Kumunot si Nollace. “Paano kapag nalaman mo kung saan napunta ang pera?”Sumimsim ng tsaa si Sunny at tumingin sa mesa bago sumagot, “Hindi na sila pwedeng manatili dito. Ito na ang huling awa na ipapakita ko sa kaniya.”Pagkatapos non, idinagdag niya, “Oh yeah, tulungan mo akong bantayan ang tao sa paligid ni Florence. Sa tingin ko ay nagtaksil na kay Joaqin ang iba sa kanila. Hindi niya lang alam ang tungkol doon.”Nakatayo si Daisie sa harap ng pinto. Kumatok siya sa punto dahil narinig niya ang usapan nila.Nang nagda-dalawang isip siya, may waiter na dumating sa likod niya. “Miss, bisita ka ba ng private room na ito? May maitutulong ba ako sa inyo?”Napatalon si Daisie sa takot at kinaway ang kamay niya. “Wala.”Agad siyang umalis.Binuksan ni Nollace ang pinto. Nakita niya ang waiter sa labas ng pinto, nakatitig siya sa direksyon kung saan nawala si Daisie na may nagtatakang mukha.Tumingin siya sa direksyon na yon at pamilyar sa kaniya ang katawan na nasa dulo ng corrid
Pero hindi nakaramdam si Daisie ng kahit anong emosyon doon—sobrang dismayado lang siya.Nalulungkot siya sa pinagdadaanan ni Nollace at sa pagtitiis niya da kapahamakan at sa sitwasyon niya ngayon.Gusto rin ni Daisie na harapin sila kasama si Nollace pero hindi niya pwedeng ibuking si Nollace.Matapos ang mahabang panahon, kumawala si Daisie sa bisig ni Nollace, nanunuyo ang ngalangala niya. “Kailangan ko na umalis ngayon, Nollace. Hindi makakapagpaliwanag nang maayos si Cameron kay Waylon pag hindi niya ako makita.”Hinalikan ni Nollace ang noo ni Daisie, at may bakas ng saya ang lumabas sa puso ni Daisie.Binitawan siya ni Nollace. “Umalis ka na, at huwag ka na lumingon.”Tumango si Daisie, binuksan ang pinto, at lumabas papunta sa corridor.Sumandal si Nollace sa pader, tinaas niya ang ulo niya at huminga nang malalim, kahit na may sandaling ayaw na niyang bitawan at paalisin si Daisie.Pinakalma ni Daisie ang sarili niya at bumalik na sa private room.Nakaupo na sa kwart
‘Bahagyang malalim ang boses niya marahil ayun ay dahil sa maliit niyang katawan. Hindi masyadong nakikita ang hugis ng katawan niya sa kaniyang suot. Pero ang tunay na lalaki ay walang kasing liit ng bewang at balikat niya. Kahit ang kaniyang leeg ay maliit at ang kamay niya ay hindi kasing laki ng sa lalaki.’ Hindi nagsabi ng kahit ano si Waylon, at walang nakakaalam ng iniisip niya. Kinatok ni Daisie ang ulo niya na malayo pa rin ang iniisip. “Hayaan mo na. Baka masyado ko lang iniisip ang mga bagay-bagay.”Sa Parkin Chamber ng Commerce…Hinila ng mga naka-itim na bodyguards si Collin papuntang office. Walang ideya si Collin sa kung ano ang ginawa niya para magalit ang mga tao mula sa Parkin Chamber of Commerce. Tiningnan niya si Buchanon na nakaupo si Couch. “Mr. Gibson, para saan ang lahat ng ito?” “Para saan ang lahat ng ito?” Inisip ni Buchachon ang mga sinabi ni Fabio noong binalaan siya nito kaninang umaga. Kung hindi talaga siya nakahanap ng kahit anong clue, iyon n
Hindi nagtagal matapos masabi ang mensahe, nakatanggap ng tawag si Buchachon mula kay Fabio.May sinabi sa kaniya si Fabio sa kanilang tawag, sumang-ayon si Buchachon sa sinabi niya at ngumiti. “Oo, naiintindihan ko. Huwag ka mag-alala, ako na ang bahala.”Pinatay na niya ang tawag, tumalikod at masamang tiningnan si Collin. “Nakakaawa ka naman Collin. Dahil lumabas na ang plano mo, Hindi ka na pwedeng manatili sa tabi ni Mr. Puzo.”Mabilis na nag-iba ang ekspresyon ni Collin, humawak siya sa paa ni Buchachon. “Naloko talaga ako! Si Ms. Serrano ang nanloko sa akin! Please sabihin mo kay Mr. Puzo na bigyan pa niya ako ng isa pang pagkakataon!”Hindi pinansin ni Buchachon ang iyak ni Collin at kinaway ang kamay niya. Lumapit ang dalawang bodyguard sa likod ni Collin, tinakpan ang bibig nito, hinawakan ang ulo niya at hinawakan ang baba, malakas at madiin ang paghawak niya dito.Napatabingi ang ulo ni Collin, at hinila ng mga bodyguard ang katawan niya pababa sa hagdan. Sa kabila
Tinaas ni Joaquin ang ulo niya, walang ekspresyon sa mukha niya. “Ikaw ba ang nag hire ng taong papatay kay Cameron sa teritoryo nila?” Hindi inaasahan ni Florence na tatanungin siya ng Dad niya tungkol doon, nagdilim ang mukha niya. “Ano naman kung ako iyon? Pag namatay si Cameron, pwede na nating—”“You f*cking piece of sh*t!” Sobrang galit si Joaquin na sinanggi niya ang teacup sa mesa papuntang sahig. Tumayo siya, lumapit siya kay Florence, tinaas ang kamay niya, at sinampal niya ito. Si Florence na nasampal ulit ay nag-igting ang ngipin, namumula ang mata niya habang tumatawa. “Lagi ka na lang takot sa mga Southerns. Hindi na nakakapagtaka bakit lagi ka na lang nilang minamaliit nitong mga nagdaang taon. Napakaduwag mo!” “Manahimik ka!” Umumbok ang asul na ugat sa noo ni Joaqin. “Ang lakas talaga ng loob mo na gumawa ng ganung bagay sa teritoryo ng Southern Clan? Sa tingin mo ba may kapasidad kang makipaglaban kay Cameron?” Masama ang tingin ni Florence kay Joaqin. “Bak
Tinaas ni Cameron ang latigo sa kamay niya. “Gusto mo ba matuto?”Nagulat si Daisie at tinuro ang latigo. “Gusto mong matuto akong gumamit ng latigo mula sayo?”“Huwag mong maliitin ang kapangyarihan ng latigo. Ang latigo ay isang cold weapon na ginagamit noong ancient times pa. May labing isang paraan para manduhin ang latigo, may soft at hard na latigo rin. Pwede ka gumamit ng isang latigo o dalawa. Ang pinaka ginagamit lagi ay metal at leather, ito ay leather, ang pinaka common sa dalawa. Ito ang pinakamadaling imando para sa mga beginner.”Kinuha ni Daisie ang pulang maikling latigo kay Cameron. Gawa nga iyon sa leather, at malamig ito pag hinawakan. Ang key ay napaka portable nito, at sobrang ganda ng pagkakagawa.Ngumiti si Cameron. “Kung gusto mo niyan, ibibigay ko na lang sayo.”Nagulat si Daisie ng ilang sandali. “Hindi pwede yun…”Binigay ni Cameron ang latigo na nasa kamay niya. “Hindi mo kailangan maging sobrang galang sa akin. Sayo na yan. Tatawagin ko si Mahina para
Ngumiti si Waylon. “Masyado mong binibigyan ng atensyon ang kapatid ko.”Tinaas ni Cameron ang kilay niya at ngumiti. “Kasi gusto ko siya.”Tiningnan niya si Daisie na sobrang energetic at pinatunog niya ang dila niya. “Sobrang ganda at inosenteng babae pero napaka determinado. Sana asawa ko na lang siya.”Tiningnan ni Waylon si Cameron at suminghal siya. “Nakalimutan mo na agad si Ms. Torres?”Suminghal si Cameron. “Iniisip mo pa rin siya?”Kaswal niyang sinabi, “Medyo.” Tinaas ni Waylon ang kilay niya at tiningnan si Cameron. “Madilim na gabi iyon pero pamilyar siya.”Humalukipkip si Cameron. “Sa tingin mo ba lahat ng babaeng kakakita mo lang ay magkamukha?”Hindi na sumagot si Waylon habang nakatingin sila ni Cameron sa isa't isa.Natumba si Daisie at nakuha niya ang atensyon ng dalawa, tumingin sila kay Daisie.Lumapit si Mahina at tinulungan siyang tumayo. “Ayos ka lang ba, Ms. Vanderbilt?”Umiling si Daisie dahil sumakit ang kamay niya at hindi niya magalaw.Lumapit si
Nagulat sila Waylon at Cameron sa balita. Naglakad si Sunny sa likod ng mesa niya at umupo sa leather na upuan, miserable ang ekspresyon niya. “Sa tingin ko tama nga ang concern.”Nagsalita si Cameron. “Sa tingin mo si Florence iyon?”“Hindi ako sigurado,” sagot ni Sunny. “Kung sobrang dama niya para patayin ang sarili niyang tatay, siguro naman matagal na niya iyon ginawa. Sa tingin ko ibang tao na malapit sa kaniya.”Kung may isang taong malapit sa kaniya ang nagsabi ng ideya na kumuha ng killer mula sa Skull Club para patayin si Cameron sa teritoryo nila, siguro kaya rin nilang patayin si Joaqin.Si Joaqin ang leader ng The Serpents. Matapos niyang mamatay, ang The Serpents ay pamumunuan na ni Florence. Humiling siguro ang taong iyon na makuha ang trono ni Joaqin.Tinaas ni Waylon ang kilay niya. “Nagtataka ako kay Manual. Siguro kasabwat siya.”Tumango si Sunny. “Sa tingin ko rin siya ang gumawa.” Tumawa si Cameron. “Narinig ko ang usapan na loyal siya kay Florence dahil