na ito.”Inilagay ni Cameron ang phone sa bulsa niya at sinabing, “Pareho lang tayo. Hindi mo na kailangan linawin ang pagkakaiba sa
Humalukipkip si Cameron at nag-iwas ng tingin. “Bibilhan kita ng bagong shift.”Naningkit si Waylon at sumagot, “Siguro naman alam mo na lahat ng damit ko ay bespoke suits, hindi ba, Ms. Southern?”Nagulat si Cameron at gulat siyang tiningnan. “Sinasabi mo bang kailangan kong pumunta sa Stoslo para hanapin ang shop?”“Hindi ba't sinabi mo na gusto mo akong bilhan ng bago?” Inangat ni Waylon ang kilay niya. “Dahil bibilhan mo ako ng bagong damit kailangan magpakita ka ng sinseridad, hindi ba?”Huminga siya nang malalim, nagngalit ang ngipin at sumagot, “Sige! Hindi dapat ako sa'yo mangako!”Tumalikod si Cameron at bumalik sa kwarto niya. Tumingin si Waylon sa kaniya at nagtanong, “Hindi mo na ba ako bibilhan ng bagong shirt?”“Wala akong pera!” sagot niya nang hindi lumilingon.Kahit na ganoon ang ginawa ni Cameron, hindi nagalit si Waylon sa kaniya. Kung tutuusin, shirt lang ‘yon at hindi niya na kailangan pang palakihin.Kinabukasan…Hindi nakita ni Cameron si Waylon o Sunny
Hindi tumanggi si Waylon sa sinabi niya. “Gising na ako mula nang pumasok ka.”Nagulat si Cameron. “So, nagpapanggap ka lang na tulog mula kanina?”Tumawa siya. “Kung hindi ako nagpanggap na tulog, paano ko malalaman kung ano ang gagawin mo?”Galit na galit si Cameron at lumalabas na ang ugat niya sa noo. Pakiramdam niya ay pinaglaruan siya ni Waylon. Huminga siya nang malalim, nilagay sa bewang ang kamay niya at sinabing, “Noong una, gusto kita bigyan ng shirt pero dahil pinaglaruan mo ako, sa tingin ko ay ayaw ko na bilhan ka ng damit.”Inangat niya ang kaniyang kilay. “Ayaw ko rin naman na bilhan mo ako ng bagong damitm Pero dahil gusto mo…”Bumaba siya sa kama at tumayo habang nakabukas ang mga bisig. “Sukatin mo na ang lahat ng gusto mo.”Nagulat si Cameron. Nag-iwas siya ng tingin at sinabing, “Ayaw ko.”Hinila ni Waylon ang kamay niya at bago pa man siya makabalik sa huwisyo niya, inilagay na niya ang braso niya sa bewang ni Waylon. Malapit siya kay Waylon at nagulat siy
Lumingon si Donald sa kaniya. “May tao bang nagtatago kay Fabio?”Yumuko si Chunky. “Hindi ko alam kung kung nalaman na ba ni Fabio ang plano natin. Natanggal na sa radar lahat ng taong pinadala natin na magbabantay sa kaniya.”Pinikit ni Donald ang mata niya, at nag-iba ang ekspresyon niya. “Sobrang desperado na niya at naging tanga pa dahil plano niyang makipag trabaho sa Southern Clan.”Binuksan niya ang mata niya at tumingin kay Chunky. “Dahil pinili naman ni Fabio na hindi makisama, hindi natin kailangan na hayaan pang mabuhay siya. Ang pagkawala niya ang tanging paraan para tuluyan ko ng masakop ang lugar niya.Sumagot si Chunky, “Kung ganun ay ipapagawa ko na agad ito ngayon.”…Pumunta si Cameron sa The Commune nang tanghali, nagulat ang mga tao sa The Commune nang makita siyang nakasuot ng pambabae. Lalo na't, unang beses nilang nakita si Cameron na nakasuot ng pambabae.“Mr— Ms. Southern.”Hindi pa sanay ang lahat sa biglaang pagbabago ng kaniyang pagkakakilanlan.Tu
Sumigaw si Fabio. “F*ck!”Pinalibutan ng mga lalaking naka-itim ang kotse at may hawak na mga baril. “Fabio Puso, tapos na ang oras mo.”Nang mapansin na hindi sumagot si Fabio, isa sa kanila ang dahan-dahan na naglakad palapit sa kotse kung saan mabilis na tumakbo si Fabio paalis. Nagulat ang lalaki, mabilis siyang nag-react, isang malakas na baril ang narinig sa paligid pero hindi tumama ang bala.Nakuha ang baril ng lalaking naka-itim, nawalan siya ng balanse dahil malakas siyang sinipa ni Fabio at natumba siya sa sahig.Nang makita iyon ng ilang lalaki, agad nilang binaril si Fabio.Bumalik si Fabio sa tabi ng kotse para iwasan ang mga bala. Nasugat ang kamay niya dahil sa basag na salamin, lumabas ang dugo sa laman niyang nasugat. Doon bilang gumulong sa taas ng kotse ang lalaking naka-itim at pinadapa si Fabio.Nang babarilin na sana niya si Fabio, may biglang sumigaw, “Sh*t! May tao dito!”Biglang nawala sa focus ang lalaki at sinipa siya ni Fabio. Kinuha ni Fabio ang bar