”Nanghingi ka ba ng permiso sa akin bago ka makipag-away dito sa teritoryo ko?” Dahan-dahan na naglakad si Cameron palapit sa kaniya. “O sa tingin mo ba walang kontrol ang ang Dad ko sa The Serpents kaya pwede mo na gawin lahat ng gusto mong gawin dito?”Nanginig si Florence. “Ibig sabihin tinutulungan mo ang mga taong iyan?”“Lahat ng nandito ay bisita ng pamilya ko. Kahit kailangan nila ng leksyon, nasa ati kung gagawin natin iyon. May kapangyarihan ang The Serpents dito, maliban na lang…”Huminto si Cameron, tinaas niya ang kilay niya at sinabi, “May nahanap ng ibang kasama ang The Serpents?”Ang sinabi ni Cameron ay parang bomba na sumabog sa mukha ni Florence.‘Siguro may napansin si Cameron, dahil hindi niya iyon masasabi na parang sobrang sigurado siya. Iyon ang magiging katapusan ng mga The Serpents!’Alam ni Florence na balak traydurin ng ama niya ang Southern Clan pero hindi pa iyon nangyayari. Kung alam iyon ni Sunny, sigurado na maalis na ang mga The Serpents sa islan
Si Waylon naman ay mukhang isang bulaklak na tumubo sa snowy mountain, sagrado at hindi pwedeng lapitan.Ngayon lang nakita ni Cameron ang dahilan bakit obsessed si Florence sa kaniya. “Tulad ng inaasahan ko sa panganay ng mga Goldmann. Hindi ka lang magaling makipaglaban pero kalmado at maingat ka rin.”Gulat na nakatingin sa kaniya si Daisie.‘Kilala niya ang kapatid ko?’Naningkit ang mata ni Waylon. “Parang walang maiiwasan ang mata mo, Mr. Southern.*“Nakikita ko na mag mangyayaring malaki sa East Islands.” Tumingin si Cameron kay Daisie. Tinaas niya ang kilay niya at ngumisi. “Kaya girl, gusto mo bang umuwi kasama ako? Mas ligtas doon kaysa manatili ka sa kapatid mo.”Nagulat si Daisie. Tumingin siya kay Waylon at sinabi, “Hindi ako natatakot. Mananatili ako sa kapatid ko.”Tumawa si Cameron at lumapit sa kaniya. “Tanga ka talaga. Alam mo ba kung gaano kabaliw si Ms. Serrano sa kapatid mo? Papatayin ka niya. Kung sasama ka sa akin, po-protektahan kita.”Umiling ang mga
Namutla ang mukha ni Joaqin nang makita kung gaano kasama ang sitwasyon ng anak niya. Sinigawan niya ang mga tao sa harap niya at sinabi. “Hah, isang outsider ka lang, pero ang lakas ng loob mong hamunin ang pamilya ko dahil lang sa gusto ka ni Mr. Southern Sr. Kung hindi mo ako bibigyan ng magandang paliwanag ngayon, hindi kita hahayaang makaalis na lang.”“Ano namang gagawin mo sa amin, Mr. Serrano? Iimbitahan mo ba si Mr. Southern Sr. dito?”Lumabas ng hall si Nollace. Naglagay siya ng mask para takpan ang kalahati ng mukha niya. Sa gold niyang buhok, light-colored pupils, at matulis na panga, para talaga siyang foreigner, at kalahati ng mukha niya ang nakatakip.“Bumaba siya sa hagdan kasunod ang lalaki at sinabi. “Well, mukhang hindi ko na kailangan ipakilala pa ang sarili ko dahil kilala mo naman na ako.”Galit na nagsalita si Joaqin. “Para sa akin parang hindi ka natatakot na maging kaaway kani matapos mo gawin ito sa anak ko!”Habang nakatayo at nasa likod ang mga kamay, h
Tumingin nang masama si Joaqin kay Nollace at sinabing, “Humanda ka sa akin.”Pagkatapos ay umalis na siya kasama ang kaniyang mga tauhan.Hinaplos ni Nollace ang kanyang mga singsing, at ang kanyang tingin ay malamig. Ang buong pagkatao niya ay nababalot sa isang chrysalis ng masamang enerhiya na magtataboy sa ibang tao sa kanya.Kahit sino pa ay talagang mawawasak kapag naglakas-loob na saktan si Daisie.Samantala, sa Southern mansion…Ang katulong ay dinala si Daisie sa kanyang silid. "Miss, narito na po tayo. Kung mayroon kayong kailangan, tawagin niyo lamang po kami."Ngumiti si Daisie at sumagot, "Sige po. Salamat."Pagkatapos umalis ang katulong, tumayo siya sa harap ng salamin. Mayroong kagubatan sa likod ng mansiyon sa Southern Mansion, at nahahalata niya ang sariwang amoy ng putik mula sa hangin.Kahit na ang silid ay dekorado sa sinaunang estilo, ang mga kasangkapan ay mula sa modernong estilo, at maging ang kama ay mula sa Simmons. Binibigyan ng buong silid ng isang
Pero, mas malapit na kaibigan ni Damian si Sunny kaysa kay Fabio.Narinig ni Damian na may dalang outsider si Cameron pagbalik sa East Islands. May espesyal na pagkakakilanlan ang taong iyon, at sinabi ni Sunny sa kaniya na siya ng mamuno sa The Commune. Alam lahat iyon ni Damian.Ininom niya ang tsaa at tinanong, “Hindi ba natatakot si Neal na masyado niyang ginagalit si Joaqin? Ikaw ang nag-utos sa kaniya na mamuno sa The Commune, at sa ginawa mo, mas lalo lang niyang ginalit si Joaqin tungkol sayo.”Binaba ni Sunny ang cup niya at kalmadong sinabi, “Kung gusto niyang magalit sa akin, gagawin niya iyon agad. Naghahanap lang siya ng butas na magiging dahilan niya ng hindi nasasaktan ang kaniyang sarili.”Hinawakan ni Damian ang gold watch sa kanyang kamay at nagpatuloy. “Kahit na willing si Fabio na magbigay ng benefits kay Joaqin, makikita natin na hindi niya masyadong pinagkakatiwalaan si Joaqin dahil nagdadalawang-isip pa siya.“Ang rason kaya nagdadalawang-isip si Fabio kumuh
”Sa oras na iyon, mapupuno siya ng lungkot, at hindi na niya kayang ipaglaban ang sarili niya sa magiging atake natin.”Tumawa si Florence, may pangarap na lumabas sa mata niya. “Very good. Matagal ko ng gusto mawala ang mga Southern. Ngayon, papatayin ko si Cameron gamit ang sarili kong kamay!”…Nang dumating si Waylon sa hotel, may napansin siyang pamilyar sa corridor. Si Nollace iyon. Nakatayo siya sa bintana, at parang matagal na niyang hinihintay si Waylon.Tumalikod si Nollace para tingnan siya. “Hindi ko inaasahan na isasama mo si Daisie sayo.”Tumawa si Waylon at sinabi, “Nag-aalala siya sayo. Kahit hindi ko siya isama, sa tingin mo ba mapipigilan ko siya?”Alam ni Nollace ang ugali ni Daisie kaysa sa kahit na sino kaya alam niyang mangyayari ito.“Narinig ko na sinubukan ng mga The Serpents na ipahamak kayo.”“Sinabi sayo ni Cameron?” Pumasok si Waylon sa kwarto at binuksan ang pinto.Sinundan siya ni Nollace sa kwarto at sumagot, “Oo. Sinabi niya sa akin.*“May gus
Nagulat si Mr. Southern Sr. at pagkatapos ay tumawa. “Hindi na masama. Mas magalang ka kaysa sa babae na yon.”Nagtaka si Daisie. “Sino ang tinutukoy mo, Mr. Southern Sr.?”Tumikhim si Cameron, binaba ang teacup, at iniba ang usapan. “Dad, kakausapin ko si Mr. Serrano tungkol sa kasal ko sa tigre na yon.”Tiningnan siya ni Sunny. “Gusto mo pa rin ba siya pakasalan?”Kumunot si Cameron. “Sinong nagsabi sa'yo na gusto ko siyang pakasalan? Kakausapin ko siya tungkol sa pagpapatigil sa engagement namin.”Tiningnan siya ni Mr. Southern Sr. “Sigurado ka ba na papayag siya doon?”“Kahit na hindi niya gustong pumayag doon, kailangan niyang gawin.” Nagsalin ng tsaa si Cameron. “Hindi ako magpapakasal sa babae na niloko ako.”Natahimik si Mr. Southern Sr.‘Nagsasalita siya na para bang pwede siyang ikasal sa babae.’Pagkatapos non, tiningnan niya si Daisie. “Ms. Vanderbilt, kung habda ka maging asawa ko, tatanggapin kita kaysa sa tigre na kayo kahit anong araw ng taon.”Nagulat si Dais
Kilala ang tao bilang makasarili. Kung itutulak niya ang kabilang partido sa sulok, magkakaroon siya ng kaunting lugar para makagalaw. Babalik lang yon kapag nagmamadali siyang magtagumpay.Hindi tanga si Joaqin at hindi ito ang tamang oras para umakto siga nang halata.“Dahil hindi mo gusto si Florence, hindi kita pipilitin na tanggapin ang marriage arrangement.” Inangat ni Joaqin ang tingin niya. “Pero, dapat magbigay pa rin ng paliwanag sa akin ang Southern sa paggawa ng hakbang ni Neal Beck sa anak ko, hindi ba?”Pinaglaruan ni Cameron ang walang laman na tasa sa mesa. “Hindi mahirap para sa akin na ipaliwanag yan, pero si Ms. Serrano ang gumawa ng gulo sa hall kaya hindi ba dapat siya ang maunang humingi ng tawad?”Hindi natuwa si Joaqin. “Kasalanan ni Florence ang paggawa ng scene sa hall at pwede siya humingi ng tawad doon pero hindi ba't sobra naman yata na bugbugin siya nang ganoon?”Tinanong niya pabalik si Joaqin, “Kung may gagawa ng gulo sa event ng The Serpents, hahay