Kinakabahan si Andrei. “Hindi, hindi mo pwede—”“Manloloko ka at nagnakaw ka nang maraming pera. Makukuha rin yan ng mga debtors sayo. At saka nga pala…” Galit na galit si Cameron at mas lumakas pa ang loob niya. “Sinusuportahan ako ni Donald. Kahit si Fabio ay kailangan muna lumuhod sa kaniya.” Naningkit ang mata ni Waylon dahil alam niya ang sinusubukan gawin ni Cameron. Nawalan ang mga lalaki ng pera dahil sa panloloko ni Andrei at nainis sila na wala man lang silang nagawa kay Andrei. Ngayon na nabunyag na siya ni Cameron, lumapit silang lahat at binugbog si Andrei. Kahit ang sarili niyang mga tauhan ay hindi nakalaban.Lumapit si Daisie kay Cameron. “Kinakabahan ako kanina. Akala ko natalo ka talaga.” Kinaway ni Cameron ang kamay niya. “Hindi naman ako nandito para magsugal. Pumunta ako para hulihin siya.”Naiinis siya na patay na si Manuel at sinusubukan na gumanti sa kanila.Alam niya na nanloloko si Andrei sa The Palermo pero alam ng lahat kung sino siya kaya hindi si
Walang masabi si Cameron tungkol doon.Hinawakan niya ang ilong niya at tumikhim. “Sige, mag-iingat na ako sa susunod para hindi magalit ang asawa niya sa akin.”Pumunta siya sa bakuran kasama si Waylon. Nang makita niya na dumaan ang katulong, hinawakan niya ang kamay ni Waylon at nagtago sa likod niya.Nagulat si Waylon nang makita na nakahawak si Cameron sa kamay niya.Ngumiti ang katulong. “Welcome back, Mr. Goldmann.”Magalang na tumango si Waylon.Napansin ng katulong na may tao sa likod ni Waylon. “Ito ay si?”Ngumiti si Waylon. “Siya ay”Kinurot siya ni Cameron sa kamay, nahirapan siya huminga at tiningnan siya ni Waylon. “Ms. Torres.”Kapapasok lang ng butler at ni Sunny. Nang makita ni Sunny ang babae sa likod ni Waylon, akala niya may ibang babae na ang nakaagaw sa future son-in-law niya.Kumunot ang noo niya. “Willy, sino yan?”Nakilala ng butler si Cameron mula sa suot niya pero dahil nandoon ang katulong, hindi siya nagsalita. Ngumiti si Waylon. “Hindi mo siy
Biglang naintindihan ng ilang lalaki, at may biglang nagbiro. “Akala ko sabi mo nagdamit siya ng pambabae.”“Sigurado akong magiging maganda siya kung babae siya. May pambabae kasi siyang mukha.”“‘Di ba, Mr. Goldmann?”May ‘scandal’ si Waylon kasama si Cameron, kaya tinanong niya ano ang naiisip niya. Tiningnan ni Waylon ang mukha ni Cameron at huminto siya, ngumiti siya. “Kaya nga.”Tumawa ang ilang lalaki.Tumingin si Waylon sa kanila. “Sa tingin mo ba talaga kaya niyo iyon matanggap kung babae talaga siya?”Napahinto si Cameron. Anong iniisip niya?Nagulat sila ng ilang sandali. “Sa tingin ko sobrang nakakatakot iyon kung babae siya.”Isang lalaki ang sumagot. “Bakit naman magiging nakakatakot? Hindi ba mas mabuti iyon? Mas gusto ko ang mahinhin na babae. Gaano katagal mo makakaya tiisin ang torture niya?”Siguro tinutukoy nila kung paano sila kalabanin ni Cameron sa training, biglang naintindihan ng lalaki. “Tama. Mas magiging madali ng training session natin kung ang a
Tinaas ni Cameron ang kilay niya. Isipin mo kasi, nag hire ng mga killers si Manuel sa Skull Club para mapatay siya, at ang katotohanan pa lang na nakakuha siya doon ay nagpapakita na agad na kasabwat din si Donald.Nagtago si Donald sa likod ni Manuel at ginamit siya bilang pain. Magkakaroon sana ng problema ang Southern Clan sa mga Serpents, at kung sino man ang manalo sa huli, magkakaroon ng benepisyo si Fabio doon. Pero, si Donald ang totoong magwawagi.Pag hawak na ni Manuel ang The Serpents at pag nakaya niyang mapabagsak ang Southern Clan, magkakaroon na ng kapangyarihan si Donald kay Fabio sa pamamagitan ni Manuel. Makukuha niya rin ang mga tauhan ni Fabio dahil sa kapangyarihan na binigay ni Fabio kay Manuel. Ang kailangan lang niya gawin ay magtago sa likod, wala siyang gagawin, hayaan lang niyang si Manuel ang gumawa ng trabaho para makuha niya ang kapangyarihan. Parang magiging loyal si Manuel kay Fabio pero si Donald ang tunay niyang master.Magandang plano iyon para
Bumulong si Daisie, “Gusto ka ni Mr. Southern Sr.”Nagulat si Waylon. “Ano?”Nang maisip niya na baka mamali ang pagkaintindi ni Waylon, agad niyang sinabi, “Gusto ka niya maging son-in-law.”Naging tahimik ang paligid.Yumuko si Daisie. Kahit na nalulungkot siya para kay Sunny, wala siyang ibang pagpipilian kundi sabihin ang totoo dahil mas takot siya sa kaniyang kapatid. Matagal na hindi nagsalita ng kahit ano si Waylon, naging hindi komportable si Daisie doon. Matapos ang lahat, hindi pa niya natatanong sila Waylon at Cameron tungkol sa isa't isa. Nang una niyang makita na may intensyon si Sunny na gawing couple sila Waylon at Cameron naisip niya na dapat tumulong siya.Gusto niya si Cameron. Maganda siya at matalino. Hindi lang iyon, matapang din siya at magaling makipaglaban. At saka, hindi naman siya mas mababa sa kaniyang kapatid.Pero, para kay Daisie ay guguho na ang pangarap ni Sunny.Parang hindi naman gusto nila Waylon at Cameron ang isa't isa.Dahan-dahang inanga
Uminom si Donald mula sa wine at kalmadong nagpatuloy. “Sinabi niya sa akin na sobrang kamukha ng babae ang isang tao mula sa tauhan ni Mr. Puzo.”Nagulat si Buchanon. “Si Ms. Leroy ba ang tinutukoy mo?”Sa lahat ng babae sa paligid ni Fabio, si Gail lang ang may kakayahan makipaglaban. Pero, may bigla siyang naalala at bigla niyang sinagot ang hinala. “Hindi siya iyon. Pinakilala siya nu Huntley. Walang kahit koneksyon si Huntley sa Southern Clan kaya walang paraan para magtrabaho si Leroy sa Southern Clan.”Yumuko si Donald at tiningnan ang wine glass. “Maliban kay Huntley, wala pang nakakakita kay Ms. Leroy dati. Paano kung hindi siya ang tunay na Ms. Leroy?”Nanahimik si Buchanon.Gamit ang ilaw sa private room, tiningnan siya ni Donald. “Bakit ka nagpahatid ng taong hindi nakatutok Mr. Gibson? Syempre, gusto ko rin na iisa siya sa atin pero kung nagtataka siya, baka maging utang sayo ito ni Mr. Puzo.Natapos ang usapan na ng 10:00 pm. Lumabas ng private room si Buchanon ng n
Wala ng sinagot si Waylon.Mga alas otso na nang matapos silang almusal, at pumunta si Waylon sa study room ni Sunny para makipag-usap sa kaniya.May sinusulat si Sunny sa harap ng desk niya. Sabi niya, “May nalaman si Nollace. May sikretong pag-uusap din sila Donald at Buchanon.”Habang nakatayo sa bintana, sabi ni Waylon, “Base sa sinabi ni Saydie, sampung taon na nagtatrabaho si Buchanon kay Fabio. Siya ang namumuno sa Parkin Chamber of Commerce, siya rin ang pinakaimportanteng assistant ni Fabio.”Tumango si Sunny. “May kakaibang ugali si Buchanon. Alam niya kung kailan susuko at takot siya mamatay. Kahit na hindi siya masyadong pinagkakatiwalaan ni Fabio, ayos lang sa kaniya na inaasikaso ni Buchachon ang mga trabaho niya.“Sa tingin naging alerto si Buchanon dahil sa mga pekeng alak na iyon. Kinakabahan siya na baka patayin talaga siya ni Fabio isang araw.” Tiningnan ni Waylon si Sunny. “Kaya lumapit siya kay Donald dahil umaasa siya na makakahanap siya ng isang paraan para
Yumuko si Gail. “Salamat sa papuri niyo, Mr. Puso.”Tinapik ni Fabio ang balikat ni Gail at tiningnan niya si Buchanon. Doon lang bumalik si Buchanon sa katotohanan at sinabi, “Ms. Leroy, napakagaling mo nga na killer.” Hindi lang niya pinugutan si Mateo pero dinala pa niya ang ulo nito. Hindi iyon magagawa ng isang ordinaryong tao.Inalis ni Fabio ang kamay niya at umupo sa couch. “Kumusta naman ang mole? May nalaman ka ba na kahit ano?”Nagulat si Buchanon sa ulo, kaya ngayon lang siya bumalik sa katotohanan. Nang marinig niya ang tanong ni Fabio, may mga malamig na tulo ng pawis ang tumutulo sa noo niya habang iniisip niya ang sinabi ni Donald sa kaniya.Tiningnan niya si Gail at pinilit niyang ngumiti. “Tiningnan ko na ang lahat sa Parkin Chamber of Commerce. Wala namang mali sa kanila, pero…” “Pero ano?” Nilapit ni Fabio ang cup of tea sa labi niya.Sinabi ni Buchanon sa kaniya ang tungkol sa labanan ni Manuel at Sunny sa harap ng ospital. Tinaas niya ang ulo niya at nagp